CHAPTER 4

148 3 0
                                    

Xi POV

*roar

"T-teka"

Napaharap ako sa dalawang babae na ngayon ay nakaupo na sa lupa kaharap si Canon ang aking partner

*Roar

"Thela"

Sigaw ni Jessy at biglang lumitaw ang isang parang seahorse na may katawan at mukha ng isang lalaki at may hawak pa itong malaking tinidor malamang sa malamang ito ang partner niya

"Ben"

Malakas naman na sigaw nung isang babaeng katabi ni Jessy at lumitaw sa harapan niya ang isang malaki na tila naka tayong ahas

"Canon Stop"

Tumalikod si Canon at lumapit sa akin pumuwesto ito sa aking tagiliran

"Hindi ko nais na saktan kayo kaya hanggat maaga pa umalis na kayo sa lugar na to "

Mariin kong sabi habang poker face na naka tingin sa kanila. Tumayo naman sila habang nasa tapat nila ang kanilang mga partners

"Lumabag ka sa batas ng paaralang ito bakit ka nagkukubli siguro may masama kang binabalak kaya ka nagpapanggap na normal na tao at paano ka naka lusot sa power detector paano nangyaring napunta ka sa building 3?"

Tanong ni Jessy

"Dahil hindi niyo ako katulad"

Matipid kong sagot

"Hindi ka namin katulad? and how can you explain that?"

Tinuro nung babae si Canon ,tinignan ko naman si Canon at kinausap ko ito sa isip ko

*Canon umalis ka na*

*Roar

Si  Canon ay nawala nalang bigla at Naglakad na ako paalis at iniwan silang dalawa duon

Ng bumalik ako sa room 2 pm na hindi na ako nakakakain dahil sa dalawang babaeng yun

"Good afternoon class"

"Good afternoon sir"

Andito na pala si sir Marco ang History teacher namin matutulog na sana ako tulad ng nakasanayan kong gawin ng makuha ni sir Marco ang attention ko

"Our topic for today is about the history of the choosen one the highest Lord,  100,000 years ago nagkaroon ng giyera between the human being and the power ones o yung mga nilalang na may kapangyarihan . Sa labanang iyon nag alsa ang mga tao laban sa mga makakapangyarihan dahil sa masamang impluwensiya ng black kingdom sa o mga nilalang na may itim na mahika. Pinasunod nila ang mga normal na tao gamit ang kanilang itim na mahika at magkakasama nilang nilabanan ang mga may kapangyarihan . Dahil sa ang papolasyon ng mga normal na tao ay 100 beses na higit na madami sa papolasyon ng mga may kapangyarihan at idagdag mo pa na lahat ng iyon ay nababalot ng itim na mahika mula sa Hari ng black kingdom na si bawal sabihin ang pangalan"

Paghinto ni sir Marco mahigpit na ipinagbabawal na sambitin ang pangalan ng hari ng black kingdom dahil sa tuwing itoy binabanggit ay nagkakaroon ng masamang pangyayari

"Ng malapit ng magapi ang makakapangyarihan si haring Judes ng White Kingdom ay isinakripisyo ang kanyang sarili para maibalik ang kapayapaan sa sangkatauhan . He saceifice his own life ,gamit ang kanyang kapangyarihan  tinanggal niya ang bumabalot na itim na mahika sa lahat ng normal na tao at ang kapalit nuon ay ay kanyang buhay . Natalo man ang black Kingdom ay nawala naman sa kalawakan ang tinaguriang pinakamakapangyarihang nilalang sa buong kalawakan ngunit bilang isang kapalit tuwing sasapit ang 10,000 taon may isang ipinapanganak na nilalang na nabibiyayaan ng isang kapangyarihang katulad ng kapangyarihan ni haring Judes. Ang the choosen one ,tungkulin nitong pangalagaan ang buong sangkatauhan sa mahabang panahon hanggang sa mabuhay muli ang susunod na mapipiling the choosen one. So in short 10 000 years ang buhay ng the choosen one sa marami isa itong biyaya pero sa iba nagmumukha itong sumpa"

Natapos ang buong subject namin .

"Grabi no? amazing yung history kanina hay nakaka inggit talaga sana ako nalang ang the choosen one"

Sabi ni Camelle na kaklase ko habang nagaayos siya ng gamit niya uwian na kasi

"Paano ka magiging choosen one? kahit nga kapangyarihan wala ka "

Sabat naman ni Shiela na kaibigan niya . Tumayo na ako at naglakad palabas ng room pero hindi pa ako nakakalabas ng room narinig ko ang pangalan ko sa paguusap nila Camelle

"Baka naman si Xi-Xi ang the choosen one"

Natatawang sabi ni Shiela

"Paano naman siya magiging the choosen one? puro tulog lang naman alam niyan "

Sabat ng isa ko pang kaklase na si Michael at nagtawanan naman silang lahat . Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad na paalis ng room . Ang mga normal na tao kapag walang magawa mahilig silang manukso ng kapwa nila pero kapag kaming may mga kapangyarihan kapag walang magawa  nagpapatayan

"Xi"

Napalingon ako dahil may tumawag ng pangalan ko si Ken pala ang room president namin

"uuwi ka na?"

tumango lang ako sa kanya

"Sabay na tayo"

Nagulat ako sa sinabi niya . Tiniganan ko lang siya habang naka ngiti siya sa akin ang ganda ng ngiti niya tapos lumulubog ang singkit niyang mga mata ,ang tangos din ng ilong niya para siyang koreano infairness ang gwapo niya. Naglakad na ako at sumabay siya sa akin seryoso ba siya? Ng makalabas kami ng gate ng Academy akala ko aalis na siya magkaiba kasi kami ng daan ako papunta sa sakauan ng bus at siya sa mau parking lot ng school nasa labas kasi ang parking lot ng school . Pero ng maglakad ako papunta sa sakayan ng bus ay sumunod pa rin siya sa akin kaya hinarap ko siya at tinignan ang daan na papunta sa parking lot

"Sasakay ako ng bus"

Nagulat ako sa sinabi niya

"Sira kasi yung kotse ko"

Nahihiya nitong sabi sabay kamot sa ulo. Sumakay kaming dalawa sa bus at dahil punuan na ito magkatabi tuloy kaming dalawa buti nalang nasa tabi ako ng bintana

"Xi"

Napalingon ako sa kanya na nakatingin pala sa akin

"I never heard your voice even once"

Nagulat ako sa sinabi niya ,oo nga pala never pa akong nagsalita sa room simula ng mag aral ako duon ng Grade 7

"You never smile din you know what your so mysterious"

Sabi niya napayuko nalang ako at hindi siya sumagot. Simula nun hindi na niya ako kinausap at ng tumigil sa isang bayan ang bus bumaba na siya duon nagwave pa siya sa akin.

The Legendary PhoemWhere stories live. Discover now