Chapter 3

51 6 0
                                    

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno sa likod ng aming school, gumagawa kasi ako ng tula Ewan koba kung bakit pero tungkol Ito sa pamilya ko.Hindi naman ako talaga ako mahilig sa mga ganitong bagay.

Kanina pa ako pilas ng pilas ng mga papel,nakakainis! Wala kasi akong maisip na magkakatunog na mga salita.Nang magsawa ay kinuha konalang ang isa kopang notebook at sinulatan ang likod non.

Walang pasok ngayon umakyat lang ako sa bakod ng school,Ito ang madalas namin tambayan ni Elmo, parati akong pumupunta dito kung gusto Kong mapag-isa kung hindi sa kwarto ay dito dahil kahit nasa kwarto ako ay naririnig ko ang mga ingay Nina Clarisse.

Eto ang mga sinulat ko sa likod ng notebook ko:

Name:Lisa Dela Cruz
Age:17
Crush:Ken Erick Lastimosa
Age:18
Friend:Elmo Sarmiento
Age:18

Pagkatapos ay nilagyan ko ng pirma sa ibaba.Umalis narin ako para mag gala gala,tumakas lang kasi ako kila tita dahil baka kung ano nanamang gawin nila sa akin.

Nakita ko ang sugat ko sa may kanang balikat hindi pa nila Ito napapansin dahil lagi itong nakatago.Hinampas kasi ako ni Tito ng sandok na mainit.Inintindi ko nalang din siya,sanay na ako na sa tuwing lasing sya ay ako ang napag bubuntungan nya ng galit.

Namumula din ang mga sugat ko sa mga tuhod noong nahuli ako Nina tita na hindi pumasok at pinaluhod sa may asin.sigurado akong kapag nahuli nila ako ay gagawin ulit nila iyon sa akin pero ok lang dahil sanay na ako.

Sanay na akong masaktan,
sanay na akong mahirapan

Nakarating ako sa isang bundok  kung saan may baka sa taas umakyat ako doon at umupo habang nakapikit,ang sarap talaga ng simoy ng hangin, napapangiti ako dahil naaalala ko na dito kami laging pumupunta nila kuya upang maglaro o kumain ng mga pinamili naming chichirya.

Nang idilat ko ang aking mga mata ay may dalawang tao akong nakita sa may di kalayuan,mukhang pamilyar sa akin ang isa bumaba ako at lumapit sa dalawang tanong naglalandian este nagtatawanan at nagsusubuan ng dala nilang mga pagkain.

Pagkalapit ko ay hindi nga ako nagkakamali si Ken yun! At si Micah,teka sila naba?,hindi naman sa pagmamayabang pero mas maganda ako kay Micah kaklase ko sya,pero siguro nga pwede din syang magustuhan ni Ken,hindi naman sa mukha minamahal ang isang tao kundi sa ugali din.

Kaya nga nagustuhan ko si Ken dahil mabait sya,nung nadapa ako ay sya ang tumulong sa akin,nung naliligaw ako ay sya ang tumulong sa akin nung nahimatay ako ay sya din ang tumulong sa akin, lagi syang nandyan para sa akin,wala man akong naririnig mula sa kanya tuwing tinutulungan nya ako ay alam Kong mabuti syang tao at syempre may itsura din si Ken madaming nagkakagusto sa kanya at isa na ako don.

Lumapit pa ako para marinig ang kanilang pinag uusapan,hindi naman sa pagiging chismosa pero gusto Kong malaman kung anong relasyon nila sa isat-isa.

"Hahahaha! tignan mo babe o ang dungis Mona hahaha! Wait pupunasan ko" sabi ni Micah habang kumukuha ng tissue at pinapahiran ang gilid ng labi ni Ken. Pagkatapos ay umangat ang braso ni Ken at iniakbay ito sa babae.

Hindi ko kinaya ang mga eksena kayat tumakbo ako,Ewan ko ba pero walang luhang pumapatak galing sa mga mata ko Nasasaktan lang ako,umasa ako na baka gusto nya din ako yun pala gusto lang nya talagang tulungan ako eh sino ba may magsabing umasa ako diba?
HA HA HA!

Habang tumatakbo ay may nabangga ako muntik na akong mahulog mabuti't nasalo nya ako.Ang isang taong lagi ding nandyan para sa akin.

"Oh bat ganyan mukha mo?" nagtatakang tanong sakin ni Elmo.
"Bat parang nagmamadali ka? May humahabol ba sayo?"

