BONUS CHAPTER

139 63 32
                                    


"O, bakit?"

"Hello? Nasaan ka? Puwede ka ba pumunta rito sa apartment ni Claude?"

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Nandito ako sa bahay. Bakit? Ano namang gagawin ko d'yan?"

"Basta. Punta ka na lang."

Binabaan niya na'ko ng tawag. Nakakunot pa rin ang noo ko dahil wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ako papapuntahin doon. Isu-surprise niya ba si Claude tapos magpapatulong siya sa'kin?

Hiniram ko ang kotse ni kuya dahil tinatamad ako mag-commute. Medyo malayo kasi 'yon mula rito sa bahay.

Pagdating, nagulat ako nang dalhin niya ako sa kwarto ni Claude. Bigla na lang niya ako hinalikan. What the fuck is happening? This is so not her. "Kristine." I frustratedly breathed out. "Mali 'to."

Kahit pa gusto ko siyang mahalikan, may respeto pa rin ako sa relasyon nila ng pinsan ko. If I wanted to kiss her, I never wanted it to be this way.

"Riley? What the actual fuck are you doing with my girlfriend!?" Sobrang bilis ng mga pangyayari! Parang kanina lang kausap ko si Tine sa cellphone tapos ngayon nasapak na'ko ng pinsan ko.

I'm innocent to all this for God's sake!

Pagkalabas ko ng kwarto, dumiretso ako sa loob ng kotse. I stared at the steering wheel trying to process everything that just happened. I was startled when Kristine suddenly got into the passenger's seat.

She had a handkerchief covering her eyes as she pressed it on the bridge of her nose. I was hesitant to ask what the fuck was happening as she silently cried.

I sighed and decided not to ask. "Where do you want to go?"

"Kahit saan basta i-layo mo'ko rito."

Dumaan muna kami sa isang drive thru at bumili ako ng dalawang burger at drinks bago ko siya dinala sa condo kung saan ako nakatira. I took us to the rooftop because I think the sunset could relax her a bit.

Habang kumakain, she looked at me as if she remembered something. "Kamusta pala 'yang sugat mo? Pumutok ba labi mo?" I chuckled at her question.

"Don't worry, I'm fine." I paused and was still hesitant to ask but I still did. "Tine... what did just happen?" I silently asked.

She sighed and depressingly looked at the sunset. Then she gave in and told me everything about what Claude's mom said. She told me that this was the only way she could think that could cause their breakup.

"I'm sorry kung biglaan kasi alam ko hindi ka papayag kung sasabihin ko sa'yo." She's right. I guess she knows me well.

"Alam mo talagang babalik si Claude?"

Tumango naman siya sa'kin bago kumagat sa burger. "Tinago ko 'yung blueprint. Pinatay ko rin ang alarm niya para mataranta siya, at 'di niya mapapansin na naiwan niya 'yung blueprint. Nilakasan ko talaga volume ng TV para 'di mo marinig na bumalik siya. Dahil malamang magkakaroon ka ng oras para itigil ang ginawa ko sa'yo."

Napabuntong-hininga na lang ako dahil kahit gusto kong mainis sa kaniya, naiintindihan ko kung bakit niya nagawa 'yon kaya hindi na lang ako nagsalita.

Spontaneous Love (Love Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon