Chapter 7

31 5 0
                                    


Nandito kami ni Elmo sa birthday party ng kaklase namin na hindi close, pumunta ako kase nagpapasama sa akin si Elmo, sinamahan ko naman at para makalimutan ko yung nangyare kahapon,napatingin ako sa braso kong natatakpan ng suit kong long sleeve na blue......

Flashback:

Nakayuko ako at nahihiya dahil sa mga tinging pinupukol nila sa akin, sobrang nakakailang na para bang pinag-aaralan nila ang mga kilos na gagawin ko.

"Bakit ka pa bumalik?!,sana hindi kana lang bumalik para wala na kaming palamunin pa dito!"

Nagulat ako nang lumapit sa akin si tita at hinampas sa akin ang medyo mainit na sandok sa balikat ko.Napasigaw ako at napahawak sa kaliwang balikat,sobrang sakit!

Nakita kong inaawat na si tita nina tito at mga kaibigan nito,ang dalawa ko namang pinsan ay masama ding nakatingin sa akin.

"Puro ka nalang pahirap dito!" Nanlaki ang aking mga mata nang matumba si tita, nagsilapitan silang lahat dito at pilit itong ginigising.

Lumapit sa akin si Joanna at biglang akong sinampal. "Nakakainis ka! Wala ka nang nagawang maganda sa buhay namen!" sabi niya habang dinuduro ako sa noo.

Nakagat ko ang aking labi,siguro nga tama siya,wala na talaga akong nagagawang maganda sa kanila.Hinawi ko ang mga daliri niyang dumuduro sa akin at tumakbo papunta sa aking kwarto.

Doon ako umiyak ng umiyak habang nakatingin sa bulaklak na animo'y nakangiti sa akin,umiiyak ako hindi dahil sa sakit sa aking braso ngunit dahil sa sakit na mga salitang sinabi nila sa akin.

It's true that emotional pain hurt more than physical pain,and it is not easily healed.

End of flashback:

"Do you want to eat?"

Umiling ako kay Elmo, hindi pa ako nakakakain simula kaninang umaga pero wala akong ganang kumain. Napabuntong hininga siya at tumayo, bumalik siya ng may dalang isang plato na punong puno ng pagkain.

My eyes widened "Kaya mo yan lahat? Gutom na gutom ah?" sinuntok ko siya sa braso.Tumawa lang siya.Nagsimula na siyang kumain at pinapanood ko lang siya,nagulat ako nang hinarap niya sa akin ang tinidor na puno ng cake,ngumiti naman ako at natatawang sinubo ito.

Biglang pumunta sa harap namin ang birthday celebrant na si Bella, nakangiti siya kay Elmo ngunit biglang tumaas ang kilay niya nang mapadako ang tingin sa akin, anong problema neto?

"I cant remember na nag-invite pala ako ng poor here in my birthday." she said. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na di pala ako invited dito sa birthday na puro spaghetti at cake lang ang handa at walang shanghai.Kaloka!

Tumayo naman si Elmo "uhm, sorry Bella,sinama ko lang si Liza kasi wala akong masyadong close dito maliban sa kanya."

Biglang namang ngumiti itong si Bella "Oh! Its okay,basta ikaw hihi!,Oh wait! Did you bring your birthday gift for me?" nakanguso nitong tanong. sus hilahin ko nguso mo eh.

"Syempre naman,makakalimutan ko ba yon?" Sabi naman ni Elmo at nilabas ang regalo,may binulong naman dito si Bella at biglang silang umalis na dalawa.

Okay,lonely again.

Nangalumbaba nalang ako at nakatingin sa naiwang pagkain ni Elmo, hayss akala ko hindi na ako mag-iisa dito yun pala iiwan din pala ako ni Elmo,mga mang-iiwan! CHAROT!

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pamilyar na boses na nag-uusap sa likuran ko.

"I already told you na wag kang magsusuot ng maikling damit,pero ano? Sinunod mo ba ako?" paglingon ko ay nakita ko si Ken.

