"At namuhay na nga ang pamilya nina Hansel at Gretel ng masaya at mapayapa,the end!" kanina ko pa kinukwentuhan ang mahiwagang bulaklak na ito.Ewan,nahihibang na ata ako ikaw ba naman ang kausapin ang isang bagay na wala naman talagang buhay,pero ito ang nagpapasaya sa akin.
Madalas ay kinukwento ko sa kanya ang pagtatambay ko sa bundok,ang mga masasayang memorya kasama ang aking pamilya at marami pang iba.Pakiramdam ko kasi ay may sarili itong buhay at nakikinig siya sa akin.
Gustong-gusto ko ng may nakikinig sa akin dahil pakiramdam ko ay importante ako at interesado sila sa kuwento ko,wala kasi akong mapag-kwentuhan,wala akong napaglalabasan ng mga hinanakit sa buhay, I always seek attention,hindi tulad ng dati na ang pamily------.
Hayysst,hayaan na,ayoko ng balikan,nakakapanghina buti nalang kasama ko tong halaman na ito,muntik na akong maiyak noong nakita kong malapit na itong mamatay at hindi ko alam kung bakit,kayat araw araw ay lagi ko siyang dinidiligan,kinukwentuhan at minsan ay kinakantahan ko siya at nakakapag pagaan iyon ng loob ko.
Kayat masayang masaya ako noong nakita kong bumalik na ang dati nitong kulay.
Nakarinig akong may naguusap kayat mabilis akong nagtago sa isang malagong halaman kasama ang paso ng bulaklak.
"Are you sure na nakita mo talaga yun? baka namamalikmata ka lang or what?" narinig ko ang boses ni Joanna.
"Hindi ako pwedeng magkamali may nakita talaga ako kahapon na isang halamang kumikinang!" dinig kong sabi ni Clarisse.
Lagot! Alam na nila ang tungkol sa bulaklak na ito,kailangan ko itong itago para hindi nila ito makita.
"Clarisse! Joanna!" narinig ko ang boses ni tita.
Agad silang umalis kaya umalis na rin ako sa aking pagkakatago.
Naku problema nanaman ito,saan ko naman itatago ito?,hindi naman pwedeng sa likod lang ng bakuran ko ito ilagay baka makita nila ito.~
KUMIKISLAP-KISLAP ang bulaklak, sobrang ganda nito lalo na kapag sa dilim dahil kitang kita mo ang liwanag.
Kumbaga para itong bulaklak na glow in the dark : <<
Nilagay ko ito sa bintana sa kwarto ko,para kapag umaga ay maarawan ito kahit papano.
Kung titignan mo ang bulaklak ay iisipin mong mahiwaga talaga ito dahil sa kanyang anyo and it seems so expensive.
This is my first time na makakakita ng ganitong klase ng bulaklak, kung sino mang makakakita nito ay mapapahanga sa kakaiba nitong anyo,even me,I'm truly amazed.
Pero hindi ko lang lubos na maisip kung ano ang sinasabi ni lola na ito lang ang makakapag-pasaya sa akin,I don't know if it will happen or not,may lalabas bang genie or something?
Hays,matutulog na nga lang ako.
~
"Lisa!"
Nilingon ko ang lalaking tumawag sa akin habang naglalakad ako papunta sa room namin.
"Oh,Elmo?" ngayon ko na lang ulit sya nakita.
"Na miss kita,di mo ba ako namiss?"
"Hehehe toh naman! Syempre na miss kita!" pero mas may namimiss talaga ako bukod sa kanya.
"Oh sige hahatid na kita sa room mo." sabi niya.
Tumango naman ako at hinatid nya ako sa room pagkatapos ay umalis na rin siya.
Pagpasok ko ay nakita ko si Ken kausap ang gf niyang si Micah,hays ang sakit naman ng ganito.
Habang nagkaklase at hindi ko maiwasang mapasulyap sa kinaroroonan nilang dalawa,rinig na rinig ko kasi ang mga tawanan nalang dalawa.
