Chapter 3

19 0 0
                                    

DEANNA'S POV

Niyaya ko si Maru sa tapat ng University kung saan kami nag aaral marami ditong tindang street food which is my favorite.

"Ate 5 nga pong dugo, 3 isaw at 5 laman" sabi ko kay ate.

Sinalang nya naman ito sa baga at inihaw na.

"Seriously kakainin mo yan lahat?" bulong ni Maru.

Natawa naman ako ng bahagya.

"Bakit hati naman tayo dito" sabi ko.

"Hindi po ako kumakain nyan diba? Nagsusuka ako" depensa nya.

"Ang oa mo naman Maru malinis naman yan. Try mo kaya".

Inilapit ko naman sa kanya yung naluto na at akma kong isusubo pero iniwas nya yung bibig nya.

Ang arte talaga. Kalalaking tao e.

Porket mayaman choosy.

"Sayo na lang" sabi nya.

"Sige bahala ka" nagkibit balikat na lang ako.

Ansarap pa naman.

Pagtapos namin bumili bumalik na ako ng classroom may klase pa ako.

Masipag ako pumasok pero tamad naman mag aral ng mga lessons. Hahaha.

Mga 5pm na din ng magdismiss yung prof namin.
Naglakad na ako papunta sa usual spot ko.
Habang papunta don nakarinig ako ng mga usapan. Medyo malakas yung boses nila kaya halatang nag aaway.

Sino kaya yon?

Hindi ko pa sila tuluyang nakikita kasi nakatago ako sa gilid ng wall.
Baka sabihin bastos ko.

Hihintayin ko na lang sila matapos.

"What's your problem ha? Break na tayo diba? Ano pa yang ikinakagalit mo?!" sigaw nung isa I think babae, sa boses pa lang e.

"Wala pa tayong 3 months na nagbreak tapos may bago ka na agad?At yung pinalit mo pa talaga yung kaaway ko, are you insane?" sabi naman nung lalaki.

"Pabayaan mo na nga kami, masaya na ko sa kanya. Tapos na tayo! Kaya wag na wag mo na kaming guguluhin".

"Please comeback to me, Mahal na mahal parin kita hindi ko kaya na mawala ka sakin. Magsimula tayo ulit Shanelle I love you" sabi nung lalake na mukang umiiyak na.

Bigla naman nawala na yung boses ng nag uusap. Kaya sumilip ako.

Shit.

What are they doing?

Naghahalikan. O_________O

WTF.

Yuck. Sa campus pa talaga.

Halatang ayaw nila bumitaw sa paghahalikan. Kaya kinuha ko yung phone ko tsaka sila pinicturan.

Pinagmasdan ko yung guy para kasing pamilyar.

Nakablonde yung buhok na medyo gray.

Teka si Yabang to ah!

Ay shems oo nga.

Luh. Siya yung umiiyak.

Bakit kaya sila nag break?

Waaah. Ang chismosa ko na

Di ko na dapat pinakailaman pa yon.

"Ford narealize ko na mahal parin pala kita" sabi nung babae.

Dewaw.

Magbe-break tapos magbabalikan.

Ano yon nag gagaguhan lang sila.

Wait. Bakit ba iniisip ko pa yon.
Umalis na lang ako. Mukhang matatagalan pa yata sila dito.

Can I Be Her?Where stories live. Discover now