Dear Crush,
Ilang araw din ang lumipas, namiss mo kaya ako?. Iniiwasan kasi kita, alam mo kasi kapag tinitignan kita parang nawawala ako sa sarili so baka hindi ako makapag-focus sa studies kaya lilo muna ako sayo. Ipinangako ko rin kasi kay mom and dad na ngayong high school ay pananatilihin ko pa ring makasama sa with honors.
Minsan nalulungkot din ako, lalo na kapag may kausap kang babae alam mo yung parang nagseselos? Though crush pa lang naman kita at in the first place; wala akong karapatan. First crush kasi kita at sana first boyfriend na rin kaso mukhang malabo. Bali-balita kasi na nagkakaigihan daw kayo ni Kerene. May something na raw sa inyo.
Gusto mo ba siya? I mean, oo hindi imposible yun kasi maganda si koreen habang ako tamang matalino lang. Sana hindi mo pa siya girlfriend, kasi panigurado masasaktan nang todo ang puso ko sa unang pagkakataon.
Alam mo ba? Kapag magkatabi kayo, palagi ko kayong tinitignan. Kahit hindi ko magawa ang lectures ko basta mabantayan lang kita sa kanya. Grabe nga siya sayo, close ba kayo? May pahampas hampas pa siya ng braso mo! Hilahin ko kaya yung braso niyang parang manika, baka sakaling maputol. Habang kasama at kakwentuhan mo siya, ang lapad ng ngiti mo. Iniisip ko tuloy, sana ako yung dahilan ng bawat ngiting lumalabas sa iyong mga labi.
Maiba, ginagawa mo ba yung assignments mo? Baka naman puro ka laro dyan? Umayos ka nga!. Porket ba makapit ka at magaling mang-uto sa teacher ay palalampasin na nila ang kawalan mo ng assignments, hindi no. Umayos ka! Gumawa ka, para sa future natin.
Ano ako magtatrabaho para satin? Parang hindi naman makatarungan yun, kumilos ka!Nagmamahal,
Narhian
BINABASA MO ANG
Dear Crush (Completed)
ChickLitHave you written a letter for someone you admire? Told that person of your feelings non verbal cause you're afraid of the things that might happen? Join Narhian, as she writes about his crush in a diary.