Wala namang parking lot dito kaya basta basta nalang namin iniwan ang sasakyan ni Calli sa tapat.Pinag titinginan na rin kami ng mga tao dahil siguro sa suot namin? or dahil ngayon lang sila nakakita ng ganitong kagandang mga babae? Hindi ko sila masisisi
Sa labas ay mga nag titinda ng mga gulay, at sari sari ang sigawan nila para maka benta. May bata pang tumigil sa harap namin at may hawak na pechay.
"mygosh!" ilan lang yan sa mga naririnig kong bulong ni Calli.
"Tangina! mag pabili nalang tayo jan sa bata at bayaran nalang natin" Napatango ako sa sinabi ni Katana.
"Kayong tatlo! Wag na wag niyong gagawin yan kundi sasabihin ko sa parents niyo na bawasan ang mga pera niyo! ikaw katana! pumasok na kayo sa loob. At kanina pa ako gutom" hindi pa ba pinapatay ni Katana? akala ko inend niya na? mygod!
"Hey girls!" inis naming nilingong tatlo ang isang mukhang maligno dahil sa dark na kanyang kulay at balbas. Red na rin ang mata niya, at mahaba ang buhok. Sa isang kamay niya ay may hawak na sigarilyo. Confirm. Naka drugs to tss.
"Tss. Come on. Para matapos na" Sabi ko at nauna ng pumasok, ganon din sila.
Sari saring amoy ang bumungad samin. Agad na kinuha ni Calli ang panyo niya at nag mask naman si Katana. Binigyan ako ni katana ng itim na mask.
"Eto na" sabay turo ko sa isdang may nakalagay na bangus sa karton.
"Bilin mo na! o eto yong card" Sabay abot ni Katana ng atm ng mama niya.
"Mam! ilang kilo po? 3 piraso isang daan mam" tumango ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Hoy! ilang kilo?" tanong ko sa dalawa na todo iwas sa mga taong dumadaan. At todo spray naman ng pabango si Calli.
"Limang kilo na! pag sawain natin si Mommy ng isdang yan. Pvta. Mag ingat ka po ate." sigaw niya dahil sa umapak sa sapatos niyang puti.
"Limang kilo daw ho." tinuro ko nalang ang mga gusto kong ilagay niya sa kiluhan.
"Ang aarte naman ng mga to"
"Mga kabataan nga naman"
"Sus mayusep, kumakain rin lang yang mga yan ng bagoong."
Ilan lang yan sa mga naririnig namin.
So? sa hindi kami sanay. Psh.
"Oy! hawakan niyo to! pvta" sigaw ko. Lumapit si Katana at humingi pa ng papel para daw hindi bumaho ang kamay.
"Eto po" Sabay abot ko sa atm
"Ano to? pinag loloko mo ba ako?" tanong ng tindera sabay turo sa card.
"Paki swipe nalang manang" Mahinahon na sabi ko.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Bayaran niyo ako ng pera! hindi yang walang kwentang bagay na yan" napapatingin na samin ang mga ibang tindera at mga mamimili dahil sa sigaw niya.
Nilingon ko ang dalawa.
"May pera kayo?" sabay silang umiling.
Shems!
"Aba! akin na yang paninda ko. Kung wala kayong pera, mag si layas kayo dito!" inirapan niya ako at padabog na kinuha ang plastik na hawak ni Katana.
"Miss eto po." nilingon ko ang lalaking nag abot ng pera sa babae.
"Thadeus?" salubong ang kilay ko habang pinag mamasdan siya.
Anong ginagawa niya dito?
Kinuha ng tindera ang isang libo at ng makuha ni Thadeus ang sukli ay humarap siya sakin.
"Yes. Bibili din kasi kami dito. Kasama ko si Callix" Sabay turo niya sa lalaking titig na titig sa mga isda.
"Problema non?" bulong ni Katana na nasa tabi ko. Nag kibit balikat lang si Thadeus.
"Hindi ko alam na ang mga paborito kong pag kain ay ganito ang sinasapit" Muntik na akong tumawa dahil may luhang lumabas sa mga mata niya.
"HAHAHA TANGINA LAPTRIP NG KAIBIGAN MO, POGI" tawa ni Katana. Hindi na rin naming napigilang tumawa ni Calli. Ng lingunin ko si Thadeus ay nakatingin siya sakin habang nakangiti.
Napatigil ako at umiwas sa kanya, ganon din ang ginawa niya.
Umalis na kami don at nag hanap ng mga gustong ipabili ni tita.
Maraming times ng muntikan akong madulas pero laging nahahawak ni Thadeus ang mga braso o kaya bewang ko. Ganon din sila Calli at Katana, pero nasisipot naman ng dalawang lalaki na nasa likuran namin na nag mistulang body guard
Akala ko ba bibili din sila? pero bakit ni isang plastic wala silang dala?
"Omygosh! Ikulong niyo kasi. Tangina. Muntikan na ako don! mygad. Shit!" rinig ko pang tumili ng tumili si Calli dahil sa tumalong isda mula sa mga kinalalagyan nito.
Dahil sa pag atras niya ay muntikan na din siyang madulas pero buti nasalo siya ni Thadeus.
Hindi ko alam pero automatic kong iniwas ang tingin ko sakanila at nauna ng mag lakad palabas.
Nabili na rin kasi namin lahat ng pinapabili ni tita.
Nakita ko pang tinignan ako ni Thadeus pero pilit ang ngiti ko siyang iniwan.
Shems, anong nagyayare sakin?
BINABASA MO ANG
Just the three of us
Teen Fictiontatlong babae, naging mag kaibigan dahil sa iisa nilang hilig. Ang hilig mag laro ng feelings ng lalaki.