DC21

329 15 2
                                    


Dear Crush,

               Bakit nga ba? Ako minamahal ka tapos sila binabalewala ka?.Ako na lang kasi, magiging masaya ka pa... Chos!. Alam ko naman kasing wala 'kong pag asa sa'yo kaya quiet na lang ako. Biruin mo? Na-reject ka?
              Alam mo naman na siguro na gusto kita, pinagkalat na kasi ng dalawa kong bruhang kaibigan. Akala ko talaga iiwas ka, pero lumalapit ka pa lalo. Madalas mo na naman akong pagtripan, tinatago mo ang mga gamit ko kaya kung saan saan na napa-padpad. Dinuduro mo pa yung pimples ko, ikaw yan tapos sinasaktan mo. Porket wala kang pimples? Kapag ka nagkaroon ka, ako ang unang unang yayari diyan. Naiinis pa 'ko, inaabuso mo kasi ang pagkaka-gusto ko kaya kung makasakit ka nang feelings wagas.
              Hoy lalaki! Hindi porket gusto kita, ay may karapatan ka nang saktan at paasahin ako sa wala. KAPAL NG MUKHA MO!

                                       Nagmamahal,
                                           Narhian

Dear Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon