Chapter 16

10 0 0
                                    

"Princess! omygad! namiss ka namin baby Phyra" pinaliguan ako ni mommy ng halik pag karating namin sa Laguna.

Dito kami nakatira. Pumunta ako sa Manila para mag aral. Dahil na rin siguro sa lagi akong naki-kick out. Kaya naubusan na ng school na mapag lilipatan sakin.

Si Calli naman ay dito rin sa Laguna, sa Sta. Rosa siya samantalang dito naman kami sa Calamba. Ang lugar naman nila Katana ay sa Pampangga. Kung paano kami nag kakakilala ay dahil sa pareparehas kaming laging na ki-kickout.

Nasabi ko na ba sainyo na nung una ay ayaw na ayaw ko sakanila? yung tipong ang sarap nilang ipalamon sa mga mababangis na hayop. Hindi ko na din alam yung rason kung bakit kami naging mag kakaibigan. Siguro dahil sa iisa ang hilig? ewan ko.

"Phyra!" sigaw ni daddy. Ngayon ko lang namalayan na kinakausap pala nila ako. Naka kunot noo na silang lahat.

"Po? paki ulit" ngiting sabi ko. Napa tss yung dalawa kong kuya samantalang si mama naman ay seryosong nakatingin sakin.

Oh no. About grades? again?.

"Kamusta yung pag aaral mo?" seryosong tanong ni daddy.

"As usual dad. Ano pa bang bago?" iritang sabi ko. At tumayo na mula sa pag kakaupo sa couch saka dumeretso sa kwarto ko.

Nang pumasok ako sa kwarto ko ay agad bumungad sakin ang amoy na matagal ko ng namimiss. Walang nag bago. Still black and white pa rin ang kulay. Tinignan ko ang kama, ganon pa din ang ayos. Ang mga gamit ko ay, wala ring nabago.

Hindi ko na napansin ang marahang pag bukas ng pinto.

"Phyra?" tawag ni mom sakin. Tumingin ako sakanya at ngumiti. Umupo siya sa kama saka nakangiting tinitignan ako.

Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.

"I miss you mom" bulong ko saka siya hinalikan sa pisnge.

"Haish, Your dad knows how much i miss you baby. Mag-isa ko lang na babae dito e. Kaya lagi kitang hinahanap hanap" sabi niya sabay haplos ng buhok ko.

Marami pa kaming napag usapan ni mommy, hangang sa sinabi niya na mag pahinga na ako dahil mag biya-biyahe kami ng alas otso bukas.

--

"Hoy Phyra! dito ka sa kotse ko!" sigaw ni kuya Pher ng maka labas ako sa bahay habang hila-hila ang maleta. Naka floral dress  at naka shades na ako.

"Pher!" sigaw ni daddy. Napakamot ng batok si kuya Pher saka sinurrender ang kanyang susi kay daddy.

Ng maayos ang lahat ng gamit sa likod ay sumakay na kami sa van. Nasa harapan si mommy at daddy. Sa pangalawang linya ay ang dalawa kong kuya na nag pupustahan na dahil nag lalaro sila ng ROS at ako naman ay nandito sa likod habang pinag mamasdan sila.

How i miss this scenario. Yes, its been a month but still i miss them so much. Agad kong dinampot ang dslr ko saka kumuha ng tiyempo at pinicturan sila.

"Phyra" tinignan ko si kuya Pher na naka pangulambaba na sa kanyang upuan habang nakatingin sakin.

"Hmm?" tanong ko saka tinignan ulit ang phone ko.

"I think you need to find a boyfriend" nakakalokong ngumiti si kuya Piel na naka tingin na din sakin. Habang si kuya Pher naman ay naka ngisi.

"Para may maipakilala kana samin"

"Ayoko" iritang sabi ko

"Dapat lang na makikilala namin iyan Phyra. Ikaw ang prinsesa ng Scarlet" sabi ni Dad. Si mommy naman ay parang kinikilig at kinukurot pa si daddy.

Just the three of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon