Habang palabas ako ng building kinuha ko ang cellphone para tumawag."O, bakit? Miss mo'ko?" bahagya akong natawa dahil sa bungad ni Meg nang sagutin niya ang tawag ko.
"Puwede bang makituloy muna ako d'yan sa apartment mo?"
"Oo naman. Pero bakit-"
"Sige, papunta na'ko." Binabaan ko na agad siya ng tawag dahil hindi pa'ko handang sagutin ang mga tanong niya. Malamang raratratin na naman ako nito.
Nag-book na lang ako ng Grab at sinabi ang address. Pagkarating ko, naka-abang na agad sa labas ng gate si Meg. "Hoy? Maleta talaga? Dito ka na titira?" Tinulungan niya akong ipasok ang mga gamit sa loob pagkatapos ko magbayad sa driver.
Hinagis ko ang sarili sa sofa ng living room niya. "Wala kang balak magkwento?" Tinaasan na niya ako ng kilay habang nakasandal sa pader at nakahalukipkip.
Para namang gusto ako nitong sapakin.
"Shower muna ako," sambit ko at inabala ang sarili sa pagkuha ng toiletries.
"Tigil-tigilan mo nga ako. Anong shower-shower ka d'yan? Hindi uso 'yon sa'yo. Ano ngang problema?"
Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala akong takas. Tinignan ko na lang siya pabalik. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa'ming magka-kaibigan, kahit hindi si Meg ang ahead sa edad, siya naman ang parang nanay.
Nagtaka naman ako nang bigla siyang pumunta sa kusina nang hindi ako makapagsalita. "Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Kumain na'ko kanina," tahimik kong sagot.
"Kain ka ulit," sambit niya habang naghahain sa lamesa.
"Diet ako."
"Wala akong paki. Kumain ka rito." Napabuntong-hininga na lang ako at sumunod. May nakahain ng chop suey at pritong tilapia sa lamesa.
Kumuha na lang ako ng chop suey pero walang kanin. Nagkamay naman si Meg para hindi raw siya mahirapan sa paghiwalay ng tinik.
"Kahit gustong-gusto kong malaman ano nangyari, hahayaan muna kita. Mukhang pagod na pagod ka e. Basta bukas magku-kwento ka," aniya habang sinasawsaw ang isda sa toyo at kalamansi.
These past few months were just emotionally tiring. Nagdesisyon akong huwag na muna pumasok sa trabaho dahil baka madala ko pa ito roon.
Nang matapos kumain, niligpit ni Meg ang pinagkainan namin. "Ako na maghuhugas." Tumayo ako para kunin sa kaniya ang mga pinggan.
Hinayaan na lang niya ako at naghugas siya ng kamay. Pinunasan niya ang lamesa habang ako nagsimula na maghugas ng mga pinggan. "Hot choco? Gusto mo?"
"Wow, naman. May pa-hot choco," sabi ko. Tinawanan niya lang ako habang binubuksan ang cabinet para kunin ang ilang pakete ng hot choco.
"Bumili ako Swiss Miss kasi may kasamang libreng tasa na ceramic." Tumabi ako nang kumuha siya ng tubig para ilagay sa electric kettle.
"Ano ba naman 'yan, Meg. Walang pinagbago." Winisikan ko siya ng tubig.
"Pwe!" Pinunasan niya ang mukha gamit ang collar ng shirt niya. "Gano'n talaga."
BINABASA MO ANG
Spontaneous Love (Love Trilogy #2)
Short StoryLove Trilogy #2 "Siya pa rin ba?" bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong niya. Dahil kahit ako sa sarili ko ay nalilito na rin. Kristine Dianne Rimpula, a flight attendant in Philippine Airlines, unexpectedly met her ex on a flight from Wash...