Pagkatapos namin mag usap ni Thadeus ay dumeretso na ako sa classroom namin. Samantalang siya ay pumunta sa ssg room.Hindi ko alam kung paano siya naging ssg president. Ni hindi ko nga alam kun vinote ko ba siya nun. As in, transferee lang siya pero nakakuha na agad ng pwesto sa skwelahang ito. PRESIDENT pa ng ssg. Gooosh! sana naman hindi niya ginamit ang charm niya para makapasok. Jusko.
Hindi na rin ako tinigilan ng dalawa kong impaktang kaibigan kung bakit daw napakalawak ng ngiti ko. At ng mag alas tres na ng hapon ay napag pasyaan namin ni Calliyah na wag ng pumasok sa last subject.
"Ang creepy talaga ni Phyra" Rinig kong bulong ni Katana kasama si Calli.
"Wag niyang sabihin naki pag s*x siya dito sa school? gosh!" napawi ang ngiti ko sa narinig.
"Kayong dalawa talaga!" sigaw ko.
"Kasi naman kasi! ano bang kinangingiti mo jan ha!?" sigaw ni Calli at inakbayan ako saka bintukan.
"gago hahaha. Si Thadeus kasi. Gusto niya ako!" nakangiting sabi ko.
Saglit na natigilan si Katana at Calli sa pag lalakad at napa O sila saka tumawa ng malakas.
"Bakit?" inosenteng tanong ko.
"Baka naman may tao sa likuran mo nung sinabihan ka niya ng ganon Phy! wag kang mag assume hahaha" sabi ni Calli habang hawak hawak niya ang kanyang tiyan at umiiyak na sa kakatawa. Samantalang si Katana naman ay nakangisi lang.
"anong akala niyo sakin? assuming? mga leche kayo!" sigaw ko at nauna ng lumabas sa school.
"haba ng hair mo te! hahaha. Pero di pa rin ako naniniwala." sinang ayunan naman ni Katana ang sinabi ni Calli. Pilit ko inabot ang kanilang buhok saka hinila ito.
"Kaibigan ko ba talaga kayo? peste!" sigaw ko ulit at pina alarm na ang sasakyan ko.
"Hindi ako sasama sainyo. Aatend ako sa last subject" sabi ni Katana.
"Ha? halika na Kutsilyo! nuba?" hinila hila ni Calli ang kamay ni Katana.
"Punyeta, hindi nga. Ipapass ko pa yung project na ginawa ko"
"What the fvck! may project? seriously? ngayon na ba yung deadline?" tanong ko. Tumango naman siya saka ngumisi.
"Shit! Calliyah! nakagawa ka?" binalingan ko si Calli. Umiling ito.
"Pano na? tangina! bat hindi ko alam to?" napasabunot na ako dahil sa frustrated.
"Don't worry, ginawan ko na din kayo" tamad na sabi ni Katana
"Totoo?!" agad ko siyang nilapitan at nyakap.
"Iw Phy! bitaw na!" pilit niya ako nilalayo sa katawan niya. Sumunod namang yumakap si Calli kay Katana.
"Ano pa bang bago sainyong dalawa ha? matalino naman kayo, ang tatamad niyo lang" ng tumalikod siya ay dina namin siya hinabol. Nag apir kami ni Calli.
"Buti nalang meron si Katana hahaha"
"Waaaait!" sabi ni Calli habang nakatingin sa phone niya. Tinignan niya ako saka pinakita ang phone niya.
Asprid Deliora:
samahan mo ko Calli. Please
"Mauna kana sa Condo Phyra. Sasamahan ko lang tong gunggong na to" tumango ako at pumasok sa sasakyan ko.
Binusinahan ko pa si Calli at tumango lang siya saka ko mabilisang umalis sa parking lot ng school.
BINABASA MO ANG
Just the three of us
Teen Fictiontatlong babae, naging mag kaibigan dahil sa iisa nilang hilig. Ang hilig mag laro ng feelings ng lalaki.