CHAPTER 23

108 3 0
                                    

Jao POV

"Andami nila"

Bulong ni Ms. Jade ang adviser namin at isa sa mga first offense ng Academy kaharap namin ngayon ang black kingdom oo marami sila ngayon kung dati tatlo lang sila ngayon 10 ang kaharap namin

"SHIT"

Napamura ako dahil sa naalala ko si Xi kanina ko pa siya hinahanap hindi ko siya makita pagkahatid ko kay Jamaika sa clinic agad akong bumalik sa room pero sabi nung nurse umalis daw siya ng hindi pa nagagamot

"Tigilan niyo na ang pangugulo dito hindi pa ba kayo nadala ? nakaharap niyo na si Lord Thewon at pinagsabihan na kayong wag nang babalik pa"

Sigaw ni Ms. Gyla

"Hindi kami aalis hanggat hindi namin nakakaharap ang nais naming makaharap"

Sagot nung isang taga black kingdom

"AKO ANG HINAHANAP NIYO DIBA? "

Napalingon kaming lahat sa sumigaw sa likuran namin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Xi na nakatayo tumutulo ang dugo sa kamay niya at puti ang kanyang mga mata . Naglakad siya paharap lalapitan ko sana siya at pipigilan kaso hinawakan ni Sur Martin ang kamay ko shit anong ginagawa niya? bakit siya nandito? fuck! hindi ako makaalis dahil hawak hawak na ngayon ni Sir Martin ang braso ko

"Sa wakas lumabas ka na rin sa yung lungga "

Sabi ulit nung taga black kingdom

"Sawang sawa na ako sa inyo tapusin na natin ito "

Banggit ni Xi at nagsimula ng yumanig . Sumugod naman sa kanya ang mga taga black kingdom maliban sa leader nila pero hindi pa sila nakakalapit ay nagsitalsikan na silang lahat kasabay nilang tumalsik ang mga apoy at ngayoy nasusunog ang kanilang mga sarili . Naglakad naman palapit sa kanya yung leader ng mga taga black kingdom

"Ilang taon kitang hinanap ilang daang beses din akong pabalik balik sa lugar na ito andito ka lang pala"

Pinaulanan niya si Xi ng mga itim na bola ng apoy

"Black magic"

Bulong ni Carla. Napalingon ako kay Carla na nasa likod ko tama nga siya black magic ang gamit ng mga balck kingdom . Ng muli akong lumingon kila Xi nagulat ako sa nakita ko hawak hawak ni Xi sa leeg ang kalaban niya habang nakataas ito ang dalawang kamay ng kanyang kalaban ay unti unting nasusugat na para bang may kung anong hindi nakikitang espada na sa kanyay humihiwa. Agad kong tinanggal gamit ang buong lakas ko ang mahigpit na pagkakahawak sa akin ni Mr. Martin

"JAO!"

Rinig kong sigaw nila habang akoy tumatakbo papalapit sa kinaroroonan nila Xi ng makalapit ako sa kanya agad ko siyang kinausap

"Xi tama na please baka mapatay mo siya"

Pagmamakaawa ko kay Xi

"JAO BUMALIK KA DITO"

Sigaw naman ng mga kasama kong first defense pero hindi ko sila pinansin. Hinawakan ko ang braso ni Xi pero inihampas lang niya ako palayo

"Ah"

Nahampas ako sa lupa ang lakas niya grabi

"JAO"

"Carla HUWAG!"

"JAO"

Nagtatalo na sila sa likod pero si Xi sakal sakal pa rin ang kalaban niya at unti nalang mawawalan na ito ng hininga shit!

"Xi!"

Sigaw ko pero tila hindi ako naririnig ni Xi napalingon naman ako sa isang alagad ng black kingdom wala na itong malay pero nasisigurado kong buhay pa ito . Nilapitan ko ito at kinuha ang espadang hawak hawak niya

The Legendary PhoemWhere stories live. Discover now