Chapter 5

28 0 0
                                    

Nung nabangga ko yung lalaki na yon parang nawala na yung pag ka-ihi ko.
Naiinis lang ako. Kung sya man nga yung tinutukoy ni Tito Tim na kailangan kong bantayan. Sakit sa ulo siguro.

No not bantayan!

Isumbong sa mga ginagawa nya ganon na lang. Hindi ko maimagine kung pano ko gagawin yun sa araw araw. Ang hirap kaya ng palihim mong susundan syempre bawal nya malaman e.

Para kong bodyguard. Arghhhh.

Pumasok parin ako sa loob ng cr para magtanggal ng inis ko. Huminga Ko ng malalim.

Kaya ko to! Aja lang!

Lumabas nako at bumalik ulit sa office ni Tito Tim. Thanks God dahil wala na dun yung anak nya pagbalik ko. Pumasok kasi dun kanina nung nagpunta ako ng cr. Inaya kami ng boss ni Papa sa isang Japanese restaurant. Sure akong mahal yung mga pagkain dito, sa mga costumer pa lang mukang puro mayayaman ang mga kumakain e. Naninibago din ako syempre ngayon lang ako kakain dito.
Hanggang jollibee at Mcdo lang ako.

Kain at kwentuhan lang din yung nangyari. Tinanong pa ni Tito Tim kung kumusta pag aaral ko nahiya lang ako sagutin yung tanong nya kaya si Papa ang sumasagot. Nag offer pa nga si Tito ng tutorial session para daw tumaas grade ko kung wala naman daw ako hilig sa sports. Yung anak nya daw kasi kahit hindi naman na mag aral siguradong matataas na grade din ang makukuha dahil sa pagiging varsity player nito.

Yun nga yong sinabi ko sa anak nya e. Umaasa lang sa pagiging varsity kaya mataas ang grade. Pero bakit ganon hindi man lang yata concern yung Tatay nya sa grades sa academic. Ano yun mas gusto nya pang athlete?

Nagvibrate yung phone ko. Kaya nag excuse ako para sagutin yung tawag. Nawala naman yung ngiti ko ng makita ko kung sino yung tumatawag.

Kent calling...


Ano na naman kaya problema nito?

"Hello!" bungad ko.

"Oops galit ka na naman" sabi naman nya na kalmado lang ang boses.

"Ano na naman ba?".

"Nasan kana ba? Kanina pa ako andito sa mall e".

"O ano naman kung nandyan ka?" pambabara ko.

"Nakalimutan mo ba na pumayag ka na maglunch tayo today".

Ay pumayag nga ba ko?
Bat di ko maalala.

"A-ay ganon sorry nakalimutan ko e."

"Okay lang sige hintayin kita".

"Okay" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Nagpaalam na ako kay Tito Tim at kay Papa sinabi ko na may imimeet pa akong friend kaya mauuna na ako.
Sumakay lang ako ng jeep hanggang sa makarating ako sa mall.
Nagtext ako kay Kent na nasa loob na ko.

To: Kent

Dto nako

From: Kent

Okay wait me there. Pupuntahan kita.

Maya maya din natanaw ko na sya. Kumaway ako para mapansin nya ko agad.

"So ano nang gagawin natin?" tanong ko nang makalapit na sya.

"Nagugutom kana ba? Tara kain muna tayo."

Walang tayo Kent -.-

"Ahmm hindi na busog pa ko e kakakain ko lang kasi ng lunch" pagtatanggi ko.

"What do you want to do ba? Nuod tayo ng sine gusto mo?" sabi nya na parang excited.

"Ikaw bahala" walang gana kong sagot.

Bored na bored ako sa pinapanuod namin gusto ko lang matulog. Ang aga kasi ako ginising e para lang sa pinapagawa ni Tito Tim. Eto namang katabi ko enjoy na enjoy sa pinapanood, MARVELS yung palabas kaya hindi ako interesado.

"Hindi mo ba gusto yung palabas?" tanong nya kaya nagulat ako ng konti ng magsalita sya.

"Obvious ba? Inaantok nga ako e." bulong ko.

"Ano yung sinasabi mo?" tanong nya buti na lang bingi to. Haha

"Ah wala okay lang sabi ko ang ganda ng movie hehe" pilit akong ngumiti ayoko naman makaoffend kahit wala naman talaga akong gana.

Paglabas namin ng sinehan nag aya sya sa arcade kaya sumama na lang din ako. Naglaro kami ng basketball kaya kahit papano nawala yung bored ko. Okay naman pala kasama si Kent kaya lang kasi minsan ang kulit nya e ayoko pa naman sa makulit lalo ako naiinis e. Nagtry din kami sa mga toy na kukunin gamit yung hook pero nakailang try nako hindi ko pa rin kakuha.

Naghulog naman ng token si Kent kaya sya naman yung mag tatry.

Booom!

"Got it!" masayang sabi nya.

Nasungkit nya yung teddy bear na brown.

"Bakit sakin ayaw? Andaya" nagpout ako.

"Haha don't worry bibigay ko sayo to para may remembrance ako sayo" natatawang sabi nya.

"Sabi mo yan ah" ngumiti ako sa kanya.

"Yes boss" sabi nya pa.

Napatawa na lang ako sa ginawa nya.

Napagod na din kami kalalakad kaya nagdecide kami na umuwi na.

"O pano Kent mauna na ko thankyou" sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Hatid na kita Deanna".

"No. Wag na magcocommute na lang ako malapit lang naman dito yung sakayan e" pagtanggi ko. Nakakahiya na magpahatid pa ko sayang gasolina nya. Pwede naman mag jeep na lang.

"I insist, sige na hatid na kita malapit na din magdilim oh" pamimilit nya.

Hays. Sige na nga kahit nakakahiya.

"Sige na nga" sabi ko na lang.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse pero naunahan nya ko.

Waw gentleman naman nito.

Ganito pala si Kent. Dati kasi hindi ko naman talaga sya pinapansin e kahit magkaklase kami sya lang yung makulit. Ngayon lang din ako pumayag na sumama sa kanya kaya siguro sinulit nya na. Mabait naman sya, gwapo, matalino at may sense of humor pero sobrang makulit at pilyo lang talaga minsan.

Tahimik lang ako sa byahe. Pagod e tapos kulang pa sa tulog.

"Ahmm Deanna thankyou for today ah sobra akong nag enjoy. You don't know how happy I am na pumayag ka lumabas kasama ko" nagsmile sya kaya lumabas lalo yung kagwapuhan idagdag pa yung dimples.

"Ano ka ba ayos lang, thankyou den okay ka naman pala kasama kahit na puro ka kalokohan kanina" natatawa kong sabi.

"So sana maulit pa to" sabi nya at tumingin ng saglit sakin.

"Oo naman".

Eto na siguro yung time para bigyan ko ng chance si Kent para makilala ko pa sya. Wala naman masama e. Mabait naman sya.

Maya maya din nakarating nako sa tapat ng bahay namin, pinagbuksan nya ko ulit ng pinto. Bumaba naman ako at nagpaalam na din sa kanya.

"Ingat ka" sabi ko.

"Yeah thanks" sabi nya at pumasok na sa sasakyan.

Nang makaalis na sya pumasok na din ako sa loob ng bahay. Masyado akong napagod kahit weekend ngayon. May kailangan pa ako intindihin sa Monday dahil sa sinabi sakin ni Tito Tim.

Kaya ko naman siguro kakayanin. Pero di ko pa pala natatanong kung hanggang kailan yung usapan namin na yon.

Bahala na nga pag naka time na lang siguro ulit ako tska ko tatanungin si Tito.

-------

Sorry po sa late update medyo busy lang talaga😂

Alabyowww all😘

_SLNTSwagg💙💪


Can I Be Her?Where stories live. Discover now