Chapter 9

14 0 0
                                    

FORD'S POV

Nakakainis isipin na yung babaeng minahal mo ng totoo dati parang baliwala na lang sa kanya lahat ng ginawa mo. Pinipilit ko naman na ibalik yung dati e kaso parang wala na talaga.

Nagawa ko yung mga bagay na mali. Nakikipag away ako sa mga lalaking dumidikit sa kanya kahit na ang hirap isipin na ano ba ako talaga sa kanya. Hindi ko na mabilang yung lalaking napasabog ko ang mukha dahil lapit ng lapit sa mahal ko. Tuwing uuwi ako ng bahay lagi ako pinapagalitan ni Dad.

Ewan ko ba pero parang alam nya lahat ng nangyayari saken. Pati ang pakikipag away ko sa school.

Ano yon may sumusunod saken lage?

May nagmamanman?

Fuck.

Ano ako bata?

Naalala ko yung sinabi ni Dad one time na umuwi ako, na imbis na matuwa ako nainis lang ako ng todo.

*Flashback

"Tristan ano na namang kagaguhan yung ginawa mo kanina sa school ha nakipagbugbugan ka na naman!!" .-Dad

Sht.

Pano na naman nya nalaman.

"Yeah. Aren't you not surprise? E diba ganito nako since then."-Me

"Araw-araw ganyan ang inaasal mo, hindi kaba nahihiya sa mga ginagawa mo ha?!!"

"Ano bang paki mo? Diba ang iniisip mo lang naman yung pangalan mo na madadamay ka sa mga kagaguhan ko?
Dad I'm not a kid anymore. Pabayaan nyo nako"

"Wala ka parin kwenta talaga. Ang sabi ng coach mo madalang ka daw umattend na training ah. Ano bang gusto mong mangyari ha?!

"Lahat na lang ba kailangan alam mo? Sino ba yung inutusan mo na magsumbong sayo ha?! Magkano binayad mo? Pati buhay ko pinapakailaman. Alam mo kung ano gusto ko?! Gusto ko ng mag quit sa football wala naman kwenta yon dahil kayo lang ang may gusto."

"Ano mag qu-quit ka? Nagpapatawa kaba? Edi yung grades mo babagsak alam naman natin na dahil lang yun sa pagiging athlete kaya mataas grades mo at isa pa baka gusto mong kunin ko lahat ng nasayo pag nag quit ka. Ikaw lang yung hindi athlete sa buong kamag anak natin"-Dad

"Go on, kunin nyo lahat. Kotse, condo, ATM card kung san kayo masaya dyan naman kayo magaling diba? Gusto nyo kayo lang yung masaya".

*End of Flashback

Sa condo ni Rain ako pansamantalang nakatira. Nakakahiya man pero sinabi ko sa kanya yung nangyari samin ni Dad. Kaya balak ko mag apply ng trabaho para may sarili akong pera tumigil na din muna ako sa paglalaro ng football.

Naiinis na kasi ako kay Dad puro yon ang bukang bibig nya e. Tapos kung makapagsalita akala mo inutil yung tingin nya saken na hindi marunong mag aral. Idagdag pa yung nakipagpustahan pa ako sa Deanna na yon.

Paano ako mananalo kung madami ako problema?

Hays. Wala akong pera

Nung isang araw na nakipagaway ako andun na naman sya, lagi na lang.

Siya kaya yung nagsusumbong kay Dad?

Hindi naman siguro.

Hindi naman sya kilala ni Dad e.

Pero diba one time nakita ko sya sa company?

Gulo naman.

Pero hindi parin pwede.

Can I Be Her?Where stories live. Discover now