"W-wala!" sigaw ko,ang mukha naman nya ay parang hindi naniniwala sa Sinabi ko,sino ba namang maniniwala kung uutal-utal ako at mukhang kinakabahan.

"Uhhmm,okay?" sabi nya na parang hindi kumbinsido sa sagot ko.Inakbayan nya ako at nagsimula kaming maglakad.

Habang naglalakad ay tinignan ko ang katabi ko.Totoo may Itsura talaga si Elmo at tulad ni Ken ay maraming nagkakagusto sa kanya, matalino din si Elmo at hindi lumiliban sa klase,kaya nga't nakokonsensya ako na umabsent sya para sakin.

Ni wala man akong maibalik o maiganti sa kanya samantalang sya ay andami ng nagawang mabuti para sa akin.siguro ay dadating din ang araw na masusuklian ko ang mga magagandang bagay na ginawa nya sa akin ngunit hindi pa ngayon.Ngayon na madami akong pinagdadaanan, hinihintay konalang ang bulaklak na sinasabi ni lolang lumaki,siguro kung sa panahong maayos kona ang buhay ko saka ko sya magagantihan.

"Kung may problema ka man sa inyo o sa ibang tao sabihin molang sakin huh?,geh una nako." ginulo nya ang buhok ko at umalis na.

Pagpasok ko sa gate ay nagulat ako ng may humila ng buhok ko.Hindi ko makita ang mukha ngunit sigurado akong isa kina Clarisse o Joanna.

"Sinasabi ko sayo,layuan mo si Elmo ha?!" Mas lalo nyang hinigpitan ang sabunot sa akin ako naman ay nakahawak sa kamay nya at nagmamakaawang tigilan na. "Kung hindi,hindi lang yan ang aabutin mo!" Pagbitaw nya sa akin ay sumubsob ako sa lupa hindi pa nakuntento at dinaanan pa ako sa likod.

Napapapikit nalang ako sa sakit alam Kong darating ang araw na hindi na nila magagawa sa akin Ito.

~

Nandito ako sa kwarto kanina pa ako pagulong gulong hindi ako makatulog dahil rinig na rinig ko ang mga boses ng mga kainuman nina tita at tito kanina pa sila dyan sa labas,kanina pa mga lasing. Kumakanta sila sa videoke ng kung ano ano at mali mali naman ang ang lyrics.Kadalasan ay sumisinok sinok pa.

Bumangon ako at tinignan ang maliit na orasan na bigay sakin ni papa.

2:36 am

Linggo ngayon at may pasok pa ako bukas baka mamaya ay tanghaliin pa ako ng gising. Sinubukan kong matulog ngunit hindi talaga ako makatulog lalo na nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Pree! Yyyung pamAngkin mowng si Lisa , bat anDawming sowwgat?!!!" siguro boses iyon ni kuya Leo,lasing na nga silang lahat.

"Ehh Obvioussss baa ha?,
syempre sinasaktan yan! Ahehehe...." sagot ni tito.

Tsssss,proud ka pa!

Nag-uusap sila nang may narinig akong nabasag na mga bote,nakita ko si titang bumagsak sa lupa kasabay din non ang pagbagsak
ng lamesa at pagbagsak ng mga bote.

"Malou!!!"

Mabilis akong bumangon at bumaba,binuhat nila si tita na nagdurugo ang ulo ginamit nila ang sasakyan ni tito.

Habang nasa sasakyan ay ginigising Nina kuya Leo si tita,tinatapik sa pisngi ngunit wala parin itong malay.

Doble-doble ang kaba ko,una dahil kay tita na walang malay, pangalawa naman ay dahil kay tito na nagda-drive,lasing ito kayat pagewang gewang kami, kamuntikan pa kaming bumangga!

Kasalukuyan kaming nasa hospital,ilang oras na kami dito,sabi ng doctor ay okay na si tita ngunit hindi parin ito nagigising.Umuwi muna si tito dahil walang kasama ang mga anak nya ako muna daw ang magbabantay dito hanggat wala pa itong malay.

Its been three days noong nanggaling ako sa ospital,ni hindi man lang pinagbantay yung mga anak nila,mabuti nalang at gising na tong si tita Maloupet-------este si tita Malou.

Pag-uwi ko ay nag-kwentuhan muna kami ni Elmo tapos ay pumasok na ako sa bahay,papasok na sana ako sa pinto nang may maalala ako,yung bulaklak!!!

Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan nito,at hindi nga ako nagkakamali malapit na itong mamatay at nawawalan na rin ito ng kulay!

~

Beautiful ThornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon