Chapter 6

25 0 0
                                    

FORD'S POV

Hindi ko magets yung takbo ng utak ni Dad gusto nya ko makilala sa pagiging athlete tapos gusto nya din na ako ang mamamahala ng company.

So ano talaga gagawin ko?

Kahit gusto ko na mag quit sa paglalaro ng football wala naman ako magawa. Iniisip ko kasi na wala akong matututunan pag puro sports lang aatupagin ko kawawa ako sa college.
Naalala ko yung sinabi sakin nung Deanna na yon. Kaya lang daw ako pumapasa dahil athlete, nainis tuloy ako. Hindi naman sana ako bobo, e sya nga laging bagsak e.

Nagising ako sa lakas ng alarm ng phone ko.

Putchaaa naman oh!

Sa sobrang badtrip ko nagmadali akong abutin yung cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog.

Panira ng tulog e. Bwisit!

Inaabot ko sa sidetable ng dumulas sa kamay ko. Narealize ko na lang nung may lumagapak sa tiles.

Hanep naman Ford katanga mo!

Basag yung screen ng iphone 8 ko.

Tumayo nako ng kama at bumaba na.
Dumiretso ako sa cr para maghilamos.

"Good morning Sir" bati ni Yaya Mely paglabas ko ng cr.

"Morning Ya. Si Daddy po?" tanong ko.

Nagtataka ba kayo kung bakit si Daddy agad yung hinanap ko?

Well si Mommy nasa Amerika kasama yung kapatid kong si Gwen, mas bata sakin.

"Ay kanina pa po sir umalis may imemeet daw pong bisita" sabi nya.

"Ah sige po Ya, patimpla na lang po ako ng kape" pakiusap ko.

"Sige po sir wait lang po".

Naupo na ako sa malaking table. Sinaksak ko muna yung earphone ko at nagplay ng music habang hinihintay yung coffee ko.

"Coffee for Sir Tristan" nakasmile na sabi ni Yaya Mely.

Nagtataka ba ulit kayo bakit yon ang tawag saken?

Yeah. TRISTAN is my first name.

TRISTAN FORD GONZALEZ

Bata pa lang ako yan na ang tawag sakin ni Mom and Dad even Yaya Mely. Nung nagstart lang ako mag aral tsaka ko sinabi sa mga classmate ko na Ford ang itawag nila sakin.

Para mas cool pakinggan syempre.

Like a brand of a car.

"Ah sir may ibinilin po si Sir Tim sa inyo bago sya umalis" sabi ulit ni Yaya.

"What is it po".

"Dalhin nyo daw po yung mga papers sa office".

Si Dad talaga oh. Gustong gusto na pinapabisita ako sa company kahit wala akong hilig, pag ganitong weekend inaaya ko lang yung barkada ko na maglaro ng video games dito sa bahay namin tapos sa gabi magpupunta kami ng bar para maghanap ng chix.

Sa gwapo kong to laging may nadadale. Single ako ngayon kaya I can do whatever I want. Gusto kong magkabalikan kami ni Shanelle pero hanggang ngayon di ko parin sya magets.

Naligo muna ako at nagbihis ng maayos syempre marami na naman mapapanganga pag dumaan ako sa office marami pa namang chix dun. Minsan kahit matanda lumalapit pa sakin. Hahaha

Pumasok muna ako sa mini office ni Dad sa bahay para kunin yung mga papers na dadalhin ko.
Nagpaalam na ako kay Yaya na aalis nako. Nilagay ko yung mga papers sa backseat tska ko pinaharurot yung sasakyan.

Can I Be Her?Where stories live. Discover now