IV

8 1 0
                                    

"Ako na ang bahala sa paghatid ng mga gamit mo Shayne sa bahay niyo, nga pala ito ang address ng bahay niyo doon ka na dumaretso" tumango nalang ako sa sinabi ni Papa, pinapalayas na talaga ako...

"Anak baka isipin mong pinapalayas kita? Wag mong iisipin yun dahil welcome ka parin sa bahay na yun, pero syempre kailangan niyo tumira sa iisang bubong dahil mag-asawa na kayo. Basta wag munang baby a, saka na pag-tapos na kayo sa pag-aaral" bilin ni Papa, as if namang mangyari yun! Papa talaga...

" Opo" numiti nalang ako at tinapos na ang pagkain dahil sa may pasok pa 'ko ngayon

" Pa alis na po kami" paalam namin ni Voc at sabay naming hinalikan si Papa sa magkabilang pisngi ni Voc

"Tito sabay na po ako sa kanila" paalam din ni kuya Nate

" 'Di ka na mag-bebreakfast?" tanong pa ni Papa

"Hindi na po Tito, may tatapusin pa po kasi kaming presentation ngayon e" tumango nalang si Papa. Umalis na kaming tatlo

"Bye!" paalam ni kuya Nate at nagmamadaling tinungo ang building, siguro nga kailangan ng matapos ang presentation na yun kaya aligagang aligaga si kuya

"Ate una na din ako a, hindi na kita maiihatid sa room niyo" tumango nalang ako sa sinabi ni Voc at umalis na din, hihintayin ko pa kasi ang tatlo dahil sabay na kaming papasok kahit magkakaiba ang room at strand namin.

"Aga grabe!" nakasimangot kong bati sa tatlo na napangiwi lang, limang minuto ba naman akong paghintayin?

"Lika na nga kayo!" sabay sabay na naming tinungo ang building namin naunang makarating si Marraine sa room niya dahil 2nd Floor lan ito. Sumunod naman si Janise

"Bye Lorain" paalam ko kay Lorain dahil nasa tapat na ako ng room ko

"Sige lang, sanay na kong iwan"

"Baliw! Haha sige na pasok na 'ko" pumasok na ako sa room ko at nadatnan si Kianne na prenteng nakayuko sa teacher's table

"Huy!" tawag ko dito at malumanay na hinarap ako, pansin ko din ang mugto sa kanyang mga mata.

"Anong nangyari Kianne?" nag-aalala kong tanong dito ngunit ngumiti lang at mapapansin moa ng lungkot sa mga ngiting yun

"Wala namang nangyari e, okay ang lahat Shayne wag kang mag-alala" binatukan ko nga, tama bang sabihing okay ang lahat kahit huling huli na siya?

"Aray a! Oo na hindi na 'ko okay! Masaya na ba?!" inis nitong tanong at tinaasan siya ng kilay

" Anong problema?" seryoso kong tanong ngunit yumuko lang ito kaya inangat ko siya sa sabunot na paraan

"Aray naman Shayne Micole! Oo na sasabihin ko na sayo!" inis nitong sabi at umayos ng upo.

"Bago mo sabihin yan dun tayo sa pwesto natin! Nakakangalay ang kakatayo rito tapos ikaw nakaupo?!" hinila ko na siya hanggang sa makarating kami sa upuan namin.

"Ano pang tinatanga mo diyan? Umpisahan mo na ang pagke-kwento" bumuntong hininga muna ito bago nagsimula

"Break na kami ni Mixie" napansin ko naman ang patulong luha niya kaya bago pa ito tumulo ay pinunsan niya na ito agad " Nakipag-break siya kahapon.... Sabi niya hindi niya daw ako mahal, sawang sawa na daw siya sa relasyon namin ang pinagtataka ko lang naman ay ang saya-saya pa namin nung mga nakaraang araw e, hindi naman nag-iba ang pakikitungo niya saakin kaya hindi ako makapaniwala at nagtataka parin ako kung bakit siya nakikipag-hiwalay sakin" kwento nito na ikinalungkot ko

"Alam mo Kianne umupo ka muna, natatatangkaran ako sayo!" sita ko dito dahil nangangalay na 'ko sa kakatingala

"Shayne naman e! Panira ka!" reklamo nito at padamog na umupo

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now