Chapter Five

151 73 78
                                    


Ilang araw na ang lumipas. Ilang araw na rin akong nag-iisip. Si Meg naman tuloy pa rin ang buhay kaya iniiwan niya ako sa apartment kapag pupunta siyang trabaho. Umuuwi siya bago mag-gabi o minsan ginagabi na siya dahil sa traffic.

"Stalk pa more!" pang-aasar niya pagkahiga niya sa tabi ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-scroll ng mga picture namin ni Claude rati sa may album na ginawa niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinatay ang cellphone. "Namimiss ko siya, bakit ganoon?" Tumitig ako sa kisame.

"E, si Riley? Nami-miss moba?" Araw-araw, ina-update ako ni Riley sa mga ginagawa niya. Alam ko namang naiintindihan niya kung bakit hindi ako nag-re-reply. Medyo kinikilig ako kasi ang clingy niya.

"Oo, naman. Parang gusto ko na nga umuwi, e."

Humarap naman siya sa'kin at tinukod ang siko para suportahan ang bigat ng ulo niya. "Ano'ng naramdaman mo no'ng umuwi siya? Did you feel relieved or bothered?"

"Masaya, syempre. Siguro nagtampo lang ako nang kaunti kasi feeling ko kung hindi pa kami nag-away ng ganoon baka hindi pa rin siya uuwi."

"Hindi ka sure." Tumaas ang mga kilay niya na parang nang aasar. "Feeling ko balak na talaga niya umuwi. Kaya nga may singsing, e."

Parang nasaktan ulit ako nang maalala ko iyong luhaan niyang mukha habang pinapakita sa'kin ang singsing. "Ano namang naramdaman mo roon sa DM sa'yo nung Holly?"

"Kinabahan. Masakit din. Disappointed."

"Bakit ka kinabahan?" tanong niya. Kinunutan ko siya ng noo.

"Meg, malamang ikaw ba naman lokohin ng jowa mo," tugon ko. Tinawanan niya naman ako. "Hiniling ko pa nga na sana panaginip na lang 'yon."

"Bakit ka disappointed?"

"Hindi ko alam kung tinatanga mo na lang ako sa mga tanong mo. Malamang! Kayo nga hindi ma-imagine na nagawa ni Riley 'yon. Paano pa ako?"

"Bakit masakit?"

"Malamang mahal ko eh!"

"O, 'di ba? Ganoon lang dapat ka-simple. Kasi kung si Claude talaga mahal mo, you should've felt relieved that he cheated. Dahil katulad ng sinabi ni Riley, magkakaroon ka na ng dahilan para hiwalayan siya."

Malalim akong napa-isip sa sinabi ni Meg. May point nga siya. "Alam mo ramdam ko namang si Riley na. Hinihintay ko lang na ikaw ang maka-realize pero ang tagal!"

Hinampas ko naman siya ng unan dahil feeling ko inaasar niya ako pero tinawanan niya lang ako. "Hindi mo naman magagawang mahalin si Riley in the first place kung si Claude pa rin ang hinahanap ng puso mo, e."

"E bakit ako nasaktan noong nag-drama kami sa condo?" nalilito kong tanong.

"Dahil sa guilt. Nagi-guilty ka kasi hiniwalayan mo siya rati tapos ngayon hindi mo siya mabibigyan ng chance dahil may mahal ka namg iba. Or siguro hanggang ngayon nagi-guilty ka pa rin sa ginawa mo rati."

Napabuntong-hininga ulit ako at niyakap ang isa sa mga unan. "Alam mo kasi, Tine, hindi naman puwede na dalawa ang mahal ng puso natin. 'Yung isip mo lang talaga ang nagpapalito sa'yo."

"Ano nang gagawin ko ngayon?" Para na talaga akong naliligaw sa dami ng iniisip ko. Hindi ko na alam ano ba ang dapat kong gawin.

"Give your relationship with Claude a proper closure. Tapos sa Sabado ihahatid kita sa QC."

***

"Sa itsura pa lang ng mukha mo, parang alam ko na kung saan papunta usapan na'tin." Napabuntong-hininga ako nang bigyan niya ako ng malungkot na ngiti.

Spontaneous Love (Love Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon