Chapter 2

63 0 0
                                    


Nandito kami ngayong tatlo sa cafeteria dahil langya, tinakbo namin mula parking lot hanggang sa third floor para lang umabot sa second subject pero sinagawan at pinalayas kami ng lecturer namin. As in wow. Tulo pawis don dai! grabe yong teacher na yon. Walag patawad.


Kaya imbis na mag ditch kami ng klase, dumeretso na kami dito. Hindi kasi kami naka almusal kanina dahil sa pag iintindi kung makaka abot ba kami sa second subject na yon.


"Oy Pera" tawag sakin ni Calli na abala sa pakikipag lampungan sa katabi niyan lalaki na nahila niya kanina sa may hallway. Tsk.


"Its Phyra." irap na sabi ko.


"Phyra. Phyra. Pera. Pera. Malapit na. Hahaha. So yon nga, may money kapa? sating tatlo ikaw ang maraming pera. Pangalan mo palang" mahabang sabi niya.


"Wala. Tangina. Pwedeng bawas bawasan na din natin ang pag babar? mapapagalitan na naman ako ng mga kuya ko e"


"Wow te! hahaha bumait kana ah? dati ikaw pa 'tong nag yayaya at dala-dalawa ang lalaki" tawang tawa si Kutsilyo sa tabi ko at tinatambol pa ang lamesa.


"Wtf. Itigil mo nga yang ginagawa mo Kutsilyo! para kang bata. Ibitin kita patiwarik e" at dahil sa reaksyon niya ay napatawa kaming dalawa ni Calli at naki join na din ang boylets papabels niya na iiyak na mamaya. Sige kuya, ngiti pa. Mamaya baka ma pakamatay kana hahaha!.

"Its Katana" gaya ni kutsilyo sa sinabi ko kanina.


"Katana, kamag anak ng mga kutsilyo yon" sabi ni Calli


"Tanga! may kamag anak, kamag anak ka pang nalalaman jan. Talagang kutsilyo na ang katana"


"O edi mag kapuso?" inosenteng tanong niya


"Kapamilya!" saad ko

"Tangina, kabarkada!"


"KAPAAATID! HAHAHA"


"Kalaro!" sigaw din ng lalaki na katabi ni Calli. Tumigil ako sa pag tawa, ganon din si Calli. At parang nahihiya naman ang lalaki na tumigil sa pilit niyang tawa.



Kalaro? may kabarkada na nga e. San niya nakuha yon? nababaliw na ho siya hahaha!


"Hoy kuya! tumigil tigil ka jan. Di kita close! tsupe. Alis na!" inis na sigaw ni Katana at nag hand gestures pa. Tumingin ang lalaki kay Calli na nakangisi.

Alam ko na ang mangyayre.


"We're done. Sarap mong kasama. Pero bawal sumabat sa usapan ng mga kaibigan ko." Sabi ni Calli at inosenteng kinuha ang juice niya saka ito ininom habang nakatingin sa lalaki. Ngumisi ako dahil parang naiiyak na ang lalaking kaharap namin ngayon.

"humanda ka babae! papa abang kita sa labas"


"sus, lakompake. Kahit tawagin mo lahat ng siga dito sa school at sa labas." inis na lumakad palayo ang lalaki at sinipa pa ang mga table at upuan malapit sa entrance\exit ng cafeteria.


Hindi ko na napigilang tumawa ganon din si Katana dahil sa mukha ng lalaki kanina.

Masyadong maagang umiyak hahaha! o shems. Ano pa bang bago sa isang Calliyah Monterial.


"Bar tayo mamaya, may treat" nagulat ako ng sabihin iyon ni Calli


"Don't tell me nasaktan ka sa ginawa mo kanina Calli?" pinalaki ko pa ang mata ko sakanya.

"No thanks. Iba ang type, dream boy ko. Wala ni isang nakuha ng lalaking iyon sa mga hinahanap ko. Ang boring kasi dito e. Walang masyadong lalaki. Halos lahat na napatulan natin. Hays"


"Sabagay. Game ako jan!"


"Sino ba namang hindi tatanggi sa libre? wala na akong pera. Kaya ok na ok ako jan!" sigaw ni Katana at tumayo na.


"San ka pupunta?" nag tatakang tanong ko.


"Wag niyong sabihing mag diditch ulit tayo? aba. Wala na nga tayong pera mapapagalitan pa tayo ng mga parents natin. Nakakarindi" saka nag tuloy sa pag lalakad.

Hindi na kami umangal kahit na gusto pa naming tumambay ni Calli. Dahil nasasawa na din ako sa tuwing uuwi ako sa bahay puro mga pag kakamali ko nalang ang sinusumbat sakin. Buti kakampi ko ang dalawa kong kuya.

Hindi rin maiwasan ang bulungan habang dumadaan kami. Lalo na ang titig at mga salitang malalandi, flirt, hindi na virgin, mang aagaw. Tss.


Atleast kami, masaya at nag papakatotoo. Eh sila? feeling santo santohan nasa loob naman pala ang kati. Pero marami din ang humahanga sa amin. Hindi dahil magaganda kami, kundi kami rin ang pambato tuwing may laban ng volleyball, tennis, at dance competition. Yas, wala kaming kinahihiligan sa ganyan. Pero para sa grade. Go with the flow. Ayoko namang bawasan nila ang perang binibigay nila sakin monthly no.

Yong dalawa ok pa, pero ako? omygosh. Ayoko kulang pa nga sakin yong binibigay , tas babawasan pa nila? Wag nalang akong mag aral pag ganon.

Just the three of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon