1.2 Loveteam?

2 0 0
                                    

Kate POV

Nakalipas ang isang buwan, marami ang nagbabago sa loob ng homeroom ng Tangerine.

May mga love team, enemies, friend-zone, bullies at etc. Mayroon na din class officers sa classroom. And here is the list of officers:

President:
   Samantha M. Degurechaff
V-President:
   Darwin G. Vamure
Secretary:
   Kate A. Lisesharte
Treasurer:
   Maria Fe A. Chezfia
Auditor:
   Raul Seth Nier
P.I.O:
   Janrel James B. Crawford
   Eduardo M. Archaman
P.R.O
   Joanna N. Shrippear
   Linz Alex B. Hazterx
Muse:
   Mary Angel C. Alicetaria
Prince Charming:
   John D. Flauros

---

Recess break ang pinaka favorite kong subject of all time, hindi lang ako pati na rin ang kaklase ko. Kahit ang guro ay magsasabi pa ng "goodbye class" ay nakalabas na ang lahat sa silid at papunta sa cafeteria. Kawawang Ma'am.

Kinuha ang pagkain at umupo sa vacant table. Ilang segundo ay may umupo sa tabi ko. Si Kenneth pala akala ko multo, muntik na nalaglag ang pagkain ko sa gulat. Ano ba siya? Isang alien na kahit saan nagteleport?

Kate: Huwag ka nga sumulpot nang kahit saan. Papatayin mo ba ako sa heart attack?

Kenneth: Sorry kung nagulat kita, hindi mo ko pinansin eh...

Napabuntong hininga ako. Kumain kami habang nag-uusap, at nag-bell na para sa next class. Sabay na kami ni Kenneth, classmate naman kami so iisang classroom lang ang pupuntahan namin.

Pumasok kami na may bilang sumigaw na kinilig? Huh? Tama ba ang narinig ko? Sigaw na kinilig? Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang malawak na ngiti abot tenga.

???: Kayo na?

Kate: Ano kami na?

???: Hala! Hindi ba obvious? Ang tinutukoy ko ay... Kayo na ba ni Kenneth, besh? Patay malisya ka talaga.

Kate: Hindi nuh, friends lang kami. At- ano ka ba Dayan? Nagkasama lang, kami na! O.A mo, sobra.

Dayan: Sorry naman besh. Pinibiro lang. At tiyaka, bagay kayong dalawa sa isa't isa.

Kate & Kenneth: Hindi kami BAGAY, TAO kami TAO, gets mo?!

Dayan: Sabay pa sila. Destiny talaga kayong dalawa, hehehe...

Hindi ko nalang siya pinansin at umupo sa proper seat ko. Hinihintay si Professor, ang pagong nya nabo-bore na ako.

Kenneth POV

Bakit ba sa iba, ang tingin ay kami na? Hindi ba pwede friends lang kaming dalawa? Nakaka iirita na sila.

Bagay daw kami ni Kate? Well, sa na observe ko ay, type ko nga sya. Matalino, maganda, simple, at higit sa lahat masayahin. Kahit na bored na bored ka, kung kasama mo siya, I can't find a boring atmosphere around her.

Ok, I have to admit it na nagka crush ako sa kaniya. Pero hindi ko gustong magpahalata sa mga kaklase. Why? Mga big mouthed ang lahat, tsimis doon at ang tsinismis ay gawa-gawa lang din.

Ayokong masira ang friendship naming dalawa. Dahil lang dyan..

Raul: Hoy! Stop daydreaming, bro. Ma'am Clazyer is calling you for attendance...

Mrs. Clazyer: Wisteria! Kenneth Wisteria! Is Wisteria's absent?

Kenneth: Present!! Sorry for the delay answer, sorry.

Mrs. Clazyer: You should be and stop daydreaming in my class.

Nakalimutan kong English time ngayon, hay, ayan tuloy napagalit ako si Ma'am. Huhuhuhu...

Deny Our FeelingsWhere stories live. Discover now