Chapter 3

43 1 0
                                    


"Pera. Gwapo oh!" nilingon ko si Calli habang nakatingin siya sa may shed.

"Oy! iba pakiramdam ko jan sa mga ngisi mo. Sige pabigay, sayo na" ngumisi ako sa sinabi niya saka nilapitan ang lalaking nasa shed.

Napatigil ang mga kaibigan niyang tumatawa ng lumapit ako sakanila.

"Hey Phyra. Long time no see"

"Game kana? tara sa bar mamaya"

"Oy Thadeus. Yan yong sinasabi kong sikat dito! papatulan ka niyan hahah" ngumisi ako ng tumingin sa kinatatayuan ko yong lalaking may pangalang Thadeus.

Transferee huh. Let's see.

"Hey boys. Pakilala niyo naman ako jan sa bago niyong kasama"

"pvta, type mo?" tanong ng isa. Pasekreto ko syang kinindatan.

"Si Thadeus! goodboy na parang badboy. Hahaha. Mahilig sa babae pero nag sisimba. Mahilig uminom ng alak pero nag dadasal bago matulog." nakatingin lang ako kay Thadeus habang nag sasalita si Callix. Si Callix lang ang kakilala ko sakanilang lahat. Dahil kababata ko siya. Psh.

"Tsk." ng tignan ko ulit si Thadeus ay masama na ang tingin niya kay Callix.

Napangisi ako dahil kahit bagong salta siya dito ay medyo kinakatakutan na. Tinitigan ulit ako ni Thadeus at umiling ng umiling habang pinapasadahan ako ng tingin. Saka siya tumayo at lumapit sakin.

"Long time no talk, Phyra Scarlet" naningkit ang mga mata ko ng sabihin niya ang aking apelyedo. Dahil ang alam lang sabihin ng mga estudyante dito ay Phyra hindi nila alam ang apelyedo ko.

"Whats your surname, Thadeus baby?" malanding bulong ko na nag papitlag sakanya.

"why do you care?"

"Because you're my type" napangisi ulit ako ng pumula ang tenga niya.

"Hoy! Pera! nasa room na si kutsilyo. Mamaya na kayo maglandian jan!" irita akong tumingin kay Calli na naka sandal sa puno habang nakatingin sa dereksyon ko. Narinig ko pang pumito ang mga lalaki na nasa shed habang nakatingin sa legs ni Calli dahil sa bahagya itong tumaas ng sumandal siya.

Nilingon ko si Thadeus na nakatingin din kay Calli.

"You're mine, so don't turn your eyes into other girls, Aviles" Napa tss siya at lumingon sakin.

"Pano mo nalaman ang apelyedo ko?"

"Its a secret my dear. See you later!" hinaplos ko pa ang mukha niya saka siya tinalikuran at lumapit kay Calli na nakangisi na sakin. Kinindatan ko siya saka nag paumuna ng lumakad.

Habang nag lalakad kami paakyat sa 2nd floor para sa 3rd subject namin ay nag kwekwento sya. Pero hindi ko na pinapansin dahil nagiisip ako ng mga lines na sasabihin kay Thadeus.

Ewan ko ba pero kapag sa iba naman ay basta basta ko nalang sila sasabihan ng you're my type nahuhulog na agad sakin. Pero sya? imbis na bumigay, pumula lang ang tenga. Tss. Pero atleast may epekto yon sakanya.

"MS.PHYRA AND MS.CALLIYAH! BAT NA NAMAN KAYO LATE SA KLASE KO. ITS BEEN 15 MINUTES!" Natauhan ako mula sa pag iisip  ng marinig ang dumadagundong na sigaw sa loob ng room dahil papuslit na binuksan ni Kutsilyo ang pintuan para makapasok kami kanina.

Kapag kasi siya ang teacher namin is lagi niyang nilalock ang pintuan para hindi maka pasok ang mga late, pero dahil malapit sa pintuan si Katana ay lagi niya itong ginagawa pag lagi kaming nalelate ni Calli.

"Sorry miss. Last na ito. Swear" nag kibit balikat pa ako at tinignan si Kutsilyo para tulungan kami. Umirap siya at nag make face.

"Kasabay ko po silang pumunta dito miss, pero may nakasalubong po kaming teacher at inutusan silang dalawa."

"Wag ng mauulit ito! umupo na kayo." nakita ko pa ang pag ikot ng mata ni Calliyah. Tss.

Hindi ko maiwasang sumubsob sa lamesa dahil sa antok. At dahil don ay napagalitan na naman ako. Trip ako ng babaeng iyon. Tsk.

Agad akong tumayo sa inuupuan ko ng nag ring na ang bell at hudyat na ito para sa lunch break. Sinigawan pa ulit ako ni miss pero hindi ko na pinansin dahil nagring na ang bell kaya ginaya na ako ng dalawa kong kaibigan at umalis na. Nakita ko pa ang isang nerd na classmate namin habang naka tingin sakin.

Kirin Aviles. Tss.

Ganon pa din ang bulungan at titig ng mga tao sa paligid namin. Hanggang sa cafeteria. Hindi nalang namin sila pinapansin.

Pag katapos naming kumain or should i say naki pag landi ay pumunta na kami sa coffe shop na malayo sa school. Dahil wala daw kaming lecturer sa mga susunod na subject at ang pang 4-6 nalang ang meron pero nag ditch nalang ulit kami. Boring ng subject na yon e.

Btw, 4th year na pala kami pero seventeen years old na ako. Parehas kami ng age ni Calli ang pag kaibahan lang ay nangunguna ang birthmonth ko sakanya. Si Katana naman ay 16 years old palang.

Maagang nag aral si Katana. At kung tatanungin niyo naman kung bakit seventeen na kami pero hindi pa kami college ay dahil sa tumigil kami sa pag aaral nung panahon na pumunta kaming Korea, kaming tatlo. Naaksidente si Calliyah nuon. Na coma siya ng mahigit dalawang buwan at nag ka amnesia. Kaya don muna kami namalagi ni Katana para tulungan siyang maka alala. Nong umuwi kami dito ay nag cle-clearance na ang mga estudyante. Kaya no choice kami kundi ulitin ang 3rd year.

Hindi ko na rin nakita si Thadeus kaya bukas ko nalang siya papakiligin.

---

Just the three of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon