Shayne Micole Astrada
Isang linggo na ang lumipas simula ng mga pinagawa ng lalake na yun saakin at ang masaklap pa ay lagi nalang ako excuse sa klase dahil sa mga pinapagawa niya pero di ko pa din pinapabayaan ang pag-aaral ko no! Nagtatanong ako sa mga kaklase ko kung anong pinag-aralan nila at kung may assignment at project bang kailangan ipasa. Sa isang linggong yun ay puro pasakit ang binigay saakin ng lalakeng yun, nagkasakit pa nga ako pero ayun siya at binibigyan parin ako ng gawain sa bahay !
" Sleep over tayo kina Lorain!" yaya ni Janice, kasama ko sila ngayon na pauwi at ngayon lang din ako ulit nagkaroon ng peace na walang excuse na naganap
"Oo nga! Friday naman ngayon e!" pag-sang ayon pa ni Lorain
" Sige ba!" ganon din si Marraine at sabay sabay silang napatingin saakin.
"Uhm try ko Guys" bigla naman silang nag-pout, aish! Di ko kayang huminde sa kanila dahil sa inaasta nila ngayon!
" Oo na! Basta hintayin niyo nalang ako!" bigla naman silang nag-apiran.
"Sige na Guys iba na ang way ko e!" tumango nalang sila at nagpatuloy na ako sa paglalakad sa ibang direksiyon.
Nang makarating ako sa bahay ay sa nadatnan ko si Denver na sa tingin ko ay kakarating lang
"Kina Lorain ako matutulog ngayon at bukas" paalam ko at hinihintay ko ang sasabihin niya ngunit wala, wala siyang pake kaya agad na akong pumaitaas upang kumuha ng mga gamit. Pagkababa ko ay nadatnan ko siyang nanonood ng tv
"Alis na 'ko" paalam ko ulit, minsan nga parang may multo lang akong kinakausap tuwing kasama ko yun e! Para akong hangin sa kanya siya naman ay parang multo saakin
Nang makakita ako ng taxi ay agad ko itong pinara sinabi ko na din kung saan ako ihahatid at lumipas ang limang minuto ay nakarating din ako sa bahay nila Lorain.
Nag-dorbell ako at may babae namang lumabas at pinagbuksan ako "Ate si Lorain po?" tanong ko sa babae habang sinasara ang gate
"Nasa kwarto niya Miss kasama ang mga kaibigan niya" tumango napang ako at agad na pumasok sa bahay nila saka umakyat at kumanan dahil doon ko makikita ang kwarto ni Lorain. -Kumatok muna ako bago pumasok at nakita ko silang may pinagkaka-abalahan, hindi nga nila napansin ang prisensya ko e
"Ano yan?" tanong ko habang nakatabon ang buhok sa mukha
"Ay mata! Ay shet!" gulat nila akong tinignan at parang may something na ikinatakot ng mukha nila
"Ano ba naman yan Shayne! 'Di ka man lang kumatok?!" inis na tanong ni Lorain
"Kumatok kaya ako ang kaso busy-ing busy kayo sa nilalaro niyo"
"E paano ba naman kasi niyaya kami ni Marrain na maglaro ng 'Eye' paunahan kasi kaming matapos ito" paliwanag ni Janise
"E dumating ka tapos bigla bigla ka nalang nag-sasalita at yang buhok mo pa nakatabon sa mukha kaya akala namin yung babaeng pugot ulo na parang si sadako kaso bunge bunge kaya kami nagulat at natakot sayo"
"Hoy grabe kayo sa'kin! Hindi naman ako bunge ah?! At di naman kami mag kasing-haba ni sadako ng buhok, 'di hamak na mas mahaba ang kanya" nagsitawanan lang sila dahil sa sinabi ko
"Buti pinayagan ka ng asawa mong pumunta dito? Akala nga namin 'di ka na pupunta dahil hindi ka pinayagan"
"Tss as if namang mangyari yun no! Hangin nga lang turing non saakin samantalang multo naman ang turing ko sa kanya"
"Paano ka naman nakakasiguro Shayne? Malay mo siya na talaga at mag-work yang marriage niyo?"
"Guys wala tayo sa wattpad world ngayon, Were talking about reality ... Arrange Marriage kami at may mahal siyang iba, alam kong magtatapos parin ang kahibangang ito"
YOU ARE READING
I Won't Give Up
Teen Fiction"Hindi madaling mahalin ka ngunit hindi ako susuko dahil sa simpleng dahilang iyon"