Chapter Three

177 74 146
                                    


"Wala akong choice. Parang tagumpay mo naging kalaban ng pagmamahal ko sa'yo."

Mukha na kaming tanga habang umiiyak dahil pareho naman naming hindi ginusto ang nangyari. I bowed my head and held the bridge of my nose while my wet hair slightly covered my face.

"Hindi mo kailangang sisihin mommy mo dahil tama naman siya. Kung hindi kita hiniwalayan, wala ka ngayon sa narating mo." Tinignan ko siya at nginitian. "Proud ako sa'yo, Engineer."

"Ang hirap naman."  Sinubukan niyang punasan ang mga luha niyang patuloy na tumutulo gamit ang likod ng kamay niya. "Ang sakit-sakit ng ginawa mo pero mas masakit 'yung talo ka na nga noon tapos ngayon, kahit hindi pa'ko nagsisimula parang talo na ulit."

Lalo akong nasaktan sa mga sinabi niya. Bakit ba'ko nasasaktan nang ganito? "Alam mo kung bakit nahihirapan akong iwanan ka ngayon?"

Lumapit siya sa'kin at tinanggal ang kamay na nakatakip sa mukha ko. Inayos niya ang buhok ko at saka ako tiningala  para punasan ang mga luha ko.

"Hahayaan naman kita kung nakikita kong masaya ka na. Paano kita iiwan kung nakikita kong nalulungkot ka mag-isa?"

Kainis naman. Nanghihina na lang akong sumandal sa dibdib niya habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"It's painful for me to see how you want to build back your relationship with my cousin while it's slowly falling apart. Nag-breakdown ka kagabi sa harapan ko. Alam mo ba kung gaano kasakit para sa'kin makita kang gano'n?"

Kaunti lang ang naalala ko sa mga sinabi ko kagabi pero naaalala kong umiyak nga ako. It's hard to accept the fact that sometimes I just want to pretend that everything's okay. That we're okay.

Kahit ramdam kong unti-unti na siyang nawawalan ng oras sa'kin. Kahit parang minsan naramdaman kong napipilitan na lang siyang tumawag para hindi kami mag-away.

"But you know what? I'm also proud of you," he whispered loud enough for me to hear. "You finally earned your wings. You are now a strong independent woman."

Hinila niya ang upuan palapit sa'min para umupo sa tapat ko. "After four years, Tine... ikaw pa rin. I would do anything I can to have you back. If you'll just let me." He looked at me with hopeful eyes.

Napabuntong-hininga siya habang pinaglalaruan niya ang mga kamay ko. "Pero kung siya pa rin, lalayo naman ako e. Basta masaya ka, masaya na rin ako... kahit hindi ako 'yung kasama mo." Malungkot niya akong nginitian. Then he silently kissed my forehead.

Ang gasgas na nung sinabi niya pero siguro ganoon talaga kapag mahal mo.

Sa sumunod na buwan dumistansya na si Claude dahil... umuwi na si Riley. Nang magkaayos kami, sabi niya sa'kin babawi na siya. Kaya nagdesisyon siyang umuwi. Feeling ko nalaman niya rin na umuwi na si Claude rito sa Pilipinas.

"Lab!!" sigaw ko para makuha ko ang atensyon niya.

Napalingon naman siya agad sa'kin at ngumiti. Naglakad siya papalapit sa direksyon ko habang hila-hila ang maleta niya. Sinalubong ko agad siya ng yakap at niyakap naman niya ako nang mas mahigpit.

"God knows how much I fucking missed you." I felt him kissed the top of my head.

"Same," sambit ko nang kumalas na'ko sa yakap. Then he gave me a soft kiss.

"No'ng narinig ko boses mo, alam ko na agad na ikaw 'yon. Kahit nakakainis minsan boses mo, nakaka-miss din pala."

"Basher ka rin, e. Hindi naman gano'n katinis boses ko." Tinawanan niya lang ako at ginulo ang buhok ko bago niya ako inakbayan. Kumain muna kami bago kami umuwi sa condo.

Spontaneous Love (Love Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon