Epilogue

179 71 112
                                    


Napasapo naman ako sa noo ko at nabubuo na ang dahilan sa isip ko kung bakit siya nag-cancel. "Paano mo naman nalaman?"

"Doesn't matter. I understand if you chose him. Don't worry magbu-book na'ko ng flight-"

"Hala, dios mio naman. Riley, mali 'yang iniisip mo! Nakipag-meet ako sa kaniya to give us closure!"

"Closure pero may pa-forehead kiss?"

"It was like a... goodbye kiss. Walang malisya sa'kin 'yon! At hindi ako pupunta rito sa Ninyo kung siya talaga pinili ko."

"What? Nasa Ninyo ka ngayon?"

Lalo lang ako nase-stress sa kaniya. "Malamang, Riley! Kaya ko nga nalaman na cancelled 'yong reservation mo!" I massaged the bridge of my nose because of frustration.

"Oh, God. This is so messed up."

Dinig ko ang frustration sa tono ng boses niya. "Advance ka kasi mag-isip. Dapat tinanong mo muna ako bago ka nag-cancel."

"I assumed it dahil wala ka man lang text na pupunta ka!"

"E gusto sana kita i-surprise! Malay ko bang ako pala ang masu-surpresa rito." Nakita kong natatawa na lang si Meg sa'min kaya sinubukan ko siyang sipain pero naka-iwas naman si gaga.

"Kumain ka na ba?"

"Ano ba'ng tanong 'yan? Sa tingin mo kakain ako bago pumunta rito for dinner? Alam mo, Riley, kaunti na lang talaga mauubos na pasensiya ko sa'yo. Baka magbago pa isip kong pakasalan ka," malakas namang tumawa si Meg dahil sa banta ko pero hindi ko na siya pinansin.

"What?! Wait! 'Wag naman gano'n, love. I'm trying to make a new plan here."

Sinubukan kong pigilan ang tawa ko nang marinig ang panic sa boses niya. "O, ano na? Ano nang balak mo sa buhay?"

"Pakasalan ka."

"Oo, alam ko. E nasaan na 'yung singsing ko?" Syempre, kunyari galit pa rin ako kahit kinilig ako sa sinabi niya.

"E kung umuwi ka na lang muna rito, love? Balik na lang tayo bukas-"

"Puwede naman kung papayag kang magpabugbog kay Meg." Napatingin naman agad sa'kin ang kasama at tinaasan ako ng kilay. "Balik na lang daw kami bukas." Nilayo ko nang bahagya ang phone para masabi 'yon sa kaniya.

"Ano?!" Agad niya namang kinuha ang cellphone sa'kin. "Hoy, Riley! Ako naghatid dito sa jowa mo. Hirap na hirap kaming hanapin 'tong restaurant na 'to tapos papabalikin mo lang bukas?! Ako mismo magtitigil ng kasal niyo, sinasabi ko sa'yo."

Kinuha ko naman agad ang cellphone dahil baka kung ano pa'ng i-banta ni Meg. "Bilhan mo na rin 'yang jowa mo ng kotse!" pahabol niya pero lumayo ako agad.

"O, ano na?"

"Fuck, kasama mo pala si Meg? Paki-sabi sorry. Okay, so here's the plan, mauna na kayong kumain. Baka ma-traffic pa'ko papunta d'yan kaya 'wag niyo na'ko hintayin. May iba na lang tayong pupuntahan."

Napatingin naman ako sa orasan ko at nakitang malapit na mag 9:00 PM. "Okay, sige. Bilisan mo."

"Eat whatever you guys want. Peace offering ko na rin kay Meg. Ako magbabayad pagdating ko."

Spontaneous Love (Love Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon