Huhuhuuu bakit ganun? Nasasaktan ako kahit di ko naman dapat maramdaman,wala pa akong malabasan ng sakit,wala kasi si Elmo tinakbuhan ko kasi kanina.Kailangan kong malabas tong lungkot na nararamdaman ko dahil kung hindi baka mabaliw na ako sayooOooo este baka masiraan pa ako ng ulo dito.
Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamayNapatingin ako sa mga taong sa tantsa ko ay mga pito na nagsisigawan sa may videoke at nag-iinuman,napatingin ako sa babaeng kumakanta.
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling kaHalatang lasing na ito at masayang masayang kumakanta Aishh! Ayoko sa mga masasaya,nang natapos na ang kanta niyang sintunado,nilapitan ko ang mga ito at malakas na kinuha ang isang baso ng alak at nilagok ito lahat pagkatapos ay inagaw ko ang mic dito.
"Bantot ng boses mo! Ako na nga ang kakanta!" sigaw ko dito.
Nagulat silang lahat lalo na ang babaeng kumakanta at kalaunan ay nakabawi din at malakas na inagaw sakin ang mic,aba't sinusubukan ako ng babaeng ito ha!
"Sino ka ba at bakit ka nakikigulo samin?!" mataray nyang tanong sakin pati ang mga kasama niya ay nagbubulungan narin.Tinaasan ko sila ng kilay at matapang na inagaw ulit ang mic.
"Sintunado ka!halatang di ka marunong kumanta hayaan mong pakitaan kita!" At kinuha ulit ang isang baso at nilagok iyon aishh nahihilo na ako.
Gumewang ako ng kaunti at dinuro ko siya,tumingin ako sa videoke, humarap ako ulit at dinuro yung isang lalaking bumubulong bulong din sus hilahin ko nguso neto eh.
"Hoy! Wag kang bulong ng bulong dyan ah hanapan moko ng kanta yung pang broken hearted ah" sigaw ko dito habang nakaduro at masama ang tingin sa kanya.
May narinig pa akong nagsabi sa kanyang 'pre wag mong papatulan yan babae yan'."Tsk paano ko malalaman na alam mo yung kantang pipiliin ko ha?!" inis na tanong nito sa akin.abat--
"Edi hulaan mo tse!" bulyaw ko dito.
Tumingin siya sa songbook at nagsimulang nagpipindot doon, masunurin naman pala to eh tsaka mukhang kaedad kolang siya,habang naghihintay ay nagsalin ulit ako ng baso ng alak take note punung puno pagkatapos ay inisang lagok ko lang ito.Kita sa peripheral vision ko na napanganga sila sa nagawa ko ngunit inirapan ko lang sila.Medyo nahilo ako at gumewang ulit mabuti nalang at napahawak ako sa lamesa.
"Uhm,miss I think you're drunk na, you need to go home." sabi nang isang babae sa akin, I glared at her, no way! Nakakatatlong baso palang ako noh! At sino ba siya para Englishin ako ha?!
"Hoy don't english english me ha you don't hik know me!!" Teka lang, suminok ba ako aishh bahala na, tumingin nalang ako ulit dun sa videoke at ngumisi.
Hihihihi feeling ko tuloy brokenhearted ako na hindi, siguro baka hindi talaga,assumera lang talaga ako.Nang napalitan na ni kuyang bubuyog ang kanta ay inagaw ko na sa kanya ang mic pero syempre kinain ko muna yung pulutan nila hihihihi.
Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
Di tulad sayo imposible
Prinsesa ka akoy dukha
Sa TV lang naman kase may mangyayarePumikit ako habang kumakanta,
Ang ganda talaga ng boses ko.At kahit mahal kita wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kitaGrabe bumirit agad ako para naman di mainip toh si ate girl na sintunado ahihihi na amaze siguro sya sa aking angking galing, tinignan ko siya at nakita kong nakakunot ang kilay niya.
Kumanta pa ako ng kumanta,birit here birit everywhere kahit wala namang kailangang ibirit. Meron pa atang line na pumiyok ako pero wapakels at least nakakanta hays mas gumaan pakiramdam ko hihihik.
Nang natapos na ang kanta,nakita kong '78' ang score ko hihihihi ang galing naman parang grade ko sa math,tinalo pa nito si ateng naka 76.
While I was happily staring at the videoke,biglang may umagaw ng hawak kong mic,aish si ateng sintunado nanaman!
"Ang lakas mong mangyabang eh isa ka rin palang di marunong kumanta,niyayabangan mo pa akong babaita ka!" bulyaw niya sakin,anong bang problema neto naiinggit siguro siya sa akin kaya dinadown nya ako.
Sasagot na sana ako nang may biglang humablot sa braso ko, si Elmo!anong ginagawa niya rito? Gusto niya rin kayang kumanta? No way! Hindi naman siya broken eh.
Binulungan niya pa ako ng "Andito kalang pala kanina pa kita hinahanap,umuwi na tayo." Hindi ko siya pinansin.Humarap ako kay ateng at Tinaasan ko siya ng kilay "inggit ka lang kase naka 78 ako ikaw 76 lang mweheheheh." Pang-aasar ko sa kanya.
"Tse,sintunado ka na nga piyok ka pa ng piyok!" sigaw niya sakin.
Hinila na ako ni Elmo ngunit dinuro ko pa rin siya "Wag mo saking isisisi sintunado videoke niyo pwe!" sigaw ko ulit dito hanggang sa malayo na kami ni Elmo Teka nga lang bat nya ba ko hinihila?
Umupo siya sa isang gilid habang ako ay nakatayo at nakamasid lamang sa kanya,tinap niya yung bakanteng katabi niya na parang sinasabing umupo rin ako.Umiling ako sa kanya.Napabuntong-hininga pa siya saka tumayo at hinila ako patabi sa kanya,eh pakipot ako eh hihihihi.Pagkaupo ko ay agas siyang nagsalita.
"Hindi muna kita tatanungin ngayon, siguro bukas nalang dahil hindi ka pa matinong kausap sa ngayon."
Nakatingin lang kami sa isat-isa ngunit sa huli ay siya rin ang unang bumawi ng tingin,bumuga siya ng hininga at nagsalita siya ulit. "Ihahatid na kita." Tumayo siya at hinawakan niya ako sa kamay at nagsimula na kaming maglakad.
~
BINABASA MO ANG
Beautiful Thorn
FantasyAng buhay ni Lisa ay malungkot at walang kulay but everything has changed when she saw a beautiful and magical flower that was given to her by her grandmother, the flower will remain beautiful and colorful if she takes care of it, but what will happ...