CHAPTER 9

115 3 0
                                    


Xi POV

"JAOOOOOOOOOOOOO"

Hinahabol ko si Jao naglilibutan kami sa loob ng bahay

"Ano ba Xi ko, ilang beses mo na napanuod yang moana yang slamdunk na muna "

"NO!"

Hinabol ko pa rin siya ng hinabol kasi naman yung remote ko huhuhuhu lapastangan! Maya maya pa natison ako sa paa ng mesa kaya nadapa ako aw huhuhuhu

"Xi ko? okay ka lang?"

Lumapit si Jao sa akin at tinignan kung may sugat ako at meron nga sa tuhod ko

"Halika nga "

Binuhat ako ni Jao at pinaupo sa sofa tsaka niya nilinis ang sugat at sa wakas pinlay na niya yung moana

"Yessss!"

"Talagang handa kang masugat para lang makanuod ka ng moana no?"

Tumango tango naman ako . 2 weeks na simula ng tumira dito si Jao at nasanay na rin ako na kasama ko siya sa bahay at sa school

"Xi ko"

"Hmm"

"Aalis ako mamaya ah"

Napalingon ako kay Jao na nakatingin din sa akin

"Puntahan ko lang ang D' Highest Royals may meeting lang kami sa school babalik ako agad promise"

Tumango naman ako bahala siya diyan ahahaha pero lately hindi ko maintindihan yung sarili ko kasi may isang araw na hindi ko siya nakita kasi umuwi siya ng mansion nila tapos hindi ako mapakali gusto ko agad siyang makita teka am I falling foe him? Nononononononononono it an be No Im not. Napalunok ako ng bahagya at napalingon kay Jao na nanunuod na rin ng moana No it can be!

Kinabukasan medyo na late ako ng gising kaya agad akong lumabas sa kwarto and I notice wala si Jao so hindi siya umuwi kagabi mula sa meeting nila? agad agad nag iba ang timpla ng mood ko . Naligo ako agad at hindi na nagumagahan pa . Medyo late na ako ng dumating ako sa school kasi naman nag bus ako wala kasi si Jao tsk bahala nga siya diyan. Habang naglalakad ako papunta sa Building 3 nakita ko siya nakita ko sila si Jao kasama ang D'Highest Royals tumingin siya sa akin pero binawi niya agad ni hindi man lang ito ngumiti at parang iba ang aura  niya ngayon teka hindi niya ako nginitian? samantalang dati rati malayo palang ito ang lapad na ng ngiti nito. And you know what worst? hindu niya ako pinasin nilagpasan niya lang ako kasama ng grupo niya . Unti unti oarang dinudurog ang puso ko ,parang pinipiga ito teka naiiyak ata ako nagmadali akong naglakad patungo sa backyard sa may old magical fountain at duon tumulo ang luha ko umupo ako sa damuhan

"Canon"

Maya maya pa ay lumitaw si Canon sa tabi ko

*Roar

Humiga sa Canon sa tabi ko at siya namang hinaplos haplos ko habang umiiyak ako. Habang tinititigan ko si Canon mas lalo akong naiiyak bwisit ka Jao . Naiiyak ako kasi naaawa ako kay Canon kinulong ko siya dito sa Old Fountain oo dito mismo sa old magical fountain alam kong di tama pero ito lang ang paraan para mabuhay kaming dalawa hindi ko siya pwedeng kasama lagi dahil matutunton kami ng mga taga black kingdom kaya kelangan ko siyang ikulong dito kaya lagi akong pumupunta dito.

Maya maya pa ng maka recover na ako bumalik na ako sa building 3 at pumasok na sa last subject ko ngayong araw

"Kawawa naman iniwan na siya"

"Sabi ko naman sayo e , hindi sila magtatagal"

"Niloko lang yan"

Yan ang bulong bulongan ng mga studyanteng nadadaanan ko kanina at maging ng mga kaklase ko dito sa room habang naka tingin ako sa bintana napakuyom ang aking kamay na siya namang pagbagsak ng mga ceiling fans namin dito sa room. Nagsigawan silang lahat pero walang natamaan ng tignan ko sila lahat sila takot at hindi makapaniwala kasi ngayon lang nangyari sa room namin yun dahil ang mga studyante dito ay puro normal na tao maliban sa akin . Agad na tumakbo ang ilan naming kaklase para mag sumbong sa teacher at icheck kung anong nagyari at kung sino ang gumawa nito. Nilapitan naman ako si Ken

"Ayos ka lang?"

Tumango ako sa kanya pero umupo ito sa tabi ko dahil wala naman akong katabi ayaw nila akong tabi e

Maya maya pa dumating na yung mga teacher and staff at chineck nila ito

"May ibang studyante bang pumasok dito ?"

Tanong nung isang teacher . Tumayo naman si Ken at siya ang sumagot bilang siya ang president namin

"Wala po sir"

"Tama walang ibang studyante ditong pumasok dahil ang ginamit na kapangyarihan ay isang gravitational momentum na kayang kontolen ang mga bagay bagay sa lahat ng aspeto kaya niya itong patigilin ,pagalawin, pabilisin at walang studyante dito ang nagtataglay ng ganoong kapangyarihan dahil isa sa bawat limampung bilyong taong may kapangyarihan ang lamang ang nagkakaroon ng gantong kapangyarihan."

Sabi naman nung isa pang teacher

"Ano pong ibig sabihin nio maam?"
-Ken

"Kung walang ibang pumasok dito ibig sabihin isa sa inyo ang may gawa nito"

"Pero maam nasa building 3 po kayo lahat po ng studyante dito ay normal na tao"
-Ken

Napabuntong hininga ying teacher maya maya pa umalis na rin sila at pinauwi na kami

"May maghahatid ba sayo?"

Nagulat akos a tanong ni Ken may maghahatid ba sa akin? di nga siya umuwi ng gabi hindi niya rin ako pinansin buong araw ano ineexpect ko na may maghahatid pa sa akin? Nagkibit balikat lang ako at nagsimula ng maglakad . Ng nasa tapat na ako ng field may humabol sa akin si Ken lang pala

"Halika na ihahatid na kita"

Hinila ako ni Ken palabas ng Academy at pinasakay sa kotse niya

"Saan ka nakatira?"
Sinabi ko kung saan ako nakatita pero nagpababa ako sa kung saan ako bumababa ng bus nagpumilit pa ngang ihatid ako pero hindi ako pumayag kaya heto ako naglalakad pauwi ng bahay
pagdating ko sa bahay andun pa rin ang mga gamit ni Jao tsk nakakainis siya hindi niya ako pinansin kanina pati sa lunch hindu niya ako sinundo bahala siya sa buhay niya nakakainis siya

"Argh!"

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng maramdaman ong may ibang tao sa labas ng bahay ko . Unti unti sinilip ko ito sa bintana at nakita ko ang ilang may kapangyarihang tao sa labas ng bahay ko kaya lumabas ako para harapin sila bago pa nila sirain ang munti kong bahay

"Sino kayo?"

Tanong ko sa tatlong lalalking nasa harap ko

"Ikaw ba si Xi?"

Tanong ng isa sa kanila

"Oo ako nga anong kelangan niyo?"

Imbis na sagutin nila ako pinaulanan nila ako ng kutsilyo at natamaan ako dahil may pumulupot na mga halaman sa paa ko syet nasugatan ata ako sa braso pisngi at tiyan . Pinuwersa kong tanggalin ang paa ko mula sa mga halaman at tumalon ng bahagya para maka lipat ng mas maluwang na pwestong malayo sa bahay ko. Paano ko sila lalabanan? hindi ko pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko maliban sa gravitational momentum na likas na kapangyarihan ko dahil nagagamit ko lang ang ibang kapangyarihan ko kapag nasa loob ako ng mahika ng old fountain . Matutunton ako ng mga black kingdom kapag gumamit ako ng powers . Tumakbo ako palayo sa bahay kaso nasa tabi nga pala ako ng gubat at ang malala yung dalawa sa tatlong yun elementalist ng gubat  malas malas malas.
May humapas sa aking sanga buti nalang nasalag ko ito syet wala akong makitang gamit at hindi ko sila pwedeng labanan dahil baka mapatay ko sila at pag nangyari yun parang pinatay ko na rin ang sarili ko, mabuti nang mamatay ako ngayon dito. Naramdaman kong may humapas na malaking sanga sa likod ko kaya napa dapa ako sa lupa agad namang mga pumulupot sa kanan kong braso na halaman at piniga ito ng pagkahigpit higpit

"Awww!"

Ang sakit parang nadurog ata ang buto ko .Jao asan ka na?

"Akala namin malakas ka pero hanggang diyan ka lang pala "

Umalis na ang tatlong lalaking yun sino ba sila bat ba nila ako binulabog? anong kelangan nila sa akin? maya maya pa wala na akong maramdaman at makita Jao asan ka ngayong kelangan kita?

The Legendary PhoemWhere stories live. Discover now