Chapter 8

16 0 0
                                    

After class umuwi muna ako sa bahay para magpalit ng damit tapos didiretso na ako sa bahay ni Fifth. Pero tinatamad ako gusto ko matulog huhuhu.
4pm pa lang naman matulog muna kaya ako? Ay oo tama tulog muna ako.

Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata.

Nagising naman ako dahil sa tunog ng phone ko kaya hinanap ko kung saan galing. Halos gumulong nako para makita yung cp, nadaganan ko lang pala.

Nakita ko naman na si Fifth yung tumatawag.

OTP

"Hello bes napatawag ka?" tanong ko sa kausap ko in sleepy tone.

"Halaaa nakalimutan mo na naman? Ano ba yan bes andalas na nyan ha" sabi nya na may pag aalala sa boses.

"Ano ba yon bes?" tanong ko ulit.

"Diba mag aaral tayo? Yun ang sabi mo kanina na pupunta ka dito sa bahay".

"Ay oo nga pala. Sorry nakatulog din kasi ako sobrang pagod" pagdadahilan ko.

"Sus lagi ka naman inaantok e. Basta pumunta ka dito hintayin kita" sabi nya.

"Sige kunin ko lang gamit ko".

Binaba ko na ang tawag.

Di ako pwede matalo. Mas malaki yung chance na malaman ko yung mga pinag gagagawa nya kapag sya yung sasama sakin lage. Kaya kahit na tamad na tamad ako magaral susubukan ko magsipag. Ang hirap naman kasi ng ganito e. Napasubo yata ako.

Kinuha ko na yung dalawang libro, pad paper at ballpen pupuntahan ko na si Fifth.
Nang makarating ako sa tapat ng gate ay kumatok muna ako. Lumabas naman yung katulong nila na si Nay Rosy at pinagbuksan ako.

Itinanong ko sa kanya kung nasan si Fifth nandoon daw sa taas pinasabi daw na umakyat ako agad pagdating ko.
Kumatok muna ako bago pumasok at binuksan nya naman. Nakakalat ang mga notebook at books sa bed nya.
Super sipag talaga nitong bestfriend ko twing gabi nag aaral kaya proud na proud sa kanya parents nya.

"Buti pumunta ka akala ko hindi ka tutuloy e dahil hinila ka na naman ng katamaran mo" natatawang sabi nya.

"Grabe ka sakin Fifth, masipag naman kaya ako dati pa".

"Dati yon, Hahaha" tawang tawa sya.

"Mag start na tayo antok na ko" napahikab pa ko sa pagkakasabi non.

Mga 9pm tapos na kami. Kaya nagpaalam na kong umuwi. Ilang bahay lang naman yung layo e kaya pwede na lakarin.

Pagdating sa bahay pumasok na ako sa kwarto at natulog na may pasok pa bukas tsaka antok na din ako.

------------

"Get 1 whole sheet of yellow paper" sabi ng prof namin sa Physics.

Gosh. Surprise quiz na naman for sure. Eto talagang matanda na to hilig sa ganyan.

Hindi naman ako na bothered.

Nag aral ako syempre HAHAHAHA chos.

Lakas ng loob e no? Wahaha.

Magugulat ka Sir 😂

Tumingin ako sa gawi ni Fifth nagthumbs up naman sya kaya napangiti ako.

After ng quiz namin sa Physics.



Guess what?














I got a perfect score waaaaaaah!






Magpapapansit ako.

HAHAHAHAHA.

Joke wala kong pera.

Can I Be Her?Where stories live. Discover now