"Tangina! late na tayo!""Hoy! akin yan"
"Bakit kasi pakalat-kalat yang bra mo!"
"Kasalanan ko?! hahahaha"
Napamulat ako ng marinig ang ingay sa baba, agad kong nilingon ang wall clock para malaman kung anong oras na. Omygosh!
Alas syete na.
Dali dali akong tumayo saka pumasok sa banyo at mabilisang naligo. Hindi na ako naka kanta gaya ng lagi kong ginagawa. Bat kasi hindi na naman gumana ang alarm clock ko? o sadyang pagod lang ako kagabi kaya hindi ko narinig na tumunog? napangisi nalang ako saka bumaba.
"Wow! uy pera! ikaw na mag linis dito at kami naman ang maliligo" mag rereklamo pa sana ako ng tumakbo na silang dalawa sa kanilang kwarto.
Tamad kong pinasadahan ang kabuuan ng condo, naging mistulang kulungan na ng baboy. Shit. Nag kalat ang mga damit, mga plastick bottle, bote ng beer at mga pinag balutan ng chichirya.
Nag simula na akong dumampot ng mga kalat at kinuha ang spray para hindi maging mabaho ang lugar namin. Nag damputin ko ang isang damit panglalaki dahil sa matapang na amoy nito ay may nalaglag na isang calling card.
'Asprid Deliora'
---
"Oh! sinong mag dadrive?" tanong ni Kutsilyo sabay tapon ng susi sa harapan namin.
Napag usapan kasi namin na isang sasakyan lang ang gamitin para makatipid sa gasolina, dahil malapit ng maubos ang pera naming tatlo
kaka bar.Nang lingunin ko si Calli ay parang inaantok kaya inis ko siyang sinipa at dinampot ang susi saka lumabas.
Deredretso kami sa harap ng elevator, at ng bumukas ito ay pumasok na kami, silang dalawa ay nasa gitna. Wala akong balak pumindot kaya hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Pindutin niyo na" tamad na sabi ni kutsilyo.
Aba. Nakaka ilang utos na to ah? tss.
"Tangina! ano ako? yaya? yaya?" inis na bulyaw ko ng sabay silang tumingin sakin.
"Malapit ka jan e" ngising sbi ni Calli.
"Punyeta! edi lalayo" aatras na sana ng mag salita si Kutsilyo
"Pera naman, intindihin mo na muna kami, Pagod kami" saka siya sumandal sa likuran at pumikit ganon din ang ginawa ni Calli.
Inis kong pinag sisipa ang pintuan saka pinindot ang elevator. Ilang minuto lang ay bumukas na ang ito.
Habang nag lalakad kaming tatlo ay hindi maiwasang tumingin sa dereksyon namin ang mga tao, most of them ay lalaki. Gosh. Kinindatan ko ang isa saka nginisihan. Agad nanlaki ang kanyang mga mata at umiwas ng tingin sakin.
"Pasok na! late na late na tayo" Sigaw ko sa dalawa na busy sa pakikipag usap sa mga nadadaanan nila. Agad naman silang tumakbo palapit sa kotse at pumasok sa back seat.
"Tangina niyo! magiging driver niyo pa ako. Ayoko na!" bababa na sana ako ng mag salita ulit si Kutsilyo.
"Uy calli, sa harap kana. Second subject nalang maabutan natin."
"Inaantok ako Katana, ikaw na" reklamo niya at pumikit
" makakatulog ka naman sa harap!" sigaw ni kutsilyo
" hindeeee! kilala ko kung pano mag drive yang si Phyra. Basta basta kung pumreno"
" may seatbelt"
"Mag desisyon muna kayo. Mag tataxi nalang ako" inis kong tinanggal ang seatbelt saka baba na ulit sana ng padabkg na binuksan ni Calli ang pintuan sa likod at padabog din itong sinara.
"Masira lang itong kotse ko, tatadtarin kita" bulong ni kutsilyo.
Tssk, bagay sakanya ang Katana 'ng pangalan.
"Tangna, wag kang basta bastang pumreno. Inaantok ako" sabi niya at pumikit na
"Sampong minuto lang ang biyahe mga tsong. For pete's sake!" pinaandar ko na agad ang kotse. Rinig ko pa silang napamura dahil sa bilis ng pag mamaneho ko.
"Kaskasera talaga"bulong ni Calli.
Sa wakas, sa dami ng diskasyon mula kaninang pag gising ko makaka alis na kami, at makaka boy hunting na sa school
What a nice day.
BINABASA MO ANG
Just the three of us
Teen Fictiontatlong babae, naging mag kaibigan dahil sa iisa nilang hilig. Ang hilig mag laro ng feelings ng lalaki.