Dear Crush,
Nakakatawa lang, kasi yung babae na nagugustuhan mo ay si Ether pala. Remember nabanggit ko pa sya sayo rito? Kaso, malas mo kasi iba ang gusto niya. Siniswerte pa rin ako, wala kasing poreber karma mo yan.
Chos lang, hindi na magbabago ang puso ko. Kasi kahit sinaktan mo pa 'to ng todo, ikaw at ang pangalan mo lang ang sinisigaw nito. Call me tanga, bobo o martyr pero ito kasi ang nararamdaman ko at wala ng makapag-papabago nito. Sayo lang ako kahit hindi ka sa akin.
Ang sabi nga nila, kapag nasaktan ka ay hayaan mong may dumating na tao para pahilumin yang sakit na nararamdaman mo. Kung may dumating man para mahalin ako, umasa kang kahit mahalin ko yung taong 'yon ay wala pa ring hihigit sayo.Nagmamahal,
Narhian
BINABASA MO ANG
Dear Crush (Completed)
Chick-LitHave you written a letter for someone you admire? Told that person of your feelings non verbal cause you're afraid of the things that might happen? Join Narhian, as she writes about his crush in a diary.