Pumunta ako sa isang sulok ng aming classroom at nilabas ang baon kong pandesal na ibinigay sa akin ni Tita Malou kaninang umaga,lagi akong pumupunta dito tuwing oras ng recess dahil baka makita ako nina Tiffany kasama ang mga minions nya.
Kinuha ko sa plastic ang pandesal,gutom na gutom na kasi ako dahil hindi ako nakakain ng agahan kanina.
Flashback
"Apo ang ibinilin ko sa iyo yun na lang ang natatanging paraan para sumaya ka" sabi ni Lola sakin habang sya ay papalayo ng papalayo."pag-isipan mong mabuti ang mga desisyong gagawin mo para gumanda ang kahihinatnan nito."
"Lola gusto ko napong sumama sa inyo sige na po mas magiging masaya po ako kasama ninyo lola isama nyo napo ako" humahagulgol na ako,pinipilit Kong abutin ang kamay nya ngunit di ko na maabot pilit akong tumatakbo papalapit sa kanya ngunit pakiramdam ko ay nakadikit ang mga paa ko sa lupa.
"Ang bilin ko sa yo apo wag mo kalilimutan at hanapin mo ang iyong ka-------"
"Lolaaaaaaaaaa!!!!"
Naramdaman konalang na parang may bumuhos sa aking malamig na tubig.
"Hoy Lisa! bumangon kanadyan at magluto ka na ng agahan natin bilisan mo!" sabi sa akin ni tita Malou.
"O-opo tita sige po"
Bumangon muna ako at naligo pagkatapos ay pumunta na akong kusina para magluto.Pinuntahan ko si tita upang itanong sa kanya kung anong lulutuin ko.
Sinabi nya sa akin na pumunta ako kina Elmo upang umutang muna, medyo naaawa din ako kila tita dahil paubos na ng paubos ang kanilang pera dahil nawalan ng trabaho ang kanyang asawa at lagi pa itong nakikipag-inuman sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Beautiful Thorn
FantasyAng buhay ni Lisa ay malungkot at walang kulay but everything has changed when she saw a beautiful and magical flower that was given to her by her grandmother, the flower will remain beautiful and colorful if she takes care of it, but what will happ...