Epilogue

449 14 4
                                    

"Will you do all these things; like we used to? Oh, like we used to."

September 10, 2018, Self-pity

Ang tagal na... ang tagal na pala simula nung huli tayong nag-usap. Akala ko nakalimutan na kita. Akala ko nakapagmove on na ako. Pero kasi hanggang ngayon, nasasaktan pa din ako. Oo, nasasaktan ako. Akala mo ba hindi? Akala mo ba madali lang para sakin 'to? Hindi, sobrang hirap.

Hanggang ngayon kasi, ikaw pa rin. Bakit naman ganon? Pinipilit ko namang kalimutan ka na, e. Pero bakit hindi ko magawa? Bakit kahit anong iyak ko, ikaw pa rin?

"Edward!"

Nahila ako pabalik sa realidad nung narinig ko ang pagtawag sa akin ng kapatid ko.

"Yes?"

"Are you alright?"

"Uh-uh. Why?"

"Brother, you know you can tell me anything right?"

Tumango lang ako. Nakita ko sa mata niya yung lungkot. Bakit? Bakit ka malungkot, Laura?

"Edward, please, tell me. Or talk, anything." Aniya at hinawakan ako sa mukha. "I missed my brother, so much."

"Lau, okay lang ako." Wika ko at inalis kamay niya sa mukha ko. "Pagod lang ako sa taping, pero okay lang talaga ako."

Bumuntong hininga siya. "Just... just talk to me if you want."

Tumango ako at ngumiti. Iyon naman talaga ang talentong mayroon ako. Ang ngumiti sa kabila ng mga sakit na nararamdaman ko.

Iniwanan ako ni Laura. Bumalik naman ako sa kwarto ko at humiga. Pinipilit ko laging makatulog pero hindi ko magawa. Minsan pa nga'y umiiyak ako sa bigat ng dibdib ko saka palang ako makakatulog. Ganoon naman talaga diba? Iiyak ka muna bago mo maramdaman yung pagod para makatulog.

Huminga ako ng malalim at inabot yung phone ko. Tiningnan ko yung laman ng inbox ko, dati rati'y siya lang laman ng inbox ko. Ngayon, kahit isang good morning lang ay wala na. O di kaya'y kahit birthday greeting man lang.

Nalilito na ko. Sobrang nalilito na. Di ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Di ko alam kung anong nangyayare sakin, di ko na rin kilala sarili ko. Pero nananatili nalang akong tahimik at nakangiti sa tabi. At nagpanggap na okay ang lahat kahit alam kong hindi, kahit na alam kong kailanman ay hindi na babalik sa dati. Hirap na hirap na ako pero pilit ko pa ring kinakaya.

Napangiti ako kahit may luhang tumutulo galing sa mata ko. Nakita ko kasi ang mga larawan namin.. larawan na nakangiti pa kami. Ngiting ako ang dahilan, ngiting sa akin niya lang binibigay.

Mas lalo kong naramdaman yung sakit sa puso ko. Ang sakit balikan nung mga panahong magkasama pa kami, yung panahon na totoo pa ako sa sarili ko, yung panahon na wala akong takot na titigan siya kahit maraming tao. Bakit ko nga ba hinayaang humantong kami sa ganito?

Bigla ko nalang naramdaman na may yumakap sa akin. Mas lalo akong napaiyak nung nalaman ko kung sino yung yumakap sa akin.

"M-Mom.." Pagtawag ko.

"Cry, baby." Aniya at hinigpitan ang yakap sakin. "Just let it all out."

Napahagulgol na ako. Ang tagal tagal kong kinimkim 'to. Ang tagal tagal kong tinago yung pag-iyak ko. Hindi dahil sa iniisip kong iisipin nilang bakla ako kundi takot ako na baka hindi nila maintindihan ang mga naging desisyon ko.

"Mom, why does it so hard to decide what to follow?" Tanong. "H-heart or m-mind?"

"If you follow your heart make sure that you take your brain with you, baby." Wika niya. "We always chose our hearts, right? We always chose our hearts because of our feelings."

"Mom, I chose my brain." Wika ko at napahagulgol ulit.

Hindi kaagad nakapagsalita si Mama dahil sa sinabi ko. Gulat siya kasi ngayon ko lang inamin sa kanya 'to.

"Sinasabi naman po ng utak ko na, tama na, pero sinasabi po ng puso ko sige pa." Wika ko. "Pero bakit po ganon? Bakit po sinusunod pa rin ng puso ko yung sinasabi ng iba na "follow your heart."?"

"Why?"

Tanong na hindi ko rin alam ang sagot. Sobrang nahihirapan akong sagutin 'yun dahil sa gulo na rin ng isip ko.

"I don't know why you chose this path, baby, but always know that we have your back." Wika niya saka tumayo. "Talk to me when you can, you need to rest."

Umalis naman si Mama nung makita niya akong humiga. Pero ako 'tong si makulit ay tiningnan yung social media accounts niya.

Bigla nalang ako nakaramdam ng kirot sa puso ko nang makita ko yung recent posts niya. Picture nila ni Donny.

'Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit, sakit, selos, nagkahalo-halo na. Pero ano nga bang karapatan kong mag-inarte ngayon?

@kissesdelavin: Thank you for everything, Dons, I love you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

@kissesdelavin: Thank you for everything, Dons, I love you. 💖

Ang sakit pala. Ang sakit sakit pala talaga. Akala ko masakit lang kasi alam kong kasalanan ko naman. Sabagay, iniwanan ko siya ng dahil lang sa pangarap ko. Syempre, may isang tao talaga na magmamahal sa kanya. Hindi naman siya ganoon kahirap mahalin.

Sana lang hindi gawin ni Donny yung nagawa ko. Pero sa tingin ko naman, malayong gawin 'yon ni Donny.

Kisses, hindi mo man malaman ang buong kwento ko sana ay maging masaya ka at maramdaman mo yung pagmamahal na matagal mo ng hinihintay. Andito lang ako patuloy na magmamahal sa'yo, kahit pa na naging gago ako.

Sana ay gawin mo pa rin ang mga bagay na ginagawa natin dati. Hindi man ako yung kasama mo, sana'y puro masasayang alaala lang mayroon ka ngayon.

Like We Used ToTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon