Chapter One

198 71 145
                                    


"Sige na, love. Kailangan ko na maligo at may flight pa ako mamaya. Matulog ka na rin. Halata namang inaantok ka na dahil sa tono ng boses mo," natatawa niyang sinabi habang naka-call kami. 

"Okay, sige. Chat ka mamaya ah?" pagpapaalala ko.

"Oo naman. By the way, love, alam kong diet ka pero kumain ka pa rin nang maayos. Okay?" napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Pero paano kung hindi ako kumain nang maayos? Babalik ka na ba?" 

"Love, naman—"

"Oo na! Oo na! Alam ko na sasabihin mo. Sige na, maligo kana."

"I love you."

"Tukmol ka talaga kahit kailan. Kapag ganitong usapan, doon ka lang talaga marunong magsabi ng I love you, 'no?" narinig ko namang tinawanan niya lang ang sinabi ko.

"I'll consider that as your I love you too. Bye, love, I'll talk to you later."

Napabuntong-hininga naman ako nang tapusin na niya ang tawag. Kahit dalawang taon na kaming LDR ang hirap pa rin. Palagi niyang sinasabi na pangarap niyang maging piloto sa Delta Airlines dahil doon gusto maging piloto ng daddy niya.

Unfortunately, his dad passed away kaya gusto niya siya na lang magtutuloy ng pangarap na iyon. Sinasabi rin lagi ni Riley na para rin daw sa future namin kaya hinayaan ko na lang kahit mahirap.

Kahit sobrang hirap.

Nakilala ko si Riley noong college pa ako. Naging boy best friend ko dahil laging kaming nandoon para sa isa't isa. Hindi naman mahirap mahalin si Riley dahil parang walang kahit ano'ng nakaka-turn off sa kaniya.

Gwapo, may pangarap, sobrang bait, caring, matiyaga, understanding, matalino, malinis sa katawan, basta lahat na! Parang iyong oras lang talaga ang kalaban ng relasiyon namin.

Naiwan ako rito sa unit magmula nang lumipat na siya ng airline. It's hard because I often feel lonely kahit ginagawa niya ang best niyang makahanap ng oras para tawagan ako. Mahirap din dahil oras ng pagtulog ko ay siya namang paggising niya. Hindi naman ako puwede sumama dahil noong time na 'yon, kakasimula ko pa lang dito sa Philippine Airlines.

Living my dream really made me happy. Hindi ko lang maiwasan malungkot dahil hindi lang naman si Riley iyong nami-miss ko. Lahat kami busy na kaya pati pamilya't kaibigan ko nalayo na sa akin.

Kinabukasan hinanda ko na ang sarili para sa trabaho. Maaga akong gumigising kasi matagal ako mag-prepare dahil kailangan presentable ako. Pagkatapos mag-make up ay sinuot ko na ang scarf ko at inayos ito. Tinignan ko ang sarili sa salamin at nag-practice ng ngiti para hindi halatang peke mamaya.

Nasa kalagitnaan na ako ng pamimigay ng meals sa mga pasahero. "Enjoy your meal, ma'am." Nakakangalay rin sa panga ang pagngiti.

"Enjoy your meal, sir—" agad akong natigilan ng mag-angat siya ng tingin sa'kin. Bago pa siya makapagsalita ay tumungo na ako sa susunod na pasahero.

Punyeta.

Bakit siya nandito?!

"Tine, can we talk?" Kinakabahan ako habang inaayos ang mga gamit sa airplane service trolley. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Dapat nasa first class siya ah? Ano'ng ginagawa niya rito?!

"Tama ba na binabastos mo pasahero niyo?"

Napabuntong hininga ako bago umayos nang tayo para harapin siya. "Sir, if you're looking for the bathroom you just have to turn right over there." Pormal kong tinukoy ang daan. "Otherwise, please go back to your seat." Pilit ko siyang nginitian.

Spontaneous Love (Love Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon