CHAPTER ONE and TWO

354 5 0
                                    

Xi POV

*Took*Took*Took
Napilitan akong bumangon mula sa sofa dahil sa walang hiyang tipaklong na kumakatok sa aking pintuan

"Xi-Xi ---"

Hindi pa natatapos ang sasabihin ng tipaklong na nasa harap ko ng iaabot ko sa kanya ang 2500 pesos na agad naman niyang kinuha at ngumiti bago pa siya makapag salita pinagbagsakan ko na siya ng pinto.
Siya si ate Beth ang babaeng pinaglihi sa tipaklong napaka hyper talon ng talon lakad ng lakad daldal ng daldal and for my sake I hate her, I dislike people like her. Siya ang may ari ng nirerentahan kong bahay kung saan ako nakatira ngayon. Simple lang ito may maliit na sala na may isang sofa na pwedeng pang tatlohan may tv at mesa sa gitna tapos may maliit din itong kusina ,banyo at isang kwarto oo alam ko PANG MAHIRAP ANG BAHAY NA TO paki nio? ei mahirap nga ako ei anong magagawa niyo?

Kinabukasan katulad ng aking nakasanayan umalis ako sa bahay ng 6:30 naka uniform ako ng maikling palda na kulay blue ,naka medyas ng blue na above the knee at uniform blouse sa taas na may nectie oh diba mukha akong tanga? ewan ko ba sa D'Lords Academy kung bakit ganto ang uniform nila nakakabwisit at idagdag mo pa na naka suot ako ng bonet na black mukha na talaga akong muntanga. Sumakay ako ng bus para makarating ako ng Academy after an hour nakarating din ako ng Academy . Dito pa lang sa gate makikita mo na ang isang napakalaking gate at sementong bakuran na halos kasing taas ng isang building na mayroong 5th floor na pumapalibot sa halos 30 hectares na Academy na ito . Lumapit ako sa mga guard at agad naman nila akong nakilala kaya agad nilang binuksan ang parang isang pintuan sa gate kung saan kasya ang mga 3 na tao ng sabay sabay . Walang nakaka pasok na iba dito maliban sa mga students,teachers and staff and parents.

Pagtapak ko pa lang ng semento sa loob ng academy ay napabuntong hininga na ako , heto nanaman ako sa mundong hindi ko naman ginusto. Dumiretsyo na ako sa paglalakad ang daming studyante naka uniform din sila syempre mga nagtatawanan ,nagkukwentuhan napupuno ng ingay ang paligid na animo para kang nasa isang syudad. may 7 na gusali sa loob ng academy at lahat ito ay may pare-parehong may 4th floor maliban sa isang gusali na makikita mo sa pinaka dulo yet center ng Academy ang tinatawag nilang D'Royals Building Kung saan duon nagkaklase ang mga nasa Special sections or Royal section. Kinabibilangan ito ng mga studyateng may powers, yes magic really exist in our world. Sa mundong ito ang mga may kapangyarihan ang laging nasa ibabaw samantalang ang mga taong normal ay walang ginawa kundi sumunod nalang .

Dumiretsyo na ako sa Building 3 kung saan ako kabilang may kanya kanya kasi ditong lugar kung saan ka nararapat duon ka mapupunta . Sa building 1 ang mga studyante duon ay tinatawag na "The worst class" .Sila yung mga studyanteng nasa pinaka dulo ang rank . Sa building 2 and 3 naman yung mga studyanteng nasa average . Sa building 4 naman nandun ang mga studyanteng matatalino , lahat ng mga studyanteng nasa building 1-2-3-4 ay mga normal o walang kapangyarihan .Samantala sa building 5 makikita ang cafeteria, gym, music room, at hall kung saan tinitipon lahat ng studyante, ang building 6 ay para sa mga staff , professors and duon din matatagpuan ang "D'LORDS Office " duon ang office ng may ari ng school na to na tinatawag nilang Lord or The Lords Family dahil kilala ang angkan nila bilang mga Diyos dahil tinataglay nila ang kapangyarihang kahit sino ay hindi matalo talo.

Syempre ang Building 7 or D'Royals building ang mga studyanteng nakakapasok lang dito ang mga studyanteng may tinataglay na kapangyarihan at ang mga studyanteng ito ay madalas na kinakawawa o inaalipin ang mga normal na studyante . Ewan ko ba naman sa mga studyanteng normal kung bakit pa nila pinipiling mag aral dito bukod sa napaka mahal na nga ng bayad inaalipusta pa sila ng mga ibang studyante .
Pumasok ako sa room 27 ,dumiretsyo ako sa pinakalikod na upuan sa tabi ng bintana. Grade 12 student ako at second week of the class palang ngayon. Umubob ako sa desk ng chair ko at sa di ko sinasadyang pangyayari nakaidlip ako ang aga ko kasi nagigising . Maya maya pa nagising ako dahil sa kumakalabit sa braso ko kaya napabangon ako ng ulo at napalingon sa gilid ko para tignan ang katabi kong babae na agad naman nitong tinuro ang harapan kaya lumingon ako sa harapan at nakita ko ang isang matandang lalaking kamukha ni shrek at nakapa mewang pa

The Legendary PhoemWhere stories live. Discover now