Chapter 1

54 0 0
                                    

DEANNA'S POV

Nakangiti lang ako habang nagbabasa ng wattpad sa phone ko.

Nakakakilig kasi ng sobra. Hahaha

Aaminin kong hopeless romantic ako. Siguro dahil na din sa kakabasa ko ng mga ganito kaya kahit sa reality gusto ko mangyari yun.

Wala naman masama diba?

Tsaka kung hindi mangyare edi hindi.

Nagulat lang ako ng tumabi sakin yung kaibigan ko.

"Hoy! Nagbabasa ka na naman nyan" sabi ni Fifth.

Siya yung bestfriend ko na against sa pagbabasa ko. Lagi nyang sinasabi na kaya daw ako hindi nag eexcel sa class dahil sa puro wattpad inaatupag ko.

"Ano naman? E sa dito ko nag e-enjoy e" sabi ko naman at tska umirap.

"Helllowwww! May quiz kaya tayo mamaya puro ka ganyan, mag aral ka nga!".

"Mamaya na lang after pa naman yun ng isang subject. Wag ka magulo hindi ko maintindihan binabasa ko dahil sayo!!" sigaw ko.

"Bahala ka nga dyan, pag ikaw bumagsak na naman magre-retake ka for sure".

Naglakad na si Fifth papunta sa upuan nya. Good thing na hindi ko sya katabi well magkalayo naman kasi kami ng surname kaya ganon.

Para nga kaming elem e senior high school na pero alphabetical pa din seating arrangement.

Muntanga lang. Jk.

Itinigil ko ko muna yung pagbabasa ko.

Ansakit na naman ng mata ko e. Haha

Btw nakasuot nga pala ako ng eyeglasses.

O diba mukang genius pero tatanga-tanga naman sa klase.
Natatawa ko minsan kasi napagkakamalan akong matalino kahit hindi.

Tamad ako mag aral, inuuna ko pa,yung pagbabasa ng wattpad kesa mag review at mag aral.

Hindi kami ganon kayaman sakto lang, yung nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Pumasok naman yung teacher namin sa Physics.

"Okay class we have a recitation today regarding of what we had discussed yesterday".

Napatingala ako ng wala sa oras nung marinig ko si Sir.

Hanep surprise recitation na naman tapos solving pa.

Waaaaahhh.

Ako na bobo.

Hindi ko maalala yung discussion kahapon.

Ano ba yan Deanna di ka kasi nakikinig e.

Nagbigay si Sir ng 10 mins para sa review of formulas.

Tinawag ko naman si Fifth.

"Bes pahiram notes tignan ko lang yung formula" nag aalala kong sabi sa kanya.

"Waw may paki ka pa pala sa grades mo no akala ko hindi ka manghihiram e." pang aasar nya.

"Ipapahiram mo ba o hindi?! Andami mo pang sinasabi e."

Inabot nya naman habang tumatawa ng mahina.

Mabilisang review lang ginawa ko. Simula sa formula hanggang sa pag solve ng problem.

Pinaupo na kami ng maayos dahil mag start na daw.

Kinakabahan nako kasi malapit na ko tawagin.

Can I Be Her?Where stories live. Discover now