Araw-araw ay malungkot ako,ganun naman lagi ang buhay ko diba? Walang pinagbago lagi parin akong napapagalitan nila Tita at Tito.Isama mo narin ang mga anak nilang nagmana sa mga ugali nila.
Minsan ay isang beses lang akong nakakakain sa isang araw kahit ako ang nagluluto dahil lagi nila akong inuubusan.
Minsan nga'y si Clarisse isa sa mgaanak ni tita ay nahuhuli Kong kahit na nakakain na ang aso namin ay binibigay nya padin ang natirang pagkain na dapat ay para sa akin,hindi kasi nila ako sinasabay sa pagkain,Ewan koba kung bakit.
Minsan ngay sinasama ako ni Elmo upang maghanap ng mga bote bote o mga lata,dahil yun lang ang naiisip Kong paraan upang makabayad kami ng utang.
Nandito ako sa kwarto ko ngayon masikip at mainit.Isang lumang kama na mayroong dalawang unan at isang maikling kumot na binigay sa akin ng Lola.May isa ding karton kung saan nakalagag ang mga damit ko at isang garapon na nakalagay sa isang sulok kung saan nakalagay ang mga litrato ng pamilya ko.Doon din nakalagay ang mga sticky notes na gawa namin ni kuya Maki,isa Kong kapatid tatlo kami ang magulang ko at ate ko ay namatay na at si kuya Maki ay diko na makita Simula ng mawala sila.
Siguro ay sobrang lungkot nya dahil nung nawala sina ate ay sumabay pa ang Girlfriend nya na iniwan din sya.Sabi ko naman sa kanya mukhang di mapagkaka-tiwalaan ang babaeng yun.Mali ang desisyon ng gf nya dahil alam Kong mapagmahal si kuya at loyal din,gwapo naman si kuya at yun ang unang naging girlfriend nya at alam Kong sineryoso nya yun.
Ang mga sticky notes ay naglalaman ng mga naranasan namin buwan buwan ngunit hindi ko narin Ito nagagawa ngayon.
Kinuha ko ang garapon at binuksan, Naiiyak nanaman ako namimiss kona sila sana ay sinama nalang nila ako sa kabilang buhay kaysa maranasan ko ang ganito.
Siguro kung nakikita ako nila mama ngayon ay mag aalala sila sa akin.Naalala kopa noong nahulig ako sa hagdan sa school tinanong nila ako kung bakit may mga pasa ako,kung anong nangyari sa akin,kung may umaaway ba sa akin.At si Lola naman ang naggagamot ng mga sugat ko.
Ah Oo nga pala yung buto.Bago na matay ang lola ay may inabot sya sa aking buto.
"Itanim mo Ito sa likod ng bahay hah? Lagi mo itong diligan, pangalagaan mo Ito,kapag itoy lumaki na at nakita mong nagnining ning ay isipin mo ang lalaking gusto mong makasama sa iyong pagtanda, ang lalaking minamahal mo,ngunit eto ang tatandaan mo habang ikaw ay nagsasaya huwag mopa ring kakalimutang alagaan ito dahil kung itoy iyong mapapabayaan hindi lang ang bulaklak ang mawawalan ng kulay pati narin ang iyong buhay."
"Maaaring bumalik ka ulit sa dating mong buhay"
"Tandaan mo huwag mong babaguhin ang ugali mo maging mapagkumbaba at mabait kapa ring bata."
Hindi ko alam kung maniniwala
ako sa sinasabi ni lola,Ngunit kung totoo nga ang lahat ng Ito alam kona kung sino ang lalaking gusto Kong makasama habang buhay.~
Maaga akong gumising para magluto at maligo mabuti nalang at walang pasok ngayon dumiretso muna ako kila Elmo.
"Kamusta kana? Mukhang maganda gising mo ah?" nahalata pala nya,pero sya den mukhang maganda ang gising.
"Hmm Oo nga eh pumunta lang ako para sabihin sayong hindi muna ako mangangalakal may gagawin kasi ako ngayon eh bukas nalang."
"Talaga? Ay! Oo nga pala pupunta dapat ako sa inyo para ipaalam sa iyo na di na muna kita masasamahan kasi may pupuntahan din kami eh,Sakto! Haha!". sabi nya habang ngiting ngiti.nagpaalam narin ako at umuwi na.
"Ngayon kolang napansin close pala kayo ni Elmo." sabi sa akin ni Joanna habang nakataas ang mga kilay.
Oo nga pala,patay na patay si Joanna kay Elmo minsan nga ay nireregaluhan nya Ito ng kung ano ano.
"Hmm,kaibigan ko sya Simula panung bata pa kami,gusto mo ba ikwento kita sa kanya palage?" tanong ko.
"Hindi na kailangan konting papansin kolang sa kanya ay ma iinlove din sya saken!" sigaw nya saken.
"Ahhmm Okay?"
"Psh!"
Eh edi ikaw na,hindi konaman
gusto si Elmo eh.......bulong ko sa isip ko."Maglinis ka na aalis pa kami ng mga friends ko!"
"Okay"
Pumasok na ako sa loob at nagsimulang maglinis.Pagkatapos ay pumunta ako sa likod ng bahay.
Kinuha ko ang mga buto na
binigay sa akin ni lola at nagsimula
na akong magbungkal ng lupa.ilalagay ko ang mga lupang ito sa isang malaking paso.Pagkatapos kong magbungkal ay kinuha ko na ang mga buto,kulay black ang mga ito at hindi mo mabibilang ang dami dahil ito ay maliliit at pino.
Binuhos kona ito sa paso at tinabunan na ng lupa,kinuha ko ang tabong may
tubig at diniligan ito,pinagdadasal
ko na sana totoo nga,totoo ngang mahiwaga ito.Pagkalipas ng ilang araw ay tumubo na ito,araw-araw ko
kasi itong dinidiligan,para akong baliw dahil binabasahan ko pa ito ng mga short stories,dito din ako tumatambay kapag nagpapatugtog ako,inaalis ko ang mga damong tumutubo malapit dito.Hindi ako pwedeng maging tamad,kailangan ko itong diligan araw-araw,kailangan ko itong diligan.
Lumipas ang ilang linggo at ito ay palaki na ng palaki tumutubo na ang maraming dahon at ibat ibang kulay ng bulaklak,may kulay rosas,dilaw,asul at marami pang iba!Nakakatuwa!
Gabi na at nandito ako sa tabi ng bulaklak,pinagmamasdan ko ito nang may bigla akong napansin,parang kumikinang ang mga ito.
Wait,namamalikmata lang ba ako
o ano??pero para talaga syang kuminang!Tinignan ko ulit ito ng ilan pang minuto ngunit hindi na ito kuminang pa,siguro nga guni guni kolang iyon.~
BINABASA MO ANG
Beautiful Thorn
FantasyAng buhay ni Lisa ay malungkot at walang kulay but everything has changed when she saw a beautiful and magical flower that was given to her by her grandmother, the flower will remain beautiful and colorful if she takes care of it, but what will happ...