Kitang kita ko rin ang mga kamay nilang magkahawak. Magugustuhan din kaya nya ako? Magagawa din ba niya sa akin yun?
Ano kayang feeling ng ganun?Umiling na lang ako at nakinig nalang sa aming prof.
Maya maya pa ay pumunta na ako sa canteen nang may bumangga sa aking lalake,tumapon sa akin ang coke na dala dala nito,aish naku naman lagot ako nito!
"Sorry miss"
Napatingin ako sa lalaking nakabunggo sa akin,si Ken!
May kinuha siyang panyo sa kanyang bulsa at inabot sa akin, dali dali akong tumayo at kinuha ito.
"Ahhh s-salamat ken" nakayukong sabi ko sa kanya.
He didn't respond so I turned my gaze at him,nakatingin lang siya sa akin, bakit siya ganyan makatingin.
"U-uy s-salamat" pag-uulit ko sa aking sinabi.
"Is that you?" maya-maya'y tanong nya sa akin. Ha,anong is that you ang sinasabi niya? "Yung nahimatay last week?" dugtong nya sa tanong nya.
"Ahhh oo ako yun" hindi ko akalaing kakausapin niya ako eehhkk!
"How are you?" tanong nya sa akin. Concern ba siya sa akin? Kinikilig tuloy ako.
"Okay lang n-naman" gusto ko pa sanang habaan yung sinasabi ko kaso nahihiya ako.
Magsasalita na pa sana siya nang may biglang tumawag sa kanya,si Micah tumakbo ito at yumakap kay Ken.
Aish! Wrong timing naman ang isang toh! Minsan lang to eh T_T
"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." sabi nito sa lalaki.
"Hmm may nakausap lang ako" sabay tingin nila sa akin. Tinignan ako ni Micah mula ulo hanggang paa at saka ako tinarayan.
"Psh I don't care,tara na babe I'm hungry na eh." sabay kiss nito sa pisngi ni Ken.
Ngumiti naman si Ken. "Okay but is it okay na isama natin siya?" tinuro ako ni Ken kaya nagulat ako, niyayaya nya ba akong kumain kasama nya? Waahhh!
"At bakit naman?" mataray na tanong ni Micah.
"Natapunan ko kasi siya ng coke kaya ililibre ko na lang siya ng food."
I didn't believe na sinasabi niya ito para akong lumilipad sa sobrang saya!
Wala bang nagawa si Micah kaya pumunta na kami sa isang table, nagpaalam muna si Ken na oorder ng pagkain,habang si Micah naman ay masama ang tingin sa akin.
Nginitian ko siya ngunit inirapan niya lang ako kaya yumuko na lang ako,ramdam ko na parang may gusto siyang sabihin sakin pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili.
Maya maya pa ay dumating na si Ken dala ang mga pagkain,nasa tapat ko sila kaya rinig na rinig ko ang pinaguusapan nila.
"Ahhm sorry nga pala ulit kanina miss?" natigil ako sa pagkain.
"Ahhm I'm Lisa,Lisa Dela Cruz"
Nagpatuloy kami sa pagkain ngunit medyo naiilang ako at gusto ko nang makaalis sa kinauupuan ko ngayon ikaw ba naman ang nakita ang taong gusto mo na nakikipag lampungan sa isat-isa and worst sa harap ko pa talaga!
Nagsusubuan sila ng pagkain at nag uusap ng kung ano ano like there's no people in front of them.
Nang maubos ko na ang aking kinakain ay tumayo na ako at nagpasalamat sa kanila ngunit bago pa man ako makaalis ay kitang kita ko ang pagiging sweet nila sa isa't-isa.
Pagtalikod ko ay kusa na lang tumulo ang aking mga luha, nakasalubong ko pa si Elmo at tinawag niya ako ngunit hindi ko siya pinansin at tumakbo na lang ako palayo.
~
BINABASA MO ANG
Beautiful Thorn
FantasyAng buhay ni Lisa ay malungkot at walang kulay but everything has changed when she saw a beautiful and magical flower that was given to her by her grandmother, the flower will remain beautiful and colorful if she takes care of it, but what will happ...