"Hi, miss! What's your name?" Lumapit sa tainga ko ang lalaki para magkarinigan kami mula sa dumadagundong na tugtog."Ha?! Pangalan ko?" tanong ko. Tinanguan niya naman ako habang tumatalon at sumasayaw ang mga tao sa paligid. Hinila ko naman si Ella na napatili. "Sorry! May boyfriend na kasi ako! Ito na lang landiin mo!" lasing kong sagot kay kuyang matangkad.
Yummy sana pero syempre mas yummy pa rin naman boyfriend ko.
Bumalik muna ako sa table namin para mag pahinga muna at nahihilo na'ko. "Hey! Okay ka lang, Tine?" pasigaw na tanong ni Hannah na sinundan pala ako.
Tumango lang ako sa kaniya kaya bumalik naman siya sa dance floor.Kahit anong paglalasing ata gawin ko naiisip ko pa rin siya. Halos dalawang buwan ng nangungulit si Claude tapos nag-away pa kami ni Riley. Ang hirap naman kapag ang haba ng hair. Char! Pero seryoso nakaka-stress!
"O? Uso na pala tumawag sa'yo?" I answered the phone sarcastically.
"Love, I'm so sorry. Sobrang busy talaga nung mga nakaraang linggo dahil ako ang na-assign para magturo sa primary flight training."
"Pati text man lang? Nakalimutan mo na bang may girlfriend ka?" Mahihimigan mo na ang irita sa tono ng boses ko.
"Love, naman. Pagod na ako. Ang daming ginagawa rito pati ba naman ikaw? Dadagdag pa?" Ramdam ko kung paano niya pinilit maging mahinahon.
"Punyeta, Riley. Pareho lang naman tayo. Pagod din ako! Simpleng reply lang naman hinihingi ko. Sorry ah? Sana hindi ka na lang tumawag para hindi na'ko dumagdag." Binabaan ko siya ng tawag bago pa siya makapagsalita.
Nagsalin ulit ako ng panibagong shot saka ko ito tinungga. Kahit ano atang alak inumin ko, hindi ko naman makakalimutan mga problema ko, e.
"Hello, Ate Joan? Bakit?" Nagtaka ako nang tumawag ang katulong namin na nag-aalaga sa mga magulang ko.
"Tine! Inatake na naman ang mommy mo."
Agad akong napabangon dahil sa sinabi niya, "Hala, bakit na naman?"
"Pasensya na, Tine, ah? Makulit kasi ang mommy mo. Sabi niya gusto niya raw magtrabaho kasi nahihiya raw siya para iasa na lang lahat sa'yo. Dahil na rin sa pagod at init ng panahon kaya inatake."
"Ate Joan, naman. Kaya ayaw kong magtrabaho si mommy dahil ayan ang possibleng mangyari."
"Tine, sorry talaga. Hayaan mo pipigilan ko na ang mommy mo sa susunod. Pero, Tine, kaya ako tumawag..." alam kong medyo nahihiya pa siya sa sasabihin. "Medyo malaki kasi 'yung hospital bill."
"O, sige. Magpapadala na lang ako bukas."
"Nako, Tine. Pasensya na talaga ah?"
"Sige, okay lang. Salamat, Ate Joan." Binaba ko na ang tawag at naiyak na lang ako bigla. Okay lang talaga.
Nilabas ko ang cellphone at nakitang maraming missed calls si Riley at texts. Kung kailan kami mag-aaway roon lang siya magiging ganiyan? E'di sana pala lagi na lang kami nag-aaway.
Claude was always there. Sinusundo-hatid niya ako kahit sinusungitan ko siya. Nagpapadala ng pagkain kapag day off ko. Hindi ko maiwasan na matuwa sa effort niya dahil ang haba ng pasensiya niya.
BINABASA MO ANG
Spontaneous Love (Love Trilogy #2)
Short StoryLove Trilogy #2 "Siya pa rin ba?" bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong niya. Dahil kahit ako sa sarili ko ay nalilito na rin. Kristine Dianne Rimpula, a flight attendant in Philippine Airlines, unexpectedly met her ex on a flight from Wash...