Prologue

282 73 71
                                    


DISCLAIMER

This story has mature themes and strong language that you might find disturbing. Reader discretion is advised as you proceed. 

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

However, there are some characters here that truly exist in real life because this is requested by my best friends that is why I included them in this story.

This is also dedicated as a birthday gift to Kristine Rimpula, one of my best friends, the main character of this book. Hopefully, she will like it. I love you!

By the way, to also avoid confusion, Kristine, Kristina, Tine, Dianne, or Dana is the same person. In real life, we often call her different names.

Happy Reading

P.S

The amateur writer is on the loose!

——————————————————

"Tanginang alarm 'yan walang kwenta."

"Ano'ng oras ka uuwi?" tanong ko sa kaniya habang pinapanood siyang natatarantang ayusin ang dapat dalhin.

"I'll be back maybe before dinner. I'll text you." Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako bago binuksan ang pinto. "O, sige na. I'll see you later at late na talaga ako," sambit niya. Tipid ko siyang nginitian at tumango.

Sinundan ko siya palabas, at naabutan kong nagmamadali siyang sumakay sa kotse niya. Bumusina muna siya sa'kin bago umalis. Pinanood ko naman kung paano lumiit sa paningin ko ang kotse ni Claude.

Tinanaw ko muna iyon para masiguradong nakaalis na siya bago ko tinawagan si Riley habang pabalik na'ko sa loob ng apartment.

"Hello?"

"Riley! Nasaan ka na ba?"

"Malapit na'ko. Mamaya na at nag da-drive ako."

"Okay, sige. Bilisan mo," sabi ko bago ko binaba ang tawag.

Kabado ako habang hinihintay siya kaya nilibang ko muna ang sarili sa panonood ng TV. Maya-maya narinig ko na siyang kumatok bago niya binuksan ang pinto.

Nilakasan ko ang volume ng TV na ikinataka naman niya. "Ano ba'ng meron at parang nagmamadali—" hindi ko na siya pinatapos at hinila ko siya paakyat sa kwarto at tinulak sa kama.

"Hoy, anong kalokohan ba—" Hindi ko siya ulit pinatapos ng pumaibabaw ako bago siya marahang hinalikan. Ramdam ko ang gulat niya dahil sa ginawa ko.

Hinwakan niya ako sa beywang para suportahan ang aking bigat. Hinalikan ko siya sa panga pababa sa leeg niya. "Kristine," I could already hear the frustration in his voice. "Mali 'to."

"Fucking shit!" Sinabayan ko ng pagsinghap ang pagmumura ni Riley. Agad niya akong tinulak palayo kaya napa-upo ako sa kama nang biglang bumukas ang pintuan.

"Riley?" Nakatayo si Claude roon at agad napalitan ng galit ang pagtataka sa mga mata niya. Nakita ko kung paano umigting ang panga niya. "What the actual fuck are you doing with my girlfriend!?"

Bago niya pa masugod si Riley ay agad akong pumagitna para pigilan siya. "Dude, seriously I have no idea—"

"Ano'ng no idea?! Ginagago mo ba ako? Kitang-kita ko, Riley! Tangina mo!" Hindi kinaya ng lakas ko para pigilan si Claude kaya nasapak niya ang pinsan niya.

"Claude, ano ba! Tumigil kana sabi, e!" sinigawan ko siya na agad na nakapag-paawat sa kaniya. Parang ngayon niya lang napagtanto na kasama rin pala ako sa eksena. "Riley, please iwan mo muna kami rito," mahinahon kong pakiusap.

"Gladly!" sarkastikong sagot niya bago tumayo habang pinupunasan ang sugat niya sa pumutok na labi.

"Hindi pa tayo tapos," banta pa ni Claude. Tinignan muna ako ni Riley nang mabuti, at halatang nanghihingi ng paliwanag pero tumingin lang ako sa baba. Doon na siya nagpasyang lumabas ng kwarto at iniwan na kami.

"What the fuck was that, Kristine?"

"Akala ko ba mamayang gabi pa ang uwi mo?" nanginig ang boses ko sa sariling tanong habang nakatingin pa rin ako sa sahig.

"Naiwan ko 'yung blueprint. Kung hindi ko pa 'yon naiwan, wala akong kaalam-alam na ginagago niyo na pala ako," dinig ko ang galit sa tono ng boses niya. Natahimik ako sandali.

"I'm breaking up with you."

"What?" Buong tapang ko nang tinignan pabalik ang mga mata niyang puno ng galit. Agad na napalitan iyon ng takot at kaba.

"Tapusin na natin 'to at pagod na'ko magpanggap," tugon ko. Sarkastiko siyang natawa at napa-upo sa kama dahil sa panghihina. Nakatukod ang mga siko niya sa magkabilang tuhod. Natahimik lang kami ng ilang minuto.

Bigla siyang tumayo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Baby, bakit? Okay naman tayo kanina ah? 'Wag mo naman akong iwan bigla nang ganito," he said in desperation.

Marahas kong tinanggal ang mga kamay niya. "Claude, huwag ka ngang tanga! 'Wag ka nang magmahal ng babaeng may mahal namang iba! Tigilan mo na ako."

Nakita ko kung paano unti-unting naipon ang luha sa mga mata niya dahil sa mga salita ko. "No, you're probably lying," pangungumbinsi niya sa sarili.

"I'm not," malamig kong sagot. "Seryoso ako, Claude," tulala lang siya parang nahihirapan intindihin ang mga sinabi ko.

Napabuntong-hininga na lang ako bago tinanggal ang kwintas na bigay niya. May dalawang pendant ito, isang eroplano at isang letter 'K'. Kinuha ko ang kamay niya at nilapag ito roon.

Tinitigan niya lang ito habang tumutulo ang mga luha niya. "I'm sorry kung sa ganitong paraan mo pa nalaman ang totoo," sabi ko nang walang emosiyon bago ko siya iniwan doon.

I'm sorry...

————————————————

Kristine's Wattpad account: siraoulongcute

Written on May 9th, 2020

Spontaneous Love (Love Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon