Chapter 14

8 0 0
                                    

"Oh manager beks. Ano na?" agad na tanon ko ng pumasok kami sa office niya at sumalampak naman sa couch ang dalawa.

"Anniversary ng bar ko ngayon. Kaya pwede kayo hanggang twelve?" tanong niya habang nilalaro ang ballpen sa kamay niya.

"May pasok kami" angal ni Katana.

"May date ako" Sabi naman ni Calli.

"Gosh mga te! kelangan ko kayo ngayon" Sabi ni manager beks.

"Ikaw Phyra? pwede ka?" tanong niya.

Umiling ako "15 bukas e. You know, family day namin" sabi ko.

Napahinga siya ng malalim at tumayo.

"Sayang, may gwapo pa nemen ekeng guest!" biglang sabi niya.

"Game kami jan. Tara na. Kahit ala una pa" Sabay sabay na sabi namin na nag patawa kay Manager.

"Oh 8:30 palang. Kumain na kayo?" agad kaming umiling.

Nag patawag siya ng isang waiter at hinatiran kami ng maraming pagkain.

"Eat wild. Ay este, well pala hahaha. Sige na. Lalabas lang ako saglit" ng lumabas siya ay binilisan naming kumain para maka pag boyhunting.

"Kakaiba talaga yung manager nating bakla. Sino na naman kaya yung guest niya ngayon? shems! i'm so excited" sabi ni Katana. Si Calli naman ay parang nawala ang pag iinarte niya kanina dahil pangisi-ngisi na siya ngayon habang nilalaro ang kanyang pag kain.

Lumabas kami sa office at dumeretso sa isang VIP room kung saan kita ang dancefloor. Namataan ko din ang ilang mga estudyante sa skwelahan namin.

Tumingin ako sa pintuan at umaasang papasok si Thadeus doon. Pero iba ang pumasok. Isang maputi, matangkad, at hot na lalaki ang pumasok.

Tinitigan ko siyang mabuti at ng makitang dumeretso siya sa isang stoll ay nag paalam ako sa mga kaibigan ko.

"Nakahanap na. Hays! tangina. Maghahanap na din ako" Sabi ni Katana at inunahan akong lumabas sa VIP room

Pumunta ako sa katabing stoll ng pinag upuan ng lalaki kanina.

"One glass of vodka please" Ngiting sabi ko sa bartender.

Sorry Thadeus, mag sasaya muna ako ngayon hahaha

"Hey miss" sabi ng katabi ko. Akala ko pa man din mahirap makuha ang lalaking ito. Agad na inabot ng bartender ang vodka ko.

"Hey" ngising sabi ko.

"Bat may dumi ka sa mukha?" agad kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ang bawat parte ng mukha ko at wala akong nahawakang madumi.

"Aish!" sabi niya at kinuha ang kanyang panyo saka nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko dahil ilang inch nalang ang lapit ng mukha namin

Pinunasan niya ang nasa noo. Ang bango ng kanyang panyo. 

"Walang thank you?" tanong niya at binigay sakin ang kanyang panyo

"Thanks. Anong gagawin ko dito?" tanong ko.

"Labhan mo."

"Wow ha, sino bang nag sabing punasan mo yung dumi ng muka ko?"

"Tanga tanga mo kasi Miss. Maganda na sana e." napangisi ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi lang naman din kita makikita, para san pa para labhan ko 'to?"

"Papatayin mo ko?" inosenteng tanong niya at nilagok ang kanyang alak.

"Sa sarap" ngumisi ako ng mabilaukan siya.

"Game!" sigaw niya. Kaya agad ko siyang binatukan.

Ewan ko ba, pero parang feeling ko, matagal ko na siyang kilala.

"Makikita mo pa ako, trust me." ngisng saad niya. Tumango nalang ako at humingi pa ng isang baso ng vodka sa bartender.

"Sinong kasama mo?" tanong niya at lumingon sa likuran ko.

"Wala." sabi ko at deretsong ininom ang alak. Humingi pa ako ng isa.

Isa ito sa pinag papasalamat ko. Hindi ako madaling malasing hind gaya ng dalawang impakta na mga yon.

"Oh, can i have this dance?" sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan ko ng mag patugtog si dj ng sweet song.

"Of course" Sabay patong ng kamay ko sa kamay niya. Nang makarating kami sa dancefloor ay grabe ang titig ng mga lalaki at babae samin.

Habang tumatagal ay ramdam ko ang mga kamay niyang dumausdos sa bewang ko.

"Get your hands off on her waist" muntik na akong mapatalon ng biglang may humatak sakin.

"Pre, she's with me. Don't interrupt our date" Ngising sabi din ng kasayaw ko.

Agad akong nilingon ni Thadeus. Napayuko ako dahil sa lamig ng kanyang titig at isama mo na din ang kanyang aura.

"Date?" Saracastic na bulong niya. "in bar? ang romantic"  marahan pa siyang pumalakpak saka ngumisi.

Nang aakma na akong umalis ay hinila niya ako saka inakbayan.

"She's my wife. So back off dude." sabay hila sakin ni Thadeus.

"Nice to meet you miss!" rinig ko pang sigaw ng lalaki bago kami lumabas.




"WHAT THE FVCK IS THAT!" sigaw ni Thadeus ng makarating kami sa tapat ng kanyang kotse.

"Yra!" sigaw niya ulit.

"Can you shut up Thadeus? ano ba. Sumayaw lang kami" hindi ko alam kung maiinis o kikiligin ba ako sa kinikilos niya.

"Sumasayaw? bakit hinahawakan niya yung bewang mo!?" sigaw niya.

"God Deus. San ka nakakita ng sumasayaw na hindi hinahawakan ng lalaki ang bewang ng babae?" tanong ko.

"Shit. Nagpapakahirap akong gumawa ng paraan para hawakan ka, tapos ganon lang kadaling hawakan ka ng mga hindi mo kilala? o fvck!" sigaw niya ulit.

"pwede namang sabihin mong nag seselos ka e" ngising sabi ko.

"Makakapatay ako ng tao pag naulit yon Yra."

"Nag seselos ka nga?" ngising tanong ko.

Napa tss lang siya at pumasok ulit. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at pumasok na din.

"Punyeta! san ka ba galing? mag sisimula na tayo. Ikaw ang kakanta kami ang tutugtog" sabi ni Calli at nauna ng umakyat sa stage.

"Hello everyone. We're tres marias. Hopefully you enjoy our song we prepared tonight."

"Secret love song" sabi ni Katana. Tumango ako at ng mag simula na siyang mag trum ng gitara ay nag simula na akong kumanta.

--

Just the three of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon