Chapter 7

19 0 0
                                    

DEANNA'S POV

Di ko naramdaman yung weekend monday na naman ngayon. Sobrang stressed sa weekdays tapos dalawang araw lang yung pahinga ang unfair.Hindi ako naistress sa pag aaral naistress lang ako sa mga taong nakapaligid sakin. Dapat ipatupad na ng presidente ng Pilipinas na kung gaano kadami yung araw ng may pasok ganon din yung pag weekend yung makakapahinga.

Tinignan ko yung phone ko.

Pinindot ko yung reminders app. Baka kasi may makalimutan na naman ako.

So ngayong araw pala ako magsisimulang magmasid kay Yabang. Kawawa naman ako magmumukha akong agent. Dinampot ko na yung bag ko sa kwarto dahil tapos naman na ko gumayak.
Lumabas na din ako ng bahay at agad na pumara ng tricycle papuntang school.

Pagdating sa school hinanap ko agad yung mokong para malaman ko kung buhay pa.
Joke, baka sabihin nyo ang sama ko.
May puso naman ako kahit papano.
Natanaw ko sya kasama yung iba nyang team mates. Pano ko nalaman? Nakajersey kasi.

"Bro nagkabalikan naba kayo ni Shanelle?" tanong nung isa nyang kasama.

"Hindi ko alam Bro kung kami na ulit pero sabi nya mahal nya pako. At dahil don parang napanatag na ako na sakin lang sya" sagot naman ni Yabang.

"Sure ka ba dyan Bro? E bakit kahapon nakita ko si Shanelle may kasamang lalaki?" natatawang sabi nung lalaking medyo kulog.

"Anoo!? Sino naman yung gago na kasama nya?" galit na galit na sabi ni Mokong.

"I don't know pare pero mukhang niloloko ka lang ng Shanelle mo e" pang aasar ulit nung kasama nya.

Nakita ko naman mukhang mas lalo pang nagalit si Yabang sa sinabi nung kulot na lalaki.
Nagulat na lang ako ng may dumapo na suntok sa mukha ng kausap nya.

"Gago ka Lance!! wag na wag mo sasabihin sakin yan, wala kang alam" nakatiim yung mga bagang na sabi ni Mokong.

So Lance pala yung pangalan non. Pero feeling ko hindi nya kaibigan yon e. Hindi yun yung kasama nya tuwing nakikita ko sya.

"Alam mo Pre, tanga ka na lang kaya naniniwala ka pa sa ex mo na sobrang kati kung sino sinong lalaki ang kasama nagsawa yata sayo e. Kaya hiniwalayan ka" nakatawa pang sabi nung Rain habang pinupunasan yung dugo sa labi.

Nakatikim ulit ito ng suntok mula kay Ford ngunit mas malakas na napatumba na yung lalaki.

Nagsidatingan naman yung kaibigan ni Ford yung dalawang lalake. Inawat sila. Nagmamatigas pa nga si Ford eh gusto pa yata pasabugin yung mukha nung kaaway. 

Sakto naman na nagbell na kaya nag alisan na yung mga student na nanunuod sa kanila kanina. Mga chismosa jusko.
Pumasok na rin ako sa room namin dahil maya maya darating na yung teacher namin.
Naabutan ko naman si Fifth na parang nagsusulat sa papel na may mga design pa.

"Bes ano yan? Love letter?" tanong ko.

Mabilis nya naman tinakpan yung sinusulat. Taray naman sino kaya pagbibigyan.

"A-ah w-wala sa kapatid ko to pinapagawa lang" nauutal na sabi nya.
Tumango na lang ako. Hindi kasi ako convince sa sinabi nya sure ako na may tinatago saken to e.
Hay nako Fifth wag ako.

Natapos yung klase na nakatanga lang ako. Inaya naman ako ni Fifth papuntang cafeteria nagugutom na raw kasi sya kaya sinamahan ko na lang rin. Buti pa tong kaibigan ko kahit malakas kumain sexy pa din samantalang ako pagkumain lahat ata napupunta sa pisngi ko. Kaya lagi pinanggigigilan ni Maru pag binubwisit ako.

Dahil mayaman tong kaibigan kong si Fifth lagi akong may libre twing kakaen kame. Tinatanggihan ko sya pero ang kulit andaming sinasabi kesyo magtatampo raw sya. E nakakahiya lang naman talaga baka isipin pa ng ibang tao na tinetake advantage ko na magkaibigan kami. Pero sinasabi nya na wag ko na lang daw pansinin yung mga kaklase ko kung ganon yung tingin saken.

Can I Be Her?Where stories live. Discover now