Chapter 4

29 0 0
                                    

Pinipilit ko imulat yung mata ko kahit na sobrang sakit ng ulo ko. At lalo pang kumikirot dahil sa yugyog na kanina ko pa nararamdaman.

Potek lumilindol ba?

Hanep naman oh. Antok pa ko tas lilindol.

Pagdilat ko nakita ko si Mama na nakatayo sa tabi ko. Alam ko na kung bakit para akong niyayanig. Si Mama pala ginigising ako.

"Hoy Deanna bumangon ka na!" sabi ni mama at niyugyog pa ako lalo.

Nakakahilo.

"Ma sabado naman ngayon e wala akong pasok bakit po ba ang aga aga mo ko ginigising?" sabi ko in sleepy tone. Walang biro inaantok pa ko.

"Nakalimutan mo na ba yung sinabi sayo ng Papa mo kagabi isasama ka daw nya sa office di ba? At ipapakilala ka sa boss nya."

Nabigla naman ako sa sinabi ni Mama. Nawala sa isip ko

San kaya napunta?

Joke.

Nakalimutan ko.

"Opo Ma babangon na".

Narinig ko naman na sumarado yung pinto. Lumabas na si Mama.

Pupungas pungas akong bumangon.
Kahit sobrang antok ko pa bumangon na ako.
Naglakad ako papuntang pinto kaya sa sobrang kaantukan nauntog ako.

Ouchh!

Anak ng halimaw naman oh!

Nagising yata ako sa pagkakauntog e.

Si Papa nagkakape sa kusina ng madaanan ko. Dumiretso na ako sa banyo at naligo na.

After kong ayusin yung sarili ko. Lumabas na ako ng kwarto dala yung backpack ko. Nakasuot lang ako ng simpleng white floral dress.

Medyo formal na rin to. Kesa naman mag jeans lang ako.

Sumakay na ako sa kotse.

Hindi samin na kotse kundi pahiram lang ng boss ni Papa para raw may sasakyan sya papuntang opisina.

Pagkarating sa Parking lot. Hindi ko alam kung lalabas pa ba ako sa loob ng kotse. Nahihiya kasi talaga ako lalo na pag hindi ko pa kilala yung kakausapin ko. Pero matapang ako pag ako na mismo yung inaagrabyado.

"Huy Deanna tara na" yaya saken ni Papa.

Bumaba na kami ng kotse at pumasok na sa loob.

Talaga pa lang mayaman ang boss ni Papa. Mahahalata mo yung loob ng building na sobrang ganda ng mga designs. May mga nakadisplay na portrait sa mga walls na madadaanan.
Hindi ko maiwasan na hindi tignan. Super ganda kasi talaga.

Lumingon ako sa likod ko at napansin na malayo na pala ang agwat ko kay Papa kaya nagmadali akong lumapit sa kanya.

Mahirap na baka maligaw pa ko. Malaki pa naman tong building nato.

Huminto kami sa tapat ng pintuan na may nakalagay na..

Engr. Timothy Francis Gonzalez- Head Director of BLC

Eto na nga siguro yung office nung boss ni Papa.

Sumilip muna si Papa. Narinig ko naman na nagsabi yung boss nya ng "Come in" kaya niyaya na ako ni Papa sa loob. Medyo kinakabahan ako.

Para kong kasali sa quiz bee na hindi ko alam lung ano yung isasagot ko.

Oa ko ba?

Haha.

Pagpasok ko pa lang kita ko na ang magandamg design ng office kaya napalinga linga din ako. Black and white lang ang kulay pero ang linis tignan dahil na rin sa mga paintings sa walls.

Can I Be Her?Where stories live. Discover now