Beautiful Thorn

159 3 2
                                    

Para sa akin ako ang pinaka malungkot na tao sa mundo,ngunit lahat ng itoy nagbago dahil sa isang pambihirang bulaklak.

"Magagamit at mapapakinabangan mo ang bulaklak na ito sa pamamagitan ng paghiling" sabi sa akin ng matandang babae habang hinihimas ang bulaklak.

"Paghiling? Kahit ano ba ang hilingin ko ay maibibigay nito?" tanong ko dito.

"Oo,pero ito ang masasabi ko sa iyo iha, walang permanente sa mundo at sa oras na lumabas ang mga tinik nito ay maghanda ka."
sabi niya sa akin habang nakangiti na may kasama ng tingin na nagbibigay ng babala.

Tumaas ang aking mga balahibo dahil sa ngiti niyang iyon na nakakatakot at parang sinasabing may hindi magandang mangyayari.

"A-anong ibig ninyong sabihin?"

Nilagay niya ang suot niyang hood sa may ulo niya at saka tumingin sa akin ng mataman "60 days" sabi nito at bigla na lang naglaho na parang bula.

Beautiful Thorn 🌼
2018
Ailalelz

Beautiful ThornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon