Chapter 17

6 0 0
                                    


Halos tumalon na ako sa saya dahil sa balitang sinabi ni mom and dad samin. Pati din sila kuya ay abot tenga ang ngiti.

Magiging ate na akooo! shems. Halos mangiyak ako kanina dahil sa sinabi ni mommy. Yung tipong 'yes! magiging ate na ako' pero hindi rin mawal ang kaunting lungkot, dahil mawawala na ang kalahating atensyon nila kuya at mga magulang ko sakin, hindi na ako ang bunso e. Hays. Pero! goooosh! ako na ata ang pinaka masayang ate ngayong gabi.

"Phyra?" may kumatok sa room ko at binuksan ito.

Nakangiting lumapit sakin si daddy at umupo sa kama ko.

"Oh dad? bakit po?" nakangiti ring tanong ko.

Kahit na lagi nila akong sinesermunan dahil sa mga mabababa kong grades, masaya pa rin ako dahil sila ang naging magulang ko. Kahit gaano sila ka strikto sakin, lagi parin silang nakasuporta. Lagi pa rin silang nasa likod ko.

"Alam ko yung iniisip mo kanina",

"ha? anong iniisip dad?" naguguluhang tanong ko.

"Kahit na magiging ate kana, prinsesa ka pa din namin, ok? nasa tiyan palang naman si baby so ikaw palang ang bunso namin" napangiti ako dahil sa sinabi ni dad.

"Jusko dad hahaha. Okay lang kahit na hindi na ako yung bunso niyo. Ang saya ko nga e. Excited na akong makita si baby scarlet" yinakap ko siya at ganon din ang ginawa niya sakin.

Nag tawanan pa kami ni dad hanggang sa pumasok si kuya pher at niyayaya akong mag jetski. Agad na umalis si daddy dahil ayaw niyang mawala sa tingin niya si mommy ng hihigit sa isang oras.

"Wait, mag papalit lang muna ako." tumayo na ako at binuksan ang maleta ko.

Agad kong dinampot ang maikli kong short at isang tube.

"Phyra, hindi ka mag swi-swimsuit?" nag tatakang tanong ni kuya pher.

"Nope. Tara na!" nauna na akong lumabas sa room at pumunta sa elevator.

Dumeretso kami ni kuya pher sa lobby at nakita si kuya piel na nag babasa ng magazine habang dumadampot ng grapes na nakalatag sa lamesa.

"Kuya! tara mag jetski" sabay kuha ng magazine na hawak niya at itinapon kay kuya pher na tinapon niya din sa basurahan.

"Shoot!" ngiting sigaw niya.

Hinila ko si kuya piel na ayaw mag pahila kaya si kuya pher na ang humila dito. Nung una ayaw niyang sumama dahil daw nagugutom siya hanggang sa sinabi kong ililibre ko siya ng pagkain pagkatapos naming mag jetski.

Agad siyang tumayo at nauna ng lumabas sa hotel.

"Patay gutom talaga. Kapatid ba natin yon?" tanong ni kuya pher habang naka hawak ang kanyang kamay sa  bewang. Kumibit balikat ako at sumunod na kay kuya Piel na nasa tapat na ng isang jetski.

"hanggang sa kabilang island tayo" sabi ko at patalong pumunta sa jetski'ng nasa harapan ko. Ganon din ang ginawa ng dalawa kong kuya saka ako nag bilang at paunahan kaming pumnta sa kabilang island.

"This is going to be fun!" sigaw ko habang sinasalubong ang tubig.

Napatingin ako sa likuran ko dahil nahuhuli na ang dalawa. Nakangiti akonv humarap para bilisanpa ang patakbo ko.

Agad kong iniwasan ang bangkang makakasalubong ko at dahil don napatigil ako dahil muntikan ng tumaob ang jetski.

"Ano ba! mag ingat ka nga!" Sigaw ko sa lalaking nasa bangka. May sakay itong mga babaeng tumatawa. Hindi ko sila pinansin at pinaandar ulit ang jetski ko.

"Phyra?" rinig kong sabi ng babaeng lulan ng bangka at don ko napansin si Lyka kasama ang mga kaibigan niya. Nginisihan ko siya at pinaandar na ng mabilis ang jetski.

Buti nalang naunahan ko pa yung dalawa. Bumaba muna ako mula sa jtski at inilibot ang tingin ko sa island. Walang tao dito. Puro bola lang ang nandon sa tubig. Kaya bumalik ako sa jetski at kinuha sa harapan ang isinabit kong dslr ko.

Picture don. Picture dito ang ginagawa ko at kinukuha ang magandang anggulo. Kinuhanan ko rin ang mga kuya kong papalapit.

Nice. Yun nalang ang nasabi ko dahil hindi sa nag mamayabang, para akong professional photographer dahil sa magandang kuha ko sa litrato ng mga kuya kong naka fierce ang mukha.

"Parang hindi ka babae kanina..kulang nalang paliparin mo yung jetski" bungad sakin ni kuya pher habang pnasadahan ng kanyang buhok.

"Tss. May pagkain ba dito?" tanong naman ni kuya piel habang nililibot ang kanyang tingin sa island.

"Wala. Kita mong walang tao kuya" ismid na sabi ko at binigay kay kuya piel ang dslr ko para mg pakuha ng pictures sakanya.

Pose dito pose duon ang ginawa ko habang nag cli-click si kuya piel. Ngumisi siya ng parang may perfect shot siyang nakuha sakin.

"Nice shot" bulong niya sabay bigay ng dslr ko. Nag stay pa kami duon bago napag pasyaang bumalik sa hotel dahil gusto kong panuorin ang sunset.

May nakasalubong ulit akong bangka at napag tantong yun pa rin ang bangkang pinag sasakyan nila lyka kanina. Tinantya ko ang bilis ng jetski at pinaandar ito bigla ng mabilis para tumalsik ang tubig sakanila.

"Bitch!" sigaw ni lyka. Ngumiti ako at tinalikuran na sila saka pinag patuloy ang pag dradrive.

Hindi ko na din hinintay sila kuya at pumasok na agad ako sa hotel para mag palit ng damit dahil basang basa ako.

"Oh, kamusta ang pag jejetski?" tanong ni mommy na nasa sofa dito sa  fifth floor.

"Kung may pustahan kaming tatlo mom, baka nanalo na naman ako" natatawang sabi ko sabay halik sapisnge niya st pisnge ni daddy. Kinausap ko din si baby.

"Patrice, labas kana jan. Can't wait to see you baby" bulong ko sa tiyan ni mommy.

Tumawa si mommy sa sinabi ko. 4 months ng buntis si mom pero hindi lumalaki ang tiyan niya kaya siguro hindi namin napansin agad na buntis siya. Matagal niyang tinago samin pero alam na agad ni dad na buntis si mom dahil siguro sa kung ano-ano ang pinagbibili ni mommy at sensitive din siya sa ilang pagkain.

"May name na agad" ngiting sabi ni mommy.

"Of course hahaha. Mag papalit lang ako" paalam ko at dumeretso na sa kwarto ko.

Pinatuyo ko agad ang buhok na medyo nabasa at nag palit ng damit. Kumuha din ako ng two piece at yon ang pinailalaim ko sa black dress na suot ko ngayon.

Nag stay pa ako sa room ko para tignan ang mga nakuha kong shot kanina. Nakangiti kong tinitignan ang mga kuha ko. Kinuha ko ang laptop ko para buksan ang aking IG at mag post ng ictures ko.

Having a good vacation with my family. *heart emoticon*

Yan ang caption sa picture na nakuha ko kanina sa loob ng van. At sinunod ko naman ang mga pictures ko.

Caption:Pwede na bang maging model?

Ilang minuto palang ang pag post ko ay bigla nalang may nag comment at marami ding nag heart.

@Kaytanaaa: Fuck! hindi pwede
@CalliyahG: teach me how to drive, Pera. Or else..

Nereplyan ko silang dalawa at ang iba ay hindi ko na pinansin. Itinakip ko na ang laptop ko at lumabas na ng bumungad sakin ang malakas na tawanan sa pinag uupuan kanina nila. Kunot noo kong nilingon ang mga to at nanlalaki ang mga mata ko ng makita si Katana at Calli na nag cocomment lang kanina sa picture ko sa insta.

Nandon din sila Thadeus, Callix, Asprid, Katana, Calli, at yung dalawa kong kuya. Pati si Kirin ay nandito rin at isa pang babae na hindi ko kilala.

"Anjan na si jusa!" sigaw ni Calli na nginitian ako.

Nang mapatingin ako kay Thadeus ay nakita ko ang pag titig niya sakin mula ulo hanggang paa.

"Bat nandito kayo?" tanong ko dahil lunes ngayon at sigurado akong may pasok.

"Walang ginagawa sa school ngayon dahil intrams next week" sabi ni Katana.

Tumango nalang ako at umupo sa isa pang sofa. Hindi pa rin inaalis ni Thadeus ang tingin sakin kaya medyo nahihiya akong mag salita.

----

Just the three of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon