Shayne Micole Astrada
"Shayne napagkasunduan namin ni Mr Dicio na ---" pinutol ko na ang sasabihin ni Papa na sa tingin ko ay nakukuha ko ang pinupunto niya
"Na ipakasal kami ng anak niyang lalake, tama po ba ako?" tanong ko na ikinunot ng noo ng aking Ama
"Paano mo nalaman ang pinupunto ko? Narinig mo ba ang usapan namin?" tanong nito dahilan ng ikinabuntong hininga ko
"Pa author ako, Well hindi naman po ako sigurado sa ideyang pumasok sa isipan ko na tumama naman. Pwede din kasing may ibang dahilan" paliwanag ko na ikinatango tango nito.
"Pumapayag ka ba?" napaisip naman ako dahil sa tanong na yun, iba na pala ang pakiramdam nung sinusulat mo lang ang ganitong eksena sa kwento sa totoong buhay na ngayon ay wala kang ideya kung anong pwedeng mangyari sa buhay mo, kung maihahalintulad mo ang buhay mo sa ginagawa mo lang kwento
"Pumapayag po ako" pag-ayon ko, madami ring nagawa para saakin si Papa, siguro ito na ang panahon upang masuklian ang mga yun. Lalo na't lagi ko siyang nadidismaya noon dahil sa grado ko
Kasalukuyan kong binabasa ang libro ko sa Physical Science dahil may long quiz kami ngayon at next subject na ito.
"Guys may emergency meeting ngayon si Sir Carl at ang susunod pa nating sub teacher kaya pwede na nating tapusin ang props!" sigaw ng president namin kaya tinigil ko na ang pagbabasa at tumulong na sa props na kailangan gawin. Para kasi ito sa exhibit na project namin at kung sino ang mapipili sa bawat strand ang maglalaban laban.
"Shayne pakiabot nga niyan!" turo ni Carol sa mga yarn na nagkalat, agad ko itong binato sa kanya at pinagpatuloy narin ang pagdidikit ng inspirational quotes about sa strand namin.
"Group 5 nasaan na yung mga articles na pina-laminate niyo? Akin na" agad namang binigay ng mga group 5 ang articles na tungkol sa topic ng strand namin at pwede nilang matutunan.
"Excuse me, si Ms Astrada ?" agad naman kaming napalingon sa babaeng nagsalita, si Cathlyn isa sa mga SSG officer gaya ko.
"Bakit?" tanong ko dito pagkalapit
"Micole may meeting tayo ngayon" tumango ako at nagpaalam muna sa mga kaklase ko bago sumama sa kanya.
"Tungkol saan daw yung meeting?" tanong ko
"Tungkol daw sa gaganaping program sa Gym, as usual tayo ang magpeprepare non" tumango nalang ako hanggang sa makapasok kami sa council
" Kumpleto na ba ang mga Officers? At mga representatives ng bawat grade?" tanong ni Maam Luisa, namamahala saamin.
"Si President na----" biglang pumasok si Denver kaya natamihik ang lahat
"Lets's start" seryoso nitong senyas at umupo sa gitna, tapat ni Maam Luisa.
"Tutal kompleto naman kayo, si Denver na ang magsasabi ng plano. Denver anong plano mo?" umpisa ni Maam Luisa
" Magstart ng mag-canvas ang mga representative na pamamahalaan ni Ms Astrada, tutal ikaw naman ang tresurer" pansin nito sa'kin, "At ang ibang officer ang tutulong saakin sa pagpaplano ng pag-aayos ng Gym" tumango naman kami, madami pa itong sinabi ngunit wala na ako sa wisyo upang makinig pa, masama din kasi ang pakiramdan ko.
"MS ASTRADA!" napatayo ako dahil sa sigaw na narinig ko, nakita ko siya na nakapikit samantalang ang mga ka-officer ko ay nakatingin saakin at sumesenyas pa na lagot ako
" YOU. NOT. LISTENING!" may diing sigaw saakin ni Denver habang dinuduro ako, lumabas na ito at ganon din ang iba napansin ko ding wala na si Maam Luisa
YOU ARE READING
I Won't Give Up
Teen Fiction"Hindi madaling mahalin ka ngunit hindi ako susuko dahil sa simpleng dahilang iyon"