"Shut up,you're just my boyfriend!" narinig kong sabi ni Micah at saka lumakad paalis.

Nakita kong napahilamos sa kanyang mukha si Ken at mukhang stress na stress. I always saw them having a fight in public, naaawa tuloy ako sa kanya,kung ako na lang sana...

Anu bayang iniisip mo Liza,erase erase....wala kayong pag-asa sa isa't-isa kaya wag ka ng mag-asume.Habang nakatingin ako sa kanya ay biglang lumipad ang tingin niya papunta sa akin kaya't biglang akong napaharap sa lamesa.

Nakakahiya! He caught me looking at him,hayaan na nga! nahuli ko rin naman siyang tumingin sa akin eh.

Pasimple ulit akong lumingon at nakita kong hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa akin. Waaahhh!

Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko ngayon,tumayo nalang ako para kumuha ng apple juice sa may mahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga ibat-ibang putahe.

Nang makakuha ako ng apple juice, bumalik na ako sa table kung saan ako naupo kanina,nagulat ako nang nakita kong nakaupo doon si Ken na animo'y may hinihintay,ako kaya yon? CHOSERA! hihihihi.

Nang makalapit ako ay napalingon siya sa may gawi ko at saka tumayo,confirm! Ako nga ang hinihintay niya.Pinaupo niya ako sa harapan niya,hihihihi para kaming nagdedate sa isang birthday party :>.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit walang nagsasalita sa aming dalawa,pinagsalikop ko ang aking mga kamay sa ilalim ng mesa, aaminin ko na medyo naiilang na ako ngunit ayoko namang umalis sa harapan niya.

"I knew it, you are the woman that I saw in my dream."

Inangat ko ang ulo ko at binigyan siya ng nagtatakang tingin. Ano bang sinasabi niya.

"And I think you are--------"

"H-hala hindi kita iniisip no, kaya imposibleng makita mo ako sa panaginip mo." sabi ko sa kanya habang umiiling.

"What are you saying?" kumunot ang noo niya at tila ba hindi ako naiintindihan. Wala akong masabi sa kanya kaya nagsalita siya ulit.
"Hindi ko sinabing iniisip mo ako,or unless iniisip mo talaga ako?" pakiramdam ko ay pulang pula na ang aking mukha.

I don't know what I'm gonna say. Paano ko sasabihin sa kanya na may nabasa ako na kapag daw napaginipan mo ang isang tao it means na iniisip ka niya, alam kong hindi totoo yon pero di ko alam kung bakit ko nasabi ang nga bagay na iyon,iba talaga kapag kaharap mo na ang taong gusto mo.Nakahiya naman kung sasabihin kong 'Oo Ken iniisip kita every minute of mah life'.

Ngumiti lang ako sa kanya, and again, wala nanamang nagsasalita sa aming dalawa,nakakunot ang mga kilay niya and it seems like he's mad 'cause I didn't answer his question earlier.

"Sorry" sabi ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Sorry kase hindi kita nasagot kanina."

He didn't respond. Ngumuso ako at kinuha ang plato ni Elmo at nagsimulang kumain,kailangan kong magpaka busy dahil nakakailang ang katahimikan sa gitna naming dalawa.

Kinain ko ang chocolate cake gamit ang tinidor na ginamit ni Elmo kanina,naku may laway na pala ni Elmo toh.

"As I was saying earlier----"

"Ay Laway ni Elmo!" I touched my chest, grabe nakakagulat naman siya bigla bigla na lang magsasalita."Ikaw naman kasi eh!"
sigaw ko habang nakaturo sa kanya ang tinidor na may cake, nagulat ako kaya agad ko itong binaba,naku nakakahiya!

He just stared at me na para bang Sinasabi niyang 'you are the prettiest woman that I have ever seen in my whole life'. Umiling siya sa akin habang nakangiti, ayiee napapangiti ko siya! Ibig sabihin ako ang happiness niya!,charot.

Echosera!

He chuckled. "This is the first time that I saw a weird and funny woman."

>_<

~









Beautiful ThornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon