Chapter 11

8 1 0
                                    

FORD'S POV

Magulo yung mga students sa labas ang iingay pa akala mo na naman mga nanalo sa lotto. Nagkumpulan sa tapat ng bulletin board, naalala ko yung usapan ng mga classmates ko kanina na nakapost na yung mga honor students don.

Wala man akong pake kaya hindi ko binalak na tignan yon.

Nandito lang kami sa cafeteria ni Rain nakatambay habang sya may kausap na babae sa phone habang ako naglalaro ng ROS.
Maaga pa naman kaya hindi muna kami babalik ng classroom para kunin yung card.
After ko nga pala kunin yon uuwi muna ko sa condo ni Rain para magpalit ng damit papasok pa ako ng midnight job as a crew sa restaurant na inapplayan ko.

"Pre tara na pwede na daw kunin yung card" yaya ni Rain.

"Let's go, para makapahinga pako bago pumasok ng work" sabi ko.

Pagpasok sa classroom bumungad samen yung mga kaklase kong nagkakagulo hawak yung mga card nila yung iba nagrereklamo dahil mababa daw yung grades na nakuha nila.

Kinuha ko na din yung saken para makauwe na ko.
Matataas naman, lahat line of 9 hindi dahil athlete ako pero dahil nag aaral ako mabuti nung nagstart kasi yung pustahan sinabi ko na agad sa mga prof ko na wag na nila ako iexempted sa mga pinapagawa, nagtataka man sila pero sa huli pumayag din.

Hindi ko pa nakikita si Deanna.
Baka umiiyak na dahil natalo Hahaha.
Sabi ko naman kasi sa kanya matatalo lang sya e. Anlakas ng loob pumayag alam naman nyang dehado sya.



Humanda kana bukas DEANNA.


Nag aya na akong umuwi kaya eto kami ngayon ni Rain nakasakay sa kotse nya, sya ang nagdadrive.




"Bro sinong chix na naman kausap mo kanina?" natatawa kong tanong kay Rain.



"Nililigawan ko bro, si Sydney" nakangiti naman ang loko.




"Naks naman pare mukhang seryoso ka na dyan ah" pang aasar ko.



"Syempre naman ako pa ba. E lagi naman ako seryoso pagdating sa babae".




"Hahaha ikaw nga kaya tong torpe sa ating dalawa kaya nagulat lang ako marunong kana pala manligaw" binatukan ko sya ng bahagya.



"Alam mo Bro, dati yun pero alam kong sya na yung babaeng para sakin e. I can feel it" napahiyaw pa sya tsaka tumawa.

Nabaliw na yata sa Sydney nya.



"Bro para kang bakla kiligin Hahaha" lakas ng tama sa kanya non.



"Kapag ikaw na inlove ulit mararamdaman mo yung nangyayare saken ngayon. Come on dude forget Shanelle and find other girls that will makes you happy again. Matagal na yung sa inyo kaya dapat ng tuldukan. Marami pang babae dyan."

Natahimik ako sa sinabi nya. May point din sya kaya siguro tama nga na dapat kalimutan ko na si Shanelle maybe we're not meant for each other talaga.

Nandito narin pala kami. Bumaba na ako ng kotse at nauna nang umakyat sa taas. Inihanda ko na yung isusuot ko mamaya. Medyo inaantok ako kaya I'll take a nap na lang muna.
Nagising ako mga 4pm sapat lang para magprepare papasok sa trabaho. Dumiretso na ako sa cr para maligo. Nang makatapos magbihis lumabas na ako ng kwarto naabutan ko si Rain na nakaupo sa couch. May kausap na naman kaya kumaway na lang ako na alis na ko tumango naman sya.

Gamit ko yung sa sasakyan ni Rain dahil para raw hindi na ako magcommute. Nakarating naman ako ng restaurant bago mag 5pm kaya hindi pa ako late. Wala parin naman gaanong kumakaen kaya ginhawa pa.
Nagbihis na ako ng uniform ko at ginawa yung trabaho ko.

Can I Be Her?Where stories live. Discover now