Ang sarap palang kasama ni Ken, lagi siyang tumatawa o nakikinig sa mga kwento ko,kahit na lagi niya akong binabara paminsan-minsan.Kasalukuyan kaming nag-uusap nang may bigla akong maalala.
"Ano nga pala yung dapat mong sasabihin sa akin?" tanong ko dito.
Hindi naman niya ako lalapitan at kakausapin kung wala siyang pakay, alam kong di kami close kaya alam kong may gusto siyang sabihin sa akin kanina pa.
He gave me an I-dont-know-what-you're-talking-about look but I just look at him intently. I know that he knows what I'm talking about.
Tumawa siya. "Sorry, nakalimutan kong sabihin yung dapat kong sabihin sayo. So ayun nga na nakita kita sa panaginip ko."
Eh? Yun lang?
"At nahulog ako mula sa bubong ng isang bahay at napakapit daw ako sa isang matinik na bagay na malapit dun sa bubong."
"Oh pagkatapos?" tanong ko dito.
"Nang mapakapit ako sa tinik, nagdugo ng sobra ang kamay ko kaya napabitaw ako." nakayuko niyang sabi sa akin.
"Nako, kawawa ka naman sa panaginip mo, walang sumalo sayo." pagbibiro ko kay Ken.
Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko at umiling. "Akala mo lang."
"Oh? Ibig sabihin may sumalo sayo?" namamangha kong sabi.
Tumango naman siya. Ang swerte niya kahit sa panaginip, eh ako kahit sa real life hindi ako kailanman naging swerte.
"I'm not lucky in my dream if that's what you're thinking." nakatingin na siya sa akin."May sumalo sa akin pero syempre mabigat ako kaya bumagsak kami pareho."
"Eh diba sabi mo nandun ako sa panaginip mo?" tumango siya sa akin. "Sino ako dun? Yung tumulak o yung sumalo sayo?" curious kong tanong.
Humarap siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko nang nakangiti.
Sasagot na sana siya sa akin nang may biglang tumawag sa akin.
Si Elmo kasama si Bella. Anubayan, wrong timing naman eh!Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kanang balikat ko. "Tara na, umuwi na tayo." mukhang mainit ang ulo niya pero mas mainit ang ulo ko.
Nako, istorbo siya sa pag-uusap namin ni Ken eh! Kumbaga sa movie nandun na kami sa ending tapos bigla siyang sisingit, di ko tuloy nalaman kung ano ba yung role ko dun sa panaginip niya.
Napahampas ako sa aking noo. "Bakit?!" nagulat siya nang mapansin niyang mainit ang ulo ko.
"Ahh, u-uwi na tayo." hinila niya ako ngunit napahiyaw ako nang may humawak sa kaliwang balikat ko na may sugat, tinignan ko kung sinong pugita ang gumawa nito, yung maarteng gf lang naman ni Ken, si Micah!
Hinampas ko ang kamay niya at tinignan siya ng masama ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay niyang di pantay.
"Bakit mo nilalandi ang Boyfriend ko?!" mas lalo pa niyang idiniin ang kamay niya sa kaliwang balikat ko hanggang sa magdugo na ito.
Ang sakit ng sugat ko, pakiramdam koy tutulo ang mga luha ko anumang oras. Sariwa pa naman ang sugat ko dahil kahapon lang ito nangyari. Dahil sa sobrang din ng pagkakahawak niya ay natanggal ang tela nito kaya mas lalong nakita ang sugat ko.
Inawat siya nila Ken at Elmo at maya-maya pa'y naramdam kong wala na ang mga kuko niya sa akin.
Tinignan ko siya habang hawak hawak ang aking kaliwang balikat.
"Huwag na huwag mo siyang lalapitan at hahawakan!""Micah ano ba! Wag kang gumawa ng eskandalo dito please lang!"
sinigawan siya ni Ken.Tinignan siya ni Micah na nagulat dahil sa pagsigaw ng nobyo nito, tinignan niya ako ng masama bago umalis, sumunod naman sa kanya si Ken.
Napailing ako habang hawak-hawak ko kaliwang sugat ko na nagdurugo, pakiramdam ko tuloy ay maiimpeksyon na ito.
Lumapit sa akin si Elmo na kita sa mukha ang pag-aalala. Tinignan niya ako pababa sa hawak kong balikat. "A-ayos ka lang b-ba?" nag aalangan niyang tanong sa akin.
Umiling ako sa kanya, "Umuwi na tayo, gagamutin ko yang sugat mo." dagdag pa nito.
I stepped back and ran away. Kitang kita ko ang mga tingin ng nga bisita kaya yumuko ako at nagpatuloy sa pagtakbo.
I felt guilty when I realized that I left Elmo in the middle of the crowd. It's embarrassing when someone rejected you in front of many people when your only intention was to help them.
Tumigil muna ako sa likod ng bahay nila Bella nang mapagod akong tumakbo, naupo ako sa may sahig at niyakap ang aking sarili kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
Lagi nalang nakasunod ang kamalasan sa akin, saan man ako magpunta.
Nakaupo lang ako doon at umiiyak nang may maramdaman akong presensya malapit sa akin kaya't inangat ko ang aking tingin at nakita ko ang isang matandang babaeng nakatingin sa akin habang may hawak na tungkod.
Para siyang isang witch na napapanuod ko minsan kapag sabay kaming nanonood ni Elmo ng movie, kamukha niya nga ito base sa kanyang suot maliban na nga lang sa kanyang mukha dahil hindi naman ito katangusan at hindi masyadong kulubot ang kanyang mga balat, mukha naman siyang mabait.
Tumayo ako at pinagpag ang puwetan ko saka pinahid ang luha sa aking mukha.
"A-ano pong kailangan niyo lola?"
nag-aalangan kong tanong.Hindi siya sumagot bagkus ay lumapit siya sa akin at tinignan ang sugat ko kaya dali dali ko itong tinakpan mabilis niya itong tinanggal at tinignan ulit ito ng maiigi saka siya umiling.
"Mga bata nga naman oh" narinig kong bulong niya.
Nakita kong may inilabas siya sa kanyang bulsa at hindi ko maaninag kung ano iyon. Lumapit siya sakin at tinignan ang aking sugat.
"Gagamutin natin yang sugat mo." sabi nito sa akin.
Mabilis akong umiling "Hindi napo kailangan, nakakahiya po" pagtatanggi ko dito.
Tinignan niya ako ng mabuti tsaka nagbuntong-hininga saka ulit tumingin sa aking sugat.
"Naku, nangingitim na, kailangan na naging gamutin ito dahil kung hindi baka lalo pang lumala."Tumango na lamang ako sa kanya. Gusto ko naman talagang magamot ito dahil hindi ako makagalaw ng maayos ngunit nakakahiya dahil hindi ko naman siya kilala o kaano-ano.
Idinikit niya sa akin ang bagay na kinuha niya kanina at nang tignan ko ito, hindi ako sigurado ngunit para itong isang bulaklak na pinisa pisa.
Nagulat ako nang bigla itong umilaw, napatingin ako sa matanda sa harap ko ngunit wala siyang siyang karea-reaksyon kaya't itinikom ko na lamang ang aking bibig.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na siya, tinignan ko ang balikat ko at nabigla nang nakita kong walang bakas at parang di nabahiran ng sugat.Tumayo ako upang magpasalamat ngunit nagulat ako nang wala na ang matanda.
Kung sino ka man, maraming salamat.
~
Please don't forget to vote and follow me here in wattpad. Thank u guys! Lovelots ♥!
BINABASA MO ANG
Beautiful Thorn
FantasyAng buhay ni Lisa ay malungkot at walang kulay but everything has changed when she saw a beautiful and magical flower that was given to her by her grandmother, the flower will remain beautiful and colorful if she takes care of it, but what will happ...