Chapter 6

34 6 0
                                    


Saan naman kaya kami pupunta?

Habang hatak-hatak niya ako ay binawi ko ang kamay ko sa kanya dahilan para siya ay mapatingin sa akin.

"B-bakit?,ayaw mo pa bang umuwi?" tanong niya sa akin sama tinignan ang kanyang relo.

"M-magpahinga muna tayo please?" sabi ko sa kanya,maaga pa naman at medyo nahihilo pa ako ng kaunti.

"Sige,pumunta muna tayo sa parke, okay lang ba yon?" tanong niya sa akin,tumango naman ako kayat hinawakan niya ako ulit sa kamay at naglakad hanggang sa makapunta kami sa Parke at maupo sa isang bench doon habang nakatanaw sa mga batang naglalaro at mga taong naglalakad lakad.

Ilang minuto kaming nakatanaw lang sa mga tao hanggang sa siya ay magsalita.

"N-nag-alala ako" mahinang sabi niya sa akin.Napaangat ako ng ulo  sa kanya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"Bakit ka naman mag-aalala sa akin?,dapat nga ay hindi mo na ako hinanap pa" sabi ko sa kanya.

I don't know why I'm asking this way, based on what I acted earlier, It seems like I'm a tiger that is ready to attack its prey,pero nung dumating si Elmo para akong tumiklop at naging isang pusang nangangailangan ng aruga.

"Hinanap kita baka kasi mamaya kung saan saan ka magpunta at maisipan mong magpakamatay" sabi niya.

"Huh?Paano mo naman nasabi yang mga bagay na yan ha?!" nabatukan ko tuloy siya.

"E-eh kasi nakita kitang umiiyak at dahil kay Ken kasi sa tingin ko nagselos ka" nakayukong sabi niya.

"H-hindi ko kayang g-gawin yon." gumaralgal ang aking tinig ka sabay ng pag-ulap ng aking mga mata kayat naalarma siyat inalo niya ako.

"Uy eto naman joke lang yon! Wag kang umiyak" hinahaplos niya ang likod ko,hindi pa naman ako umiiyak pero nararamdaman kong malapit nang bumagsak ang mga luha ko.

Napaka sensitive ko naman yun lang naman ang sinabi niya pero eto ako at parang batang malapit nang ngumawa.I remember the moment where I experienced my first heartbreak,it is not about boyfriend or what,it is about love, love for my family.

Bumagsak ang mga luha ko kayat kumuha si Elmo ng panyo at binigay niya sa akin,kinuha ko ito at mabilis na pinahid ang mga ito.

"S-simula nang mawala isa-isa ang mga mahal ko sa buhay ay nanatili akong matatag kahit sobrang sakit na,naisip kong magpakamatay pero kailanman ay hindi ko ginawa kasi alam kong sayang yung buhay na ibinigay sa akin.".   naiiyak kong sabi at nagpatuloy sa pagku-kwento.

"At ngayon dahil lang kay Ken ay kikitilin ko ang buhay ko? Para saan pa yung pagiging matatag ko noon kung sa ganitong sitwasyon lang ay bibigay na agad ako?" hindi ko na itinuloy ang aking sinasabi dahil naiiyak lang ako,inalo lang ako ni Elmo at pinahiga sa balikat niya at nakatulog.

"Uy Lisa,gising na gabi na,uuwi na tayo." napadilat ako at nagkusot ng mata.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya,napatingin naman siya sa kanyang relo.

"9 na,baka hinahanap ka na sa inyo." sabi niya sa akin.

Tumayo siya ngunit hinila ko ang kamay niya. "Ayoko pang umuwi, kumain muna tayo, nagugutom na ako eh,please?"

Napabuntong-hininga naman siya at pumayag naman sa sinabi ko, hindi lang gutom ang dahilan kung bakit ayaw ko pang umuwi, ayoko munang magpakita sa mga kamag anak ko dahil baka maamoy nilang nakainom ako.

