CHAPTER 8

120 4 0
                                    


Jao POV

"Ill fetch you later"

Sabi ko kay Xi tumango lang ito at pumasok na sa classroom nila. Naglakad na rin ako paalis ng building 3 habang naka pamulsa ang dalawa kong kamay . Lahat ng madadaanan ko nagmamake way para sa akin yung mga babae kulang nalang irape ako sa tingin. Hindi ko din alam kong bakit sa dinami dami ng babae duon pa sa babaeng weirdo na yun ako nag kaka ganto.

"Sup bro"

Nakipag apir ako kay James at Harry mga kaibigan ko kasama sa The highest Royals andito narin pala sa room sila Jessy at Carla . Uupo na sana ako sa upuan ko katabi ni Carla at Harry pero sinampal ako ni Carla. Nagulat lahat buti nalang at kaming The highest Royals palang ang nandito sa room

"How did you do this to me?"

Tinignan ko lang si Carla habang pinipigilan naman siya ni Jessy

"Carla ano bang nangyayari sayo?"

Tanong ni James kay Carla pero si Carla ay umiiyak na

"Alam mong may gusto ako sayo at alam mong alam yun ng buong academy but why did you claim her as your girlfriend?"

"Carla"
-Jessy

"NO!"
-Carla

" I will tell everyone that she isnt a normal person that she is just like us"

Agad na nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya at hinawakan ko siya sa braso ng mahigpit

"A-aray"

"Jao"
-Jessy

"Dont you dare Carla , if someone would knew about who she really is I dont know what can I do to you"

Binitawan ko si Carla at tuloy tuloy lang siya sa pagiyak pero hindi ko siya pinansin at umalis na ako sa building 7 . Nawalan na ako ng ganang mag aral. Dumiretsyo ako sa field at duon umupo ako at nagtunganga . Maya maya naglakad lakad na ako kasi boring sa field pero ayoko talagang pumasok.

" Xi-Xi"

Napatigil ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki na sinasambit ang pangalan ng Xi ko . Lumingon ako kung saan galing ang boses and nakita ko nga si Xi ko na naglalakad papunta sa direksyon ko ang ganda niya talaga kahit na nakabonet siya litaw na litaw parin ang kagandahan niya sa matangos niyang ilong, maputi at fluffy cheeks at sa perfect niyang lips. Sa totoo lang siya ang pinaka magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko lalo na nung nakalugay ang puti at mahabang buhok niya , kahit na puti pa ang mata niya. Lalapitan ko na sana siya kaso may naunang lumapit sa kanya ,teka siya din yung lalaking kasabay ni Xi ko  nung kamakaylan lang. Agad akong lumapit sa kanila at hinila papalapit sa akin si Xi ko ,napatingin naman sa akin yung lalaki

"Why are you talking to my girlfriend?"

"Girlfriend?"

Tanong nung lalaki

"Dont you hear me? "

Lalapitan ko sana yung lalaki ng hilain ako ni Xi ko sa tenga palayo duon

"A-Aray ko Xi ko"

Ng makalayo kami duon saka lang niya ako binitawan napa haplos naman ako sa tenga ko

"Kahit kailan basagulero ka!"

Napangiti naman ako kasi ang cute cute ni Xi ko

"Kasi bat ka sumasama sa ibang lalaki ei may boyfriend ka na?"

"Boyfriend? tsk"

Umiling iling ito at naglakad na paalis hinabol ko naman siya

"Oii Xi ko sorry na"

Habang hinahabol ko siya sinusuyo ko siya lahat pinagtitinginan kami yung iba natatawa yung iba kinikilig yung iba naman naiinis kasi naiinggit pero wala akong paki

"Xi ko sorry na"

Tumigil si Xi sa paglalakad kaya napatigil din ako teka parang may something na shit kalaban! agad kong hinila si Xi ko papasok ng pinaka malapit na building ang building 1. Niyakap ko si Xi ko

"Shhhhss Im here to protect you"

Maya maya pa rinig mo na ang sigaw ng mga nagkakaguling studyante sa labas kaya hinila ko si Xi ko paakyat ng 4th floor ng gusaling ito

*All students please calm down and proceed to your buildings NOW!*

Rinig na rinig yun dahil announcement yun .Mula sa kinalalagyan namin nakikita namin ang parating na mga taong nakaitim at sigurado ako mula sila sa black kingdom na pinadala ni Hades may limang taong nasa baba ngayon at kaharap nila ang mga faculty and  staff pati mga guards namin na mapakapangyarihan. Mukhang naguusap sila ano nanaman kayang kelangan nila sa Academy?

"Andito sila para kunin ako"

Nagulat ako sa sinabi ni Xi ko ano daw? teka ng lumingon ulit ako sa baba nakatingin silang lahat sa kinaroroonan namin buti nalang talaga at tinted itong bintana at hindi kami maikita mula sa baba

"Jao "

Lumingon ako kay Xi ko na ngayon ay nakaharap na sa akin

"Patulugin mo ako"

"Ha?"

Kinuha ni Xi ko ang kamay ko atsaka niya ito ipinatong sa likod balikat niya

"Ipitin mo ang pinaka malaking ugat ko sa leeg ng sampung segundo "

"NO!"

"Makakatulog lang ako hindi nila ako pwedeng makuha Jao kapag nakatulog ako mawawala ang aura ko at hindi na nila mararamdaman ang presensiya ko ng sa gayon umalis sila sa Academy ng walang nahanap na ako at hindi na babalik pa"

"Pero"

"Jao"

Ng lumingon ako ulit sa baba wala na sila duon kaya agad agad inipit ko ang ugat sa leeg ni Xi ko at unti unti hindi siya makahinga bibitawan ko na sana dahil nakikita ko siyang di maka hinga pero tumango ito at nawalan na ng malay buti nalang agad ko siyang nasalo. Binuhat ko si Xi ko at inilapag sa isang locker room atsaka ako naglakad paalis ng makarating ako sa 2nd floor naka salubong ko sila ng tignan ako ng isa sa mga black kingdom parang may kung anong dumaloy sa mga ugat ko parang may hinahanap siya na ano pero nawala din ito at saka sila dumiretsyo sa pag akyat tinignan naman ako ng mga teachers ng academy but I just ignore them at bumaba na sa ground.

Maya maya pa umalis na rin ang mga taga black kingdom at pagka alis na pag ka alis nila  binalikan ko agad si Xi ko at dinala sa clinic

"Magigising na din siya mamaya"

Sabi ng nurse kaya heto ako ngayon nakaupo sa tabi niya habang siya ay natutulog . Kinuha ko naman ang kamay niya atsaka ko ito hinalikan

"Everythings gonna be alright"

The Legendary PhoemWhere stories live. Discover now