Ang weird and medyo creepy ni lola kanina, nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala talaga, sino bang mawawala nang ganon kabilis?
Kung tumakbo man siya ay makikita ko parin ito dahil bukod sa malawak ang paligid ay wala namang mapagtataguan dito. Tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat kaya't tumayo ako at mabilis na naglakad papalayo.
Pauwi na sana ako nang may marealize ako, si Elmo! Mabilis akong naglakad at nagtago sa halaman sa tapat ng gate nila Bella, medyo kaunti pa naman ang umaalis na bisita, nang makita ko siya ay dali dali ko itong hinatak papalayo roon.
"Uy, sorry kanina ah"
Tumingin siya sa akin at ngumiti "O-okay lang, kamusta naman pala yung sugat mo?" tinignan niya ito at nagulat nang makitang wala nang sugat doon.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at hindi siya umimik, galit ba siya?
"U-uy, bakit ang tahimik mo?" nagtataka kong tanong dito.
"Wala naman, tara na umalis na tayo."
Tumango ako kahit na nagtataka ako sa kanya, hindi naman kasi siya ganyan dati, mukhang malalim ang iniisip nito.
Ano kayang iniisip niya?
Elmo's POV
"U-uy, bakit ang tahimik mo?"
Ngumiti ako sa kanya "Wala naman"
Hanggang sa makauwi ay wala kaming imik, alam kong nagtataka siya sa akin pero mas pinili ko na lang na manahimik.
Tumingin ako sa labas ng bintana habang nakakuyom ang aking kamao.
Bella..
Flashback:
Nag-uusap kami ni Bella sa isang gilid malayo sa mga bisita ngunit tanaw namin dito si Lisa.
Napapansin ko ang kanyang mga masasamang titig dito. Ano bang nagawa sa kanya ng kaibigan ko at parang ang laki ng galit niya.
Bago pa ako magtanong ay inunahan na niya ako. "Gaano katagal na kayong...mag-kaibigan?"
"Simula bata pa kami"
Tumango siya at sumipsip ng kanyang hawak na wine. "May napapansin ka bang kakaiba sa babaeng yan?"
Kumunot ang noo ko, kakaiba?
"Paanong kakaiba?" tanong ko dito."Somethin' like.... Uh nevermind, there's something of her that caught my interest but I don't what it is, I just feel like, Uhm, She had a big secret?"
Big Secret? "Psh, wala siyang nililihim saken"
"And why do you say so?" taas noong tanong nya.
"Ako na lang ang tangi niyang nasasandalan sa buhay, kaya't imposible na maglihim pa siya sa aken."
Tumango siya ngunit ramdam kong hindi siya sang ayon sa sinabi ko.
"Just keep an eye on her."
"What?, anong meron?" what is she talking about?
"I don't know, may masama akong kutob sa kanya."
Magtatanong pa sana ako ngunit tinawag na siya ng iba pa nyang bisita.
She tapped my shoulder "I will just entertain them, bye"
End of Flashback:
Hindi ako mapakali, ano bang sinasabi niya? Nasisiraan na siguro ng ulo ang babaeng iyon.
Sinusubukan kong alisin sa utak ko ang lahat ng kanyang sinabi at tuluyan na akong lamunin ng antok.
Lisa's POV
"Pagkatapos non--- ay kabayo!"
Kasalukuyan kong kinekwentuhan itong bulaklak nang may biglang nagbato ng bato sa labas ng bintana ko. Napairap ako, alam ko naman kung sino yon hindi na ako sumilip, lumabas na kaagadako ng bahay at naabutan si Elmo sa labas.
"Anong kailangan mo?" nakasimangot kong tanong
"Gala tayo, libre ko"
~
"Oh, ano bang sasabihin mo" tanong ko sa kanya sabay higop ng kinakain kong lugaw.
"May tinatago ka ba saken" biglaan nyang tanong.
Napahinto ako. Tinatago? At ano naman ang tinatago ko sa kanya?
"Bakit mo naman natanong yan?"
"Sagutin mo nalang"
"Wala! Bakit naman ako may itatago sayo? Eh halos buong buhay ko nasabi ko na sayo e! Kalang na nga lang pati pagtae ikwento ko pa sayo!" sabi ko dito.
Seryoso siyang tumingin sakin "Sigurado ka?"
Napatingin ako sa kanya "O-oo n-naman" hala bakit ako nauutal?
"Nagtitiwala ako sayo" sabi niya sabay balik sa kanyang kinakain.
Hindi ako makapag focus sa kinakain ko. Bakit naman niya natanong yon saken, wala naman akong tinatago sa kanya diba?
Pero bakit parang meron? Nagpalinga linga ako sa paligid nang may makita akong bulaklak, bulaklak?
Teka, yung binigay sakin ni lola! Sasabihin ko pa ba sa kanya yon? Sus wag na, wala naman siyang pakialam dun eh.
Pero bakit parang nakokonsensya ako? Aish, siguro nakokonsensya lang ako kase nilibre niya ako. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.
~
BINABASA MO ANG
Beautiful Thorn
FantasyAng buhay ni Lisa ay malungkot at walang kulay but everything has changed when she saw a beautiful and magical flower that was given to her by her grandmother, the flower will remain beautiful and colorful if she takes care of it, but what will happ...