Kumain kami sa isang karinderya at ilang oras din ang ginugol namin doon,pagkatapos ay nag-aya akong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang pamilya ko.

Habang papunta kami ay may nakasalubong kaming lalaking naka itim na sombrero at naka bag na tila nagmamadaling maglakad, hindi ko nalang ito pinansin at nagtuloy sa paglalakad,pagkarating namin ay may nakita kaming bulaklak sa mga puntod at kandila na parang kalalagay palang dahil buo pa ang kandila at makulay pa ang mga bulaklak doon.

"Mukhang may bumibisita sa puntod ng pamilya mo." sabi sa akin ni Elmo.I doubt that,walang nakakaalam na wala na ang pamilya ko maliban sa akin at sa mga kasama ko sa bahay, at ang puntod ng aking kapatid,magulang at lola ay may tig-iisang kandila at bulaklak.

"H-hindi kaya--" napalingon ako sa lalaking nakasalubong namin kanina at may kutob akong isa siya sa pwedeng maglagay noon dahil siya lang naman ang nakita naming pumunta dito sa sementeryo.

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.
"Huwag ka munang masyadong magisip-isip,ikalma mo muna yang utak mo." sabi naman sa akin ni Elmo, hinampas ko siya saka ako humiga sa damuhan at ganun din ang ginawa niya.

Napakasarap ng hangin dahil malamig,hindi naman kami natatakot dahil sanay naman kaming laging nandito sa sementeryo,ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa makatulog ako.

Kinaumagahan ay alas diyes na kami nagising dahil sa sinag ng araw.Tumambay muna kami saglit at maya maya ay napagpasyahan na naming umuwi.

"Sorry ah" sabi ko kay Elmo habang naglalakad pauwi.Tumingin naman siya sa akin.

"Bakit ka nagsosory?" tanong niya.

"Kase baka mapagalitan ka dahil ngayon ka palang uuwi nang dahil sa akin." naguguilty tuloy ako, nag-inarte pa kasi ako kahapon, iniisip ko tuloy kung paano ako makakaganti sa lahat ng ginawa at pag-intindi niya sa akin.

Inakbayan niya ako at saka ginulo ang buhok ko,hilih niya talagang manggulo ng buhok,ewan ko ba
"Okey lang yon,basta ikaw, malakas ka sa akin eh" kinindatan niya ako, pakiramdam ko tuloy ay namula ang mukha ko kaya yumuko na lamang ako hanggang sa di ko namamalayang nasa tapat na kami ng bahay.

Nagpasalamat ako sa kanya at saka siya umalis.

Pagkapasok ko sa gate ay nakita kong maraming handa at mga tugtugan na parang nagce-celebrate sila,may mga nag-iinuman,nakita ko si Clarisse na may bitbit na pagkain kaya't hinarang ko siya, nagugutom na ako!

"P-pahingi" halatang nagulat siya sa presensya ko at mabilis na nilayo sa akin ang plato.

"Bakit andito ka? akala ko naglayas ka na?" sabi niya sa akin na animo'y hindi siya natutuwang makita ako.Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi at inabot ulit ang pagkain ngunit nilato niya ulit ito sa akin.

"Hindi pwede! Kila papa to at bakit naman kita papakainin?pagkatapos mong paasahin kaming naglayas ka na at pagkatapos ay bigla-bigla na ka na lang magpapakita?" bulyaw niya sa akin.

Dahil sa sigaw niya ay napatingin lahat ng tao sa amin at nakita kong lumabas ng bahay si tita na may dalang sandok,pagkakita niya sa akin ay nagulat na kalaunan ay napalitan ng pagkagalit ang mukha.

Lumapit din sina Joanna,tito at mga kasama pa nito at matamang tinitigan ako.

And one thing that I knew, they're not happy to see me.


~

Beautiful ThornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon