Xi POV
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa likod at nagulat naman ako dahil may lalaking nakatayo sa likod ko kaya napaatras ako ng di bahagya
"Si-sino ka?"
Hindi sumagot yung lalaki teka parang familiar siya sa akin nakita ko na ata siya oo tama isa siya sa The Highest Royals na kabilang sa Royal Class at nakauniform pa siya ah. Humakbang siya palapit sa akin kaya agad naman akong kumaripas ng takbo pero hindi pa ako nakakalayo nasa harapan ko na siya kaya napahinto ako at nanlaki ang mga mata ko ang lapit niya sa akin ramdam ko na ang hininga niya . Nakatitig siya sa akin at napatingin din ako sa mga pula niyang mata infairness ang gwapo niya at mas matangkad siya sa akin . Magsasalita sana ako ng bigla niyang tanggalin ang bonet ko at dahil sa nabigla ako napa atras ako at pati siya nagbigla sa nakita niya . Unti unting bumaba ang mahabang straight at puti kong buhok
"I-I knew it youre not a human"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya . Ano bang problema ng lalaking ito ? kinuha ko ang bonet ko sa kanya at naglakad na palayo ,akala ko hindi na niya ako susundan pero mali kasi hanggang sa bahay sinundan niya pa rin ako
"Ano bang problema mo?"
Hinarap ko siya na kanya namang ikinabigla at nakatitig lang siya sa akin habang nakapamulsa
"Bakit nasa Building 3 ka, paano nangyari yun?"
"Di ba halata? ayoko sa inyo ,hindi niyo ko katulad"
Papasok na sana ako sa loob ng bahay kaso napatigil ako sa sinabi niya
"I will tell all the staff and students that you are not a human"
Napatigil ako sa sinabi niya at without a second nasa harapan na niya ako at sakal sakal ko na siya halata ang pagka gulat sa kanya hinawakan niya ang kamay ko at sinusubukang alisin ito mula sa pagkakasakal ko sa leeg niya pero hindi niya ito maalis ng makita kong namumula na siya at malapit na siyang malagutan ng hininga binitawan ko na siya at siya namang napaupo siya sa lupa
"Umalis ka na! wag kang magkakamali kong ayaw mong mamatay"
"Sino ka? saang angkan ka nagmula? wala sa aming grupo ang nakakabasa ng isip mo ,naalala mo yung nangyari sa cafeteria kanina? "
Nilingon ko siya na siya namang ikinabigla niya
"Alam mong hindi na sana aabot yung tubig ni Jessy kanina duon sa bolang apoy pero pinahinto mo ito kaya umabot ang tubig ni Jessy at hindi ito na pansin ng iba maliban sa amin, wala ring nakakabasa ng isip mo kahit na isa sa amin "
"Kalimutan mo na lahat ng nangyari ngayon"
Papasok na sana ako ng bahay naopen ko na yung pinto pero napatigil ulit ako dahil sa sinabi niya pero this time nanghina ako sa sinabi niya
"Ikaw ang The Highest Lord the choosen one ang pinaka makapangyarihan sa lahat ang may taglay sa lahat ng kapangyarihan sa buong kalawakan "
Napalingon ulit ako sa kanya
"Paano mo nalaman?"
"White hair? White eyes? and a mark of infinity"
Tinuro niya ang tagiliran ko sa may bandang tiyan sheyt na malagkit tumaas pala ang uniform ko .Ibinaba ko ang uniform ko at tumalikod na sa kanya
"Pasok"
Pinaupo ko siya sa sofa ko at inabutan ng juice
"Paanong nangyaring napunta ka ng Building 3? theres no way na makakalusot ko sa power detector ng school"
"Ikaw na ang nagsabi diba? I am the choosen one"
"Pero bakit?"
"Alam mo teka ano nga bang pangalan mo?"
"Jao"
"Jao, hindi tayo pareho , ayoko ng gantong buhay all I want is a peacefull life without magic like that"
"Pero ikaw ang-"
"I know hindi ko naman tinatakasan ang responsibilidad ko I am just enjoying it my freedom dahil alam kong darating ang isang araw na mawawalan na ako ng kalayaan"
Sumandal ako sa sofa oo magkatabi kami ngayon no choice iisa sofa ko eh
"Ang nilalang na tulad ko ay nakatadhanang mawalan ng kalayaan at kasiyahan balang araw maiintindihan niyo rin ako"
Tumingin sa akin si Jao kaya napatingin din ako sa kanya
"But why are you hiding?"
"Its none of your business "
Tumayo ako at hinila ko siya palabas ng pinto
"Bye!"
Mariin kong sabi at isinara na ang pintuan.
Kinabukasan ganun parin gising maaga pasok maaga tulog sa klase hays eto lunch na lahat ng students papunta ng cafeteria samantalang ako papunta sa school backyard . Habang naglalakad ako sa corridor sa tapat ng building namin ramdam kong may sumusunod sa akin pero hindi ko nalang ito pinansin at ng makarating ako sa backyard kung nasaan ang magical old fountain may umatake sa akin mula sa likuran . Napapikit ako at tumalon ng bahagya patungo sa isang malaking sanga ng pinakamalapit na puno sa akin .
"Sino ka?"
Tanong ng dalawang babaeng nakatayo sa baba kung saan ako nanggaling kanina yung isa sa kanila siya yung tumira sa akin mula sa likuran ng lupa teka ito yung mga kaibigan ni Jao? yung dalawang babae sa The Highest Royals. So yung isa duon ay si Jessy ang may kapangyarihan ng tubig at ang isa naman? napabalikwas ako dahil muli akong inatake ng babaeng kayang magmanipulate ng lupa . Tumalon ako pababa para hindi niya ako matamaan pero pag apak ko palang sa lupa bumuka ito na para bang kakainin ako kaya agad akong tumalon ulit at ganto ulit ang nangyari sa akin
"Hindi ka na makakatakas kahit saan ka magpunta "
Sabi ng babae tama nga siya kahit saan ako magpunta mapapatay niya ako dahil hawak niya ang buong mundo . Tumalon ako ng bahagya at lumutang sa ere na animo nakaapak ako sa isang lumilipad na bagay na hindi nila nakikita
"T-tek-a Paano mo nagawang?"
-JessyNapaatras silang dalawa
"Ano bang kelangan niyo sa akin? tigilan niyo na ito at umalis na kayo sa harapan ko"
"Sino ka? bakit na nagbabalat kayong normal na tao?"
Unti unti bumaba ako sa lupa ,hindi naman na umatake yung babaeng kasama ni Jessy. Tumalikod na ako sa kanila
"Umalis na kayo pabayaan niyo na ako"
Mula sa kawalan may lumitaw na isang hayop na kasing laki ng isang lion may makapal itong puti na balahibo ,mataba at may mukha ng pinaghalong pusa at tigre
YOU ARE READING
The Legendary Phoem
FantasyEvery 10,000 years one un ordinary person will born and chosen to be the legendary choosen one, the most powerful in the whole galaxy but in this generation the choosen one refuses to be the legendary one Welcome to the world where magic really exis...