Chapter 9

17 1 0
                                    


"Aalis na ako, wag kayong gumawa ng kalokohan ha!? sige na." kiniss naming tatlo si tita at hinatid namin siya sa labas ng condo.

"Yes! makaka bar na tayo!" sigaw ni Calli tumalon talon din kaming dalawa ni Katana na parang bagong taon.

"Tawag ng tawag sakin si manager mula nung isang araw, ano? game tayo ngayon?" tanong niya samin habang naka pamewang sa harapan namin.

"Yes naman yes! anong oras daw?" tanong ko. Nag gi-gig kami pag gabi kaya deretso inom na rin pag katapos naming kumanta sa isang bar. Cadiz Xing ang pangalan.

"Bandang 9 ng gabi" tumango kami, at dumeretso na sa mga kwarto namin para mag handa paputang skwelahan.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang binoblower ang buhok ko ng maalala ulit ang sinabi ni Thadeus kahapon.

"Hoy Pera! ano? papasok ka ba o hindi?" sigaw ni Katana na katok ng katok sa pintuan ko.

"Palabas na." Dinampot ko ang bag ko saka lumabas.

Late na naman kami sa first subject kaya hindi na ako mag tataka kubg mapapagalitan na naman kami. Tss.

Pinaandar ko agad ang sasakyan ko ng makitang naka seatbelt na ang mga kasama ko. Hindi rin napalampas ng tenga ko ang malulutong nilang mura dahil sa bilis kong mag patakbo.

Hinabol din kami ng traffic enforcers dahil pinaandar ko pa din ang kotse ko kait naka stop light.

"Park mo na jan!" sabay turo ni Calli sa isang bakante na may nakalagay na 'no parking' sign.

Dinampot ni Katana ang sign na yon at inilagay sa katabi naming kotse.

"Sorry mam, we're late" agad na sabi ni Katana ng buksan niya ang pinto sa likuran. Nag si tawanan naman ang mga kaklase namin.

"Wala si mam. Kaya ligtas kayo ngayon tres marias" sabi ng isang lalaki.

"Oh, mabuti naman" sabay tawa naming tatlo. Umupo kami sa mga upuan namin at gumawang sariling mundo. Nag yaya pang pumunta sa cafeteria si Calli pero hindi ako sumama ganon din si Katana kaya mag isa siyang pumunta habang naka nguso.

"Phy, look at this" sabay abot ni Katana ng phone niya sakin. Nang tignan ko ito ay isang facebook page ng mga fans ni Thadeus.

"What the hell" bulong ko dahil sa pinost nila. Picture ni Thadeus at Lyka habang nag hahalikan sa parking lot kahapon.

"Bitch" bulong din niya at kinuha ang phone sakin. Hindi pa ako nakaka recover sa nakita ko ng biglabg may sumigaw sa harapan.

"MAY NAG SASABUNUTAN SA CAFETERIA." nag katinginan kami ni Katana at agad na tumayo dahil pumubta sa Cafeteria si Calli.

Konti lang ang tao dito dahil nag aaral ang ibang mga estudyante. Nang tignan ko kung sino ang nag aaway ay si Calli at Lyka.

"Ano? pag hahatian niyo si Thadeus!? ang lalandi niyo talagang tatlo!" sigaw ni Lyka. Kinamot ko ang batok ko at nilingon si Katana na nakangisi habang naka pamulsa.

"Oh bitch, sino ba dito ang humahalik? like duh iw yuck kadirty virus bacteria na lyra!" sabay hablot ni Calli ng buhok ni Lyka.

Nang sumali ang mga kaibigan ni Lyka ay pumunta na kami don, hindi para umawat kundi para maki sali.

"aba! an kapal talaga ng mukha mong mag pakita dito no?" sabi ko at padabog na tinanggal ang kamay niya sa buhok ng kaibigan ko

"Oh look who's bitch are here" sabi niya.

"Yeah, i'm bitch. At ipapakita ko sayo ang pag ka bitch kong yon." dahil malapit lang kami sa mga pagkain at inumin ay dinampot ko ang isang juice don saka ibinuhos ito sakanya.

"Omygad" sabi niya habang gulat na napapatingin sakin. Nginisihan ko siya.

Aakma na sana niyang sasabunutan ang buhok ko ng unahan siya ni Katana na nasa likuran niya.

"You really want to feel how hell it is, do you?" sabi ko habang naka upo at pinapanood ang mga kaibigan kong busy sa pakikipag sumbatan sa kaibigan ni Lyka. Habang si  lyka naman na naka tayo at hawak ang kanyang buhok na pwersahang hinila ni Katana kanina.

"hahahaha, then akala mo matatakot mo ako?" sabay turo sa sarili niya.

"Wala akong sinabi na matakot ka. Yes or No lang ang sagot sa tanong ko. Bitch"

" then its a no. Kung ikaw rin lang naman ang mag paparanas sakin ng impyerno ay talagang tatanggihan ko. Alam mo kung bakit?"

"I dont care." tamad na sabi ko

"Kasi, ipaparanas ko dn sayo ang impyerno"

"Mygosh, hindi ka ba nakaka intindi ng 'i don't care?' then tatagalugin ko. wala akong pake alam" ngumisi siya at dahan dahang lumapit sakin.

"Sinasabi ko lang para aware ka"

"sus, wag na. Araw-araw ko ba namang makita ang mukha mo. Parang nakikita ko narin si  Satanas" nawala ang ngisi niya at aakma na sana niya akong sasampalin ng maunahan ko siya.

"PHYRA!" dumagundong ang sigaw na yon saloob ng canteen. At ng lingunin ko kung san nanggaling iyon ay nakita ko si Thadeus habang kunot noong naka tingin sakin.

"Thadeus" Sabi ni Lyka saka ito lumapit dito habang nag iiyak iyakan.

"Sinabunutan niya ako, sinampal, at sinipa. Sinabihan niya din ako ng masasamang salita" yumakap pa siya kay Thadeus. Hinihintay ko na tanggalin niya ang mga kamay ni Lyka pero sa halip ay hinagod pa niya ang likod nito.

"Damn" bulong ko at iniwas ang tingin sakanila. Napansin ko din na puno na ng studyante ang cafeteria.

"Hindi mo ba alam na may sakit ito sa puso!?" sigaw ni Thadeus.

"Bat ko naman aalamin?" tanong ko. Lumapit sila Katana at Calliyah sakin.

"Yan! dapat bago mo ginawa ang mga yan ay tinignan mo muna ang kalagayn niya!"

"Pigilan niyo ako" bulong ko sa dalawa. At hinawakan naman nila ang mag kabilaang braso ko.

"Tangina! saktan mo na ang lahat wag lang si Lyka!"

--

Just the